Chapter 2

5.6K 48 4
                                    

"Girl, mamimiss kita. Keep in touch or else pupuntahan kita doon at kakalbohin ko yang buhok mo!" Naiiyak na sabi ni Kira, bestfriend kong haponesa. "Bakit kita kakalimutan? Loka-loka!" Natatawa at mangiyak ngiyak kong sabi sakanya.

"Me too girl, don't forget me huh? Kung si Kira kakalbohin ka, ako sasagasaan kita ng pison!" Sigaw ni Tippy.

"Aray! Wag kang sumigaw.." Napangiwi ako sa tinis ng boses niya. Ang isa ko pang bestfriend. "Ang brutal niyo naman. Kaibigan ko ba talaga kayo?"

Andito kami ngayon sa airport at hinatid kaming dalawa ni Mama ng dalawang babaeng ito. Mamimiss ko talaga silang dalawa kahit ganito sila kabaliw.

"By the way Irine!" Tili na naman ni Tippy habang pinupunasan ang kanyang mata dahil sa mga luha. Umayos siya ng tayo at pinaypayan ang sarili gamit ang kanyang mga kamay. Bakit ba ang hilig manigaw ng babaeng to? Ang hyper talaga!

"What? Importante ba yan?" Biro ko.

Tinignan niya ako ng seryoso at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Oo, para ito sa magiging mga anak mo. My cousin told me na may mga handsome na magpipinsan na sikat na sikat daw doon sa CDO, mayayaman at ang kikisig daw. OMG! Since NBSB ka, baka ito na yung pagkakataon mong magkalove life. Ano nga yung apelyido nila?Hmm.."

Napailing na lang ako.

"Loka loka! Hindi love life ang pinunta ko doon noh.. Ma, Bad influence si Tippy oh.." Sumbong ko kay Mama na wala man lang pakealam dahil kausap si Papa sa cellphone. Hay nako, lovers.

"Oa ka! I know na! I know na!" Pinaypayan niya uli ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay. Hobby niya yan pag naeexcite.

"Gosh, Tippy! Kumalma ka nga! Ang sakit sa tenga yang boses mo!" Tapik ni Kira kay Tippy sa balikat nito.

"MONTEFALCO, yan yung apelyido nila. My gosh, apelyido palang ang hot ng pakinggan. Kung may maging kaibigan ka sakanila friend, pakilala mo ako. Para one for me and one for you. Si Kira huwag na kasi mag mamadre to." Biro nito at natawa ako pati si Mama except kay Kira na namumula na. Halatang napipikon na. Masyado kasing strict ang parents nito kaya tinutukso ni Tippy na mag madre na lang.

"Bwisit ka!" At ayon, napikon nga. Haha

"Joke lang naman besh, di ka na majoke. Labyu bhe!" At niyakap niya ito at nilambing. Ngumiti naman si Kira, hindi namin kayang tiisin ang isa't isa. Nainggit ako kaya sumali ako sa yakapan ng dalawa.

Urgh, parang ayaw ko ng pumunta doon sa CDO. Hindi ko kayang mawalay sa dalawang to. Naiiyak na naman ako.

Narinig ko ang announcement ng flight namin hudyat na kailangan na naming pumasok sa loob.

"Tara na Irine, mag paalam ka na sakanila."

"Aww... Bye Girl. Ingat kayo doon, okay? Bye po tita!" Hinalikan nila ako sa pisngi pati si Mama. Parang anak na rin ang turing ni Mama sakanila. Parang mga kapatid ko na rin sila since only child ako at magkakilala na kaming tatlo simula noong grade school pa kami.

"Friend, Montefalco ha?" Paalala ulit ni Tippy.

"Puro ka lovelife, mag aral ka nga. At mag aaral ako doon noh." Binatukan ko siya at agad na tumakbo kay Mama.

"Ouch, i hate you. Ang sakit kaya!" Sapo sapo nito ang ulo. Binelatan ko lang siya.

Humalakhak si Kira at tinignan ni Tippy ito ng masama.

"Bye guys, i love you!" Sigaw ko sakanila habang kumakaway at lumalakad ng paatras.

Kumaway din sila pabalik at humarap na ako para habulin si Mama na nauna na atang nakapasok sa loob ng eroplano

The Third MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon