PAANO AKO KAKALMA SA GANITONG SITWASYON

Nagulat nalang ako nang biglang magkaroon ng ilaw ang buong lugar. Nawala bigla yung kaninang parang pang-horror movie na ambiance netong lugar.

Napatingin ulit ako sa paligid at hindi ko maiwasang hindi humanga.

Ang ganda. Sobra.

Napatingin ako sa may harapan ko at nagulat ako sa nakita ko.

[Now playing: Eyes, Nose, Lips by Taeyang]

Hindi ako makapaniwala. Nakahalera silang lahat sa harap ko habang naka-tuxedo at may hawak na pulang rose.

A-Ang dami nila ?

Binilang ko sila at halos maalis na yung puso ko sa ribcage ko dahil sa sobrang lakas ng pagtibok.

Seventeen sila. Kumpletong-kumpleto. Idagdag mo pa si Seungmin na nakatuxedo din at may hawak na rose kaya eighteen sila.

Nandito si Doyoon, Mingming, Samuel at Dongjin !

Gustong-gusto ko nang magwala dito. Naiiyak na ako ! Hindi ko ine-expect na makikita ko pa sila ng kumpleto.

Nginitian nila ako. Hindi ko na talaga napigilan na maiyak. Naalala ko kasi na sinusungitan nila ako kanina pero plano lang pala nila yun para sorpresahin ako.

Lumapit sakin si Seungcheol at inabot sakin yung hawak nya na rose.

' Happy 18th birthday Noona. Sorry kanina ha '- sabi nya sabay ngiti.

Ang gwapo ni Seungcheol !

Iyak padin ako ng iyak habang sinasayaw nya ako. Sya naman tinatawanan lang ako. Bait nya talaga.

Sunod naman si Jeonghan at inabot din nya sakin yung rose na hawak nya.

' Happy birthday Noona. Ang ganda mo '- sabi nya.

Ang isang Yoon Jeonghan, sinabihan ako ng maganda ?

Pwedeng mag hair flip ?

' Sorry din pala kung natanga kita kanina '- natatawang sabi nya.

Hinampas ko sya ng mahina sa balikat.

Sumunod si Jun at ganun din ang ginawa nya. Inabot nya sakin yung hawak nyang rose.

' Noona, secret lang natin to ah ? Wag mong sasabihin kay Joshua hyung '- bulong nya sakin habang nagsasayaw kami.

' Ano ? '- tanong ko sa kanya.

' Ang sexy mo Noona '- sabi nya.

Manyak talaga netong Jun na to.

Hahampasin ko sana sya kaso nakatakbo na sya palayo at si Hoshi naman ang lumapit sakin.

' Noona, gurang ka na '- bungad nya sakin habang inaabot yung rose na hawak nya.

' Maka-gurang to '- sabi ko sa kanya.

Pagkatapos nya akong isayaw, si Wonwoo naman ang lumapit sakin.

' Stop drooling '- sabi nya.

' Kapal ! '- sabi ko tapos hinampas ko sa kanya yung rose na inaabot nya.

Sunod si Woozi kay Wonwoo at natawa ako bigla kaya sinamaan nya ako ng tingin.

MILK / seventeenOnde histórias criam vida. Descubra agora