BDOD #51 (For my TeamBruh)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Love?" I called out as I walked inside her dressing room. Tinapunan niya 'ko ng short glance at ibinalik din agad ang atensyon sa pag-aayos ng buhok niya. "Do we have a problem?"

"Huh? Medyo masama lang yung pakiramdam ko. I'm sorry," she apologized. Bahagya akong lumapit and tugged her closer. Napansin ko na medyo mainit nga siya. I kissed her on the temple.

"I'll tell Direk na you don't feel well so that you could rest," sabi ko but she just shook her head. "Mainit ka, mommy. Baka lagnatin ka ng tuluyan e,"

"I can handle. Iiinom ko nalang ng gamot 'to." napakamot nalang ako ng ulo. She's getting stubborn again. Hindi na nawala ang pagiging workaholic. "I'll ask Buern to buy me meds. Kaya ko 'to,"

"Sigurado ka ha?" paninigurado ko. I just don't like seeing her unwell.

I was about to let her go nang maramdaman kong unti-unti siyang natutumba while massaging her temple. Nakakapit ang kaliwa niyang kamay sa 'kin.

"I told you. You're not okay," nag-aalalang sabi ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Nahilo lang ako, but I'm okay."

"Wag matigas ang ulo, Karylle ha?" I grumbled as I helped her sit on the sofa. "You'll stay here. Sasabihin ko nalang kay Direk na may sakit ka. Don't force yourself, lalo ka lang manghihina."

"Sorry," bulong niya sabay yakap sakin. I hugged her back while kissing her temple. "Wag mo 'kong iiwan ha?"

Nagtataka man ay tumango nalang ako. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nasabi niyang 'wag ko siyang iwan'. Is it still about what we had talked last night?

-.-.-.-.-

Show started at wala ngang Karylle na lumabas. Vice informed Direk Bobet na masama ang pakiramdam ng asawa and that she couldn't do hosting for today. Nanatili naman si Karylle sa Dressing Room, nagpapahinga with Klang. The kid was too excited for her turn na halos minu-minuto ay tinatanong ang ina kung okay lang ba ang ayos niya.

"Mommy,-

"Opo. Okay na po yung dress mo, okay narin po yung hair mo and your lipstick." pangunguna na ni Karylle dahil alam niyang pareho lang din ng itinanong ni Klang kanina ang itatanong niya ngayon.

"Di naman 'yon po e," nakapout na sabi nito dahilan upang mas matawa si Karylle. "Nimimiss ko na si Bayshkee taposh shi Lucky,"

"Si Vicekee kasi baby, nasa bahay pa siya ni Momsie. May babies na siya," pagbabalita nito. Klang's eyes widened. "You want to see the puppies?"

"Yes! Yes!" naeexcite na sabi nito sabay lipat from the vanity to sofa. "What's their name?"

"Uh, your momsie said they don't have names yet. Ikaw nalang magbigay ng names sa babies ni Vicekee ha?"

"I'll name the first puppy, Keith and the other one, Charles!"

"Okay, we'll tell momsie about the puppies' name but for now, you have to get ready dahil malapit ng matapos ang Showtime," sabi ni Karylle habang pinapahid ang kumalat na lipstick ng anak. "It means, magsisimula na yung online-chika-chat niyo ni Daddy,"

"Ba't di ikaw po sasama?" tanong nito.

"Your Daddy will get mad. I have to rest daw dahil masama ang pakiramdam ko but don't worry, as soon as I get well, I'll join you sa chika-chat,"

"Nimamahal kitaaaa" pakanta na sabi ni Klang sabay halik sa ilong ng ina. "Nimamahal ikaw ni Klawisseeee!"

"Nimamahal din ikaw ni Ana Karylleeee," pakantang ganti ni Karylle sabay halik sa labi ng anak. "Stop with your cuteness already, baka yakapin nalang kita buong maghapon."

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon