TAKE 4

5.2K 95 4
                                    

TAKE 4

“Ano na namang kailangan mo?”Kiera. Nakataas kilay na tanong nito kay Chuck na nagdiretso na papasok.

“Ikaw” Chuck, sabay ngisi nito at naupo sa sofa. “Ang boring ‘no” sabi pa nito.

Nasa isang Macro Hotel lang ang mga ito kaya wala masyadong mga appliances sa mga kwarto kagaya ng Television.

 

“Ano pa bang ine-expect mo?! Haler banda bukirin na ‘to. Wala tayo sa mismong syudad” Kiera at naupo sa kabilang sofa.

“Bat nagsusungit ka na naman” Chuck at pasimpleng lumalapit kay Kiera.

Tiningnan ito ni Kiera ng masama. “At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

Naupo naman si Chuck malapit dito. “Kiera may tanong ako”

“Hmm?” Kiera na patuloy sa pagkalikot ng cellphone.

 

“Naranasan mo na bang mahalikan ng matagal?” Chuck.

Sa pagkabigla ni Kiera ay naitapon niya sa direksiyon nito ang cellphone niya. “Ano namang klaseng tanong yan Chuck?!!”

Buti na lang nasalo ni Chuck ang cellphone nito. “Grabe ka naman Kiera. Aish” Inilagay nito ang cellphone ni Kiera sa lamesa sabay ngisi “Sino bang first kiss mo?” Lalong lumapad ang ngisi nito “Ako di ba?” ngumiti na ito.

Umiwas naman ng tingin dito si Kiera. “Lumabas ka na nga!” sabay taas nito ng boses.

Hindi naman namalayan ni Kiera na nakalapit na sa kanya si Chuck at nang iharap siya nito ay agad siya nitong sinunggaban ng halik.

Hindi na nakuha pang lumaban ni Kiera nang magsimula na si Chuck na igalaw ang labi niya  sa kanya at hawakan ang dalawang kamay niya hanggang sa lumalim na ang paghalik nito.

Bigla namang may kumatok sa pintuan “Kiera, papasok na ako ahh” sabi ni Bob at binuksan na ng tuluyan ang pinto.

At sa pagkataranta ni Kiera ay agad niyang tinulak palayo si Chuck pero nadala siya nito sa pagbagsak nito sa carpet.

You Belong With Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon