Chapter 2

9.5K 153 57
                                    

The picture of the four main characters is found on the right side of the screen. You can use the picture as a guide and reference, if you can't imagine the characters' faces. You can also create your own image.

Credits to mirrichuu18 for the photo. 

Blue Brothers

(Chapter 2 – My World, Your World)

 

 

The next day, maagang gumising ang magkakapatid, pati na rin ang lahat ng mga estudyante sa St. Patrick’s Academy. Everyday, their wake-up call starts at 6:00am para makapag breakfast na sila. Then, classes start at 8:00am.

Medyo na-late ng gising si Tom dahil napasarap siya ng tulog. Ngayon lang kasi siya nakatulog sa isang napakalambot na kama. Nagmadali siyang makaligo at makapagbihis at dumiretso na sa dining hall.

Parang isang breakfast buffet sa isang hotel ang makikita sa dining hall tuwing umaga. Kumpleto sila sa menu – from bread, potatoes, rice, hotdog, corned beef, noodles, puddings, cakes, fruits and cereals. All of them are served, gourmet style. Sa beverages naman ay available ang fresh milk, chocolate milk, coffee at fruit juices na freshly squeezed.

Kumuha lang si Tom ng rice at corned beef na paborito niya. Kumuha din siya ng coffee dahil ‘yun ang nakasanayan niya sa probinsya. Inilagay niya lahat sa isang silver tray at naghanap ng mauupuan.

“Opps! Bawal dito!” natatawang sabi ng isang estudyante.

“Bakit bawal? Eh wala namang nakaupo dyan?” nagtatakang tanong ni Tom.

“Meron! Dito lang naman ang upuan ng kaibigan naming si Carlos!” nakangiting sabi ng estudyante, sabay tingin sa likod kung saan padating na si Carlos na may dalang pagkain. May kasama pa itong isang kaibigan.

“Tama! Dito ang table naming tatlo, kaya maghanap ka na lang ng ibang mauupuan.” nakangising sabi ni Carlos habang inilagay ang pagkain sa table. Umupo na din siya kasabay ang dalawang kaibigan.

“Eh kung dito ka pala nakaupo, maghahanap na talaga ako ng ibang upuan. Baka mamaya hindi pa ako matunawan.” pabirong sabi ni Tom.

Napikon si Carlos samantalang tumawa lang nang malakas ang kanyang mga kaibigan.

“Alam mo ba ang sinasabi mo, Tomas? Halos lahat ng mga estudyante dito, gagawin ang lahat makasama lang namin sa grupo, tapos ikaw, ayaw? Ha! Loser!” sarcastic na tawa ni Carlos.

“Bakit, sino ba yang mga kasama mo?” tanong ni Tom.

“Dude, let me introduce myself. I’m Eric Legaspi, anak ni Roman Legaspi.” pakilala ng isang kaibigan.

Nanlaki ang mga mata ni Tom. Nasa harapan niya ang anak ng isang sikat na action star. Maputi at makinis ang kutis ni Eric. Pretty boy kagaya ng kanyang amang babaero.

“A-anak ka ni Roman Legaspi, yung paborito kong action star? Wow! Idol ko yung tatay mo. Halos lahat ng mga pelikula niya, pinapanood ko sa probinsya namin. Astig!” natutuwang sabi ni Tom.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon