Shattered Memories - Chapter 1

70.4K 1.1K 105
                                    

Being married to a man who's still in love with his former lover is hard. Ishi did everything she can to make her husband happy, but her efforts were unappreciated. It's too late when he realized how much he loves her wife, because she doesn't remember him anymore. She forgot everything about him. So they say, "You don't know what you have until it's gone."

-

CHAPTER ONE

"Hoy Ishi, congratulations! You are seven weeks pregnant. Magiging mommy ka na!" nakangiting saad ng kaniyang kapwa doktor.

      Hindi agad rumehistro sa kaniyang utak ang sinabi nito. Pinamilugan muna niya ito ng mga mata. "R-Really? Hindi ka nagbibiro?"

       "Bakit naman kita lolokohin! Totoong buntis ka. Magkakaanak na kayo," kinikilig na wika nito. "From now on, you should take care more of yourself. Alagaan mo ang sarili mo ng mabuti ha? Damihan mo ang pagkain ng fruits and vegetables para healthy ang baby mo. Isa pa, 'wag ka ring magpapagod at magpapastress ng sobra. Don't lift heavy materials too, it can lead to miscarriage.

     Nag-usap pa sila ni Dr. Jennifer Mendez. Matapos nitong masagot ang lahat ng kaniyang katanungan at makapagbigay ng iba pang payo ay lumabas na siya ng clinic nito. She inhaled deeply before opening the door, then exhaled after closing it. Hindi niya inaasahan na 'yon ang sasabihin ng kaibigan niya. She thought that she was just being sick. Ang totoo ay ilang araw nang hindi maganda ang kaniyang pakiramdam kaya nga marami na rin siyang absences. Bumisita lang siya sa ospital para sana magpacheck up ng kaniyang sakit, pero nang makasalubong niya si Jennifer ay niyaya naman siya nitong magpapregnancy test kesyo malakas daw ang pandama nito na may lumalangoy na sa loob ng kaniyang tiyan.

     She went to the parking lot. Lulan siya ng kaniyang pulang Lamborghini nang tawagan niya ang kaniyang asawa. Nakailang ring muna bago nito sagutin ang kaniyang tawag. "Uhm, Robert. Anong oras ka uuwi?" She can't wait to tell him personally the good news. Wala kasi ito sa ospital dahil wala naman itong scheduled na operasyon ngayong araw.

       "Siguro mga bandang alas sais na. Bakit ba?"

      "Well, I have something to tell you. Agahan mo ng uwi ah? Puwede bang alas cinco ka na umuwi? Masyado na kasing late kapag six ka pa uuwi."

     "I don't know, can't you just tell me over the phone? Nakikipaglaro kasi ako ng soccer ngayon kasama ng mga kaibigan ko."

     Napakamot si Ishi sa ulo niya. So mas mahalaga pa pala kaysa sa akin ang mga punyetang kaibigan niya. "Well okay," she said casually trying not to sound angry. "Bahala ka." Pinagpatayan na niya ito ng tawag, nagtatampo na siya sa kaniyang asawa. Mabilis ding nagring ang kaniyang cellphone. Her husband calling.

     "I'll try to be early," wika nito.

     She smiled. "Okay, bye. I love you..."

     It took a few seconds for him to respond. "I love you too."

     She ended the call. Nailing siya sa kaniyang asawa. Para bang nitong mga nakaraang buwan ay nagiging malamig ito sa kaniya. Well not really cold, parang hindi na ito ganoon kaamor sa kaniya tulad ng dati. Maybe he's cheating on me? Naiiling niya ang kaniyang ulo. Hindi niya ito dapat pinag-iisipan ng masama. But she read an article before that woman instincts are 90% true, lalo na kapag asawa or nobyo nila ang kanilang pinadududahan. Nang hindi pa rin mawala sa kaniyang isip ang ideyang 'yon ay naiumpog pa niya ang ulo niya sa manibela ng sasakyan. Which made a very long honking sound. Tuloy ay naingat niya kaagad ang kaniyang ulo dahil sa ingay na ginagawa niya. She started the engine and drove her way to her old friend's coffee shop. Malapit lang iyon sa ospital kaya nakarating din agad siya roon. She parked the car on the other side of the street then walked her way inside the shop. Pagpasok niya ay sinalubong siya ng mabangong amoy ng kape kasabay ng pagkuliling ng bell sa may pinto.

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now