After class diretso agad ako sa bahay at nakita ko si Manang na naghihintay na sakin

“Mariez, naku kamusta ka na? nag-aalala na ako sayo alam mo ba yun. Na miss kita ay halika at pumasok muna. Naku hindi pa ako tapos sa niluluto ko. Umakyat ka muna kaya sa kwarto mo at magpahinga tatawagin na lang kita kung tapos na”

 

“Wag na po hihintayin ko na lang po kayo”

 

“ay sige na, umakyat ka muna”

 

“ah… o sige po… ahm… M-manang si ano po… blake”

 

“ah si Blake mamaya pa iyon uuwi, maraming inaasikaso ang batang yun, may kung anong ginagawa sa malaking papel, ewan ko ba kung ano yun”

 

“ah ganun po ba, o sige po akyat na po ako” tumango na  lang si Manang at pumunta sa kusina, dumiretso na lang rin ako sa kwarto ko. Walang pinagbago ang kwarto ko, ngunit napansin kong may mga gamit sa study table ko.

Lalapitan ko na sana kaso tu7munog naman cp ko.

[Mareiz]

 

“Seven”

 

[san ka? Umalis ka daw agad sabi ni Kris. Labas ulit tayo may ipapakita ako sayo]

 

“S-sorry nandito kasi ako sa bahay eh, binisita ko lang si Manang Merling namimiss ko na rin kasi, isa pa sya na rin naman ang nagsabi tatanggihan ko pa ba?”

 

[… si Manang Merling ba talaga o si Blake?]

 

“Seven Mag-uumpisa na naman ba tayo?”

 

[s-sorry, ahm.. sige sunduin na lang kita]

 

“wag na magtataxi na lang ako”

 

[I insist]

 

“I resist”

 

[pillow]

 

“pillow, sige na babye na kita na lang tayo bukas”

 

[o-okay] ibinaba ko na lang agad ang tawag dahil ayaw ko nang magkaroon pa ng mahabang usapan.

Nahiga na lang muna ako sa kama….

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz……………

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Where stories live. Discover now