“Promding-promdi ka talaga! Ang cheap ng taste mo. Action movies ni Roman Legaspi?” natatawang sabi ni Carlos.

“Ano ka ba? Nasa harap tayo ng anak niya. Baka magalit siya sa ‘tin.” nag-aalalang sabi ni Tom.

“Don’t worry. I find his movies cheap. Mas gusto ko ang Hollywood movies kesa sa mga pelikula niyang paulit-ulit ang kwento.” nakangiting sagot ni Eric.

“Oo nga. Hindi kami kagaya mo na jologs.” natatawang sabi ni Carlos. Napahiya naman si Tom.

“Eh yung isang kasama niyo, anak naman nino?” biglang tanong ni Tom.

“Ako naman si Michael Uy, anak ng may-ari ng pinakamalaking mall chain dito sa Pilipinas.” pakilala naman ng isa.

Medyo chinito si Michael dahil na rin sa angkang pinanggalingan. Ang pamilya nila ang isa sa mga Top 5 Richest sa buong bansa.

“Wow! Ang bigatin pala ng mga kaibigan mo.” sabi ni Tom kay Carlos.

“Oo, at hindi pwede dito ang anak ng isang small time na alahera sa Cavite.” sagot ni Carlos.

“Anong sabi mo?!” galit na sabi ni Tom. Susugurin na niya sana si Carlos pero pinigilan siya ng kamay nito.

“Chill ka lang. Baka matapon yang pagkain mo. Alam ko namang ngayon ka lang makakatikim ng masasarap na pagkain. Sayang naman.” natatawang sabi ni Carlos.

“Meron din kaming kanin, corned beef at kape sa Cavite.” biglang sagot ni Tom. Nagtawanan lang sina Carlos, Eric at Michael. Pati ang ibang estudyanteng malapit sa kanila ay nakitawa na din.

“Huwag ka na kasing sumagot, Tomas. Lalo ka lang nagmumukhang tanga!” sabi ni Carlos.  

Gusto nang suntukin ni Tom si Carlos ng mga panahong iyon, pero pinigilan na lang niya ang sarili. Wala na siyang magagawa kung hindi siya matanggap nito bilang kapatid.

“Madali lang naman akong kausap, ‘tol.” naaasar na sabi ni Tom sabay talikod. Agad niyang nakita sina David at Shiro at doon na lang siya sumama.

“Mukhang palaban yung kapatid mong ‘yun ah.” sabi ni Eric.

“Ayaw ko siyang maging kapatid. Pero tama ka. Palaban nga siya, but I’ll show him, na nagkamali siya ng pasok dito.” sagot ni Carlos. Tumawa lang ang kanyang mga kaibigan.

**********************

First class nina David at Shiro ang Homeroom. Excited silang magkakaklase dahil nabalitaan nilang bago ang kanilang adviser.

Very spacious ang mga classrooms dito. Maximum of 30 students lang per class. Bawat estudyante ay may malaking desks na may built-in LCD screens para dun na nila titingnan ang mga lessons at presentations.

Blue BrothersWhere stories live. Discover now