Bodyguard-12

87.1K 1.7K 18
                                    

Masakit ang katawan ni Ap ng magising siya kinabukasan.

Deym! Kapag nakita ko yung lalaking yun babawi ako, I swear.

Dahan-dahan siyang naginat.

Naghilamos at nagtoothbrush lang siya. Mamaya na siya maliligo pagkatapos niyang ipagluto ang mahal na hari.

Speaking of Dwayne bigla siyang namula. Anong mukhang ihaharap niya sa binata? Muntikan na naman siyang bumigay kagabi.

Hindi niya alam kung maiinis o magpapasalamat siya sa lalaking pumasok dito sa penthouse nito kaninang madaling araw.

Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng table. May mga messages siya.

From Caius, nauna na daw ito sa Hq binilinan siyang sila na ang bahala ni Quen doon.

From her mom kinu-kumusta siya. Saglit niya itong tinawagan at sinabing okay lang siya.

From her brother and Quen binibilinan siyang mag ingat.

Napabuga siya ng hangin bago lumabas sa inu-ukupang kwarto.

Ipinagdasal niyang sana tulog pa ang boss.

Mala pusa siyang naglakad ng walang ingay papuntang kusina.

Ngunit nalaglag ang kanyang panga sa naabutan.

The great and mighty Sid Dwayne Morales is cooking.

Aba, marunong pala namang magluto eh.

Wala itong pangitaas.

He's only wearing his blue pj's.

Free viewing sa mga muscles nitong nag fle-flex pa.

Likod palang solve na siya.

"Did I pass miss Sarmiento?"

Bigla siyang napakislot sa gulat.

Tumikhim siya para matanggal ang laway na bumara sa kanyang lalamunan.

"Pass? saan sir?"

Sa pagkaka-tanda niya hindi naman siya nag-exam.

Bakit ba kasi ang hilig nitong ibalandra ang katawan?

Nakakapigtas ng garter ng panty sa totoo lang.

Kung ganito lagi ang nakikita niya. Baka mawala siya sa katinuan. Sa mental ang bagsak niya. Kung hindi naman ay sa kulungan.

Ang headline.

Babae, nang-rape ng isang businessman.

"Sir, gusto niyo po ba ng kape?" Pang-iiba niya.

"Yes."

Luhh mukhang maganda ang gising hindi masyadong masungit.

Ipinagtimpla niya ito kape at gatas para sa sarili.

Buong pag-iingat niyang inilapag ang kape sa harap nito.

She was about to sit down sa upuang katapat nito ng hawakan siya sa braso.

"Sit here," turo nito sa upuang nasa tabi nito.

Wala sa sariling sumunod siya sa boss. Baka magsungit na naman kapag hindi napagbigyan.

"Masakit pa ba?" Masuyo nitong tanong habang inaangat nito ang panga niya. At mataman itong tinitigan.

Marahan niyang pinalis ang kamay nitong ngayon ay humahaplos na sa bakas ng pasa niya sa kanyang pisngi.

"Hindi na, sir." Awkward.

Tumango ito. "Okay, let's eat." Aya nito at nagsimula ng sumubo ng pancake na niluto nito.

Napamura siya sa isip ng masulyapan niya ang katawan nito. Hindi niya maisubo ng maayos ang kinakain.

T*ng*ne ng abs nay an, nakakabusog.

Napainom siya ng gatas ng wala sa oras.

Then suddenly the doorbell rang.

"Ako na sir."

Tumakbo muna siya papasok sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang baril.

Isinukbit niya ito sa kanyang likuran at sumilip sa peep hole.

Isang matanga ngunit maganda paring babae. Marahil ay isa sa mga may-ari ng unit dito sa building ni Dwayne.

Binuksan niya ang pinto at inihanda ang kanyang ngit.

"Good Morning po, anong pong kailangan nila?"

"Is Dwayne here?" Nakangiting sagot din nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang nanunuring nito. Pinasadahan din niya ng tingin ang sarili. She's wearing her white v-neck shirt and blue pj's. Wait blue? pareho kami ni Sir Dwayne?

"Ahhmm yes ma'am, nasa kusina po siya. Pasok po kayo."

Niluwagan niya ang pinto at tumabi para makapasok ito.

"Tila pamilyar ito sa loob ng penthouse dahil dire-diretso ito sa kusina.

"Iho, wala ka bang planong umuwi at magpakita sa amin ng Daddy mo? Kung hindi pa kita dinalaw hind kita makikita. Sid naman."

Nanlaki ang mata ni Ap.

Sa amin ng daddy mo?

"Ma, sorry po masyado lang busy sa trabaho."

Mas nanlaki pa ang mata niya.

Ma?

"Kumain na ho ba kayo?" Dwayne.

Hindi tuloy niya alam kung babalikan niya ang kinakain o papasok na siya sa kwarto upang magtago.

"Yes, iho. I'm done. Who's that beautiful lady?"

Bigla tuloy siyang napako sa kinatatayuan ng marinig niya ang sinabi ng ginang.

Beautiful?

Itinuro pa niya ang sarili.

Ako?

"Ap, come here."

Kagat ang labing naglakad siya papalapit sa mga mag-ina.

Pasimple niyang inayos ang kanyang baril sa likod upang maitago ito ng Mabuti.

"So, who is she son?" tanong ulit nito ng makaupo na siya.

"She's Aprhodite ma, kapatid ni Zeus. She's my secretary for the meantime hanggang makabalik siya from his honeymoon." Paliwanag ng binata sa ginang.

"Ikaw pala ung sister na sinasabi ni Zeus iha. Hi, I'm Isidra Dwayne's mom." pagpapakilala nito sa sarili.

"Aphrodite po ma'am."

"Sige na ipagpatuloy niyo na ang pagkain. Hindi na ako magtatagal, sa bahay kayo mag-dinner mamaya."

Magproprotesta pa sa si Dwayne "Bu----"

"No buts! Sa bahay kayo mag-dinner." Magiliw na bumaling sa kanya ang matanda. "Magluluto ako iha, baka may request kang ulam?"

Matagal na siyang nagcri-crave ng kare-kare. Pagkakataon na niya.

"Kare-kare ho." Makapal na ang mukha kung makapal.

Lumiwanag ang mukha ng ginang. "Tamang-tama, that's one of my specialty iha."

"Ikaw na bata ka, kapag hindi kayo pumunta. Itatakwil kita." Pananakot nito kay Dwayne bago mag-paalam sa kanila.

Meet the parents na ang peg.

G*g*, hindi ka jowa.

Secretary ka lang.

Hinatid ng binata ang ina nito hanggang sa pintuan. 









I'm His BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon