TAKE 3

5.2K 95 8
                                    

TAKE 3

Tapos na ang taping at nagsisipag-ligpit na ang mga staff ng gamit ay hindi parin pinapansin ni Kiera si Chuck.

Pagkatapos ng insidente kanina ay natahimik na ang dalawa kaya naman walang maingay sa taping o magulo.

Pinapakiramdaman lang naman ni Chuck si Kiera dahil mukhang malaki ang galit nito sa kanya.

 

“Psssst. Bob” mahinang tawag ni Chuck sa PA ni Kiera, pasakay na ang mga ito ng sasakyan.

Nakataas ang kilay na lumapit si Bob kay Chuck.

 

“Galit parin ba si Kiera?” Chuck.

“Malamang” Bob.

 

“Aish.” Sabay kamot ni Chuck sa ulo “Bat ba bigla na lang siyang umiyak”

 

“BOB! Let’s go!” Tawag ni Kiera sa assistant nito at nang nagtama naman ang tingin nila ni Chuck ay inirapan lang ito ng dalaga.

Patakbo namang sumunod dito si Bob.

“Aish. Para talaga siyang bata” Chuck at naglakad na din papunta sa sasakyan niya.

**

 

“Good Evening Mr. Chuck Aguilar. Dito po tayo. Mamaya pa pong 7pm magsisimula ang mall show.” Napatingin naman si Chuck sa relo niya 6pm pa lang. “Andito na din po si Ms. Kiera” Napataas naman ng kilay si Chuck. Ang aga naman nito.

Nang makapunta siya sa backstage ay nakita niya ito.

 

“Kiera, bat ganyan ang bihis mo?” tanong ni Chuck ng makitang nakabihis si Kiera ng pantaloon at isang malaking swag na jacket. Nakasuot pa ito ng malaking shades at sumbrelo.

Tiningnan naman siya nito sabay irap ulit sa kanya at dinaanan lang siya.

You Belong With Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon