April 13, 2016 || 9:55 pm
Halos mag-iisang oras ang makalipas nang makauwi ako sa bahay galing galaan. Angas no? Kababaeng tao nasa labas padin ng alas-otso ng gabi. Wala din akong kasama sa bahay dahil parehas may trabaho magulang ko at baka nga mag over-time nanaman sila.
Sanay naman na din ako sa ganun. Medyo malungkot nga lang kasi mag-isa lang ako pag nasa bahay, walang kausap. Mabuti nalang at may mga naging ka-tropa ako dito sa village. Sila ang mga kasama ko kanina.
This summer ko lang sila nakilala, and with just a small moment of time naging close agad kaming lahat. Pito kaming lahat na magbabarkada, tatlong lalaki at apat na babae.
Sa loob ng isang oras ko dito sa bahay nakapag-linis ako ng bahay. Wala naman din kasi akong magawa e. Kinuha ko ang susi ng bahay dahil lalabas ako at magbi-bike. Ni-lock ko na ang gate ng bahay tsaka ako nag simulang mag bike. Sobrang naiinip na kasi ako sa loob kaya ko napagpasyahan na lumabas ulit.
Isa pang dahilan, gusto ko lang sumilay kay crush, titignan ko lang kung nasa labas din ba siya. Kabarkada ko ang crush ko, at walang nakakaalam na crush ko siya. Malihim din kasi ako.
Actually ngayon ko lang sya naging ka tropa pero matagal ko na syang kilala gawa din ng mga kaibigan ko. Kaya laking tuwa ko nga nung nakisama siya saamin. Pero di tulad sa iba, siya lang medyo hindi ko close. Tahimik ako at hindi masyado magaling makihalo biro, isa pa nahihiya ako sa kanya, kaya hindi ko siya nalalapitan. Ganun din siya tahimik din siya pag dating sa akin, mas lalo na pag kaming dalawa lang minsan, siguro kasi ang awkward ko talaga minsan.
Minsan kung hyper kami parehas or kaya pag ako, nagkakausap naman kami. Kaya okay lang.
Nahinto ako nung nakita ko na yung bahay nila, naroon siya sa labas nila habang naka dekwatro sa upuan nila, hindi yung pang babae ha! Yung version ng lalaki.
Mukhang malalim iniisip niya.
Isang beses nag laro kami ng truth or dare. Nang natapat sa kaniya ang bote, truth ang pinili niya. Ang tanong sa kanya, sino ang crush niya. Hindi siya naka-imik no'n, mukhang natutuwa naman ang mga barkada namin, nakingiti na lang ako sa kanila dahil baka mahalata kung sisimangot ako.
Sa totoo lang feeling ko alam ng barkada namin kung sino talaga ang crush niya, at sadyang pinagtritripan lang siya. Hindi niya sinagot kung sino iyon, kaya mas lalo akong na-curious dahil doon. At dahil hindi niya sinagot binigyan siya ng penalty at iyon ang manlibre.
Mukhang napansin niya na may nakatingin sa kaniya kaya napa-tingin siya sa gawi ko. Dahil nakatingin ako sa kaniya kanina pa, nagkasalubong ang aming mga mata.
Ang mata niya ay kulay kape. He has expressive yet still mysterious kind of eyes. Ang kaniyang mata ay isa mga dahilan kung bakit ko siya naging crush. Maganda din ang kaniyang pilik mata dahil mahahaba at makapal ito na nag dedepina sa hugis ng kaniyang malalalim na mata.
Dahil may tindahan sa tapat ng bahay nila, bumaba ako sa bike at napag-isipang bumili ng stick-o. Habang hinihintay ko matapos ilagay ng ale ang pitong pirasong stick-o sa plastic naramdaman kong may tumabi saakin.
Kahit hindi ko na siya lingunin alam ko na siya na iyon, dahil amoy ko na yung amoy niya. Kinuha ko na yung binili ko. At sa katangahan ko, namali ako sa pag liko, hindi ko alam na nasa may kanan ko siya at doon pa mismo ako bumaling kaya naumpog ako sa dibdib niya. Matangkad kasi siya.
Itinaas ko ang tingin ko sa kanya para matignan siya. At ayun siya, may nakaguhit na ngisi sa kaniyang labi. Halata namang natuwa sa katangahan ko ngayon-ngayon lang. Bumilis bigla tibok ng puso ko, sana hindi niya madinig.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin na tila bang nang aasar.
Inisnaban ko lang siya. Narinig ko ang pag halakhak niya nang nilagpasan ko na siya para makapag bike at umalis na. Ang tanga ko naman kasi!
ВЫ ЧИТАЕТЕ
One Shot: Night ride and Stars
Короткий рассказSa lahat ng pwedeng mangyare, bakit ang pag-gising pa?
