#2#

62 5 0
                                    

###2###

Pero pano nangyari yun? Sure talaga ako na clear yung daan kanina. Pero yaan mo na atleast ok lang naman ako. Kumuha ako ng band aid sa bag ko, may dala kasi ako eh, oh diba laging handa.

Nilagay ko sa gasgas ko yung band aid saka ako tuluyang pumasok sa room kung saan ako nakadestino. Sa Class 4-A. Heterogeneous daw rito, sa dati ko kasing school ay homo.

Pagkarating ko sa tapat ng room halos wala ng estudyanteng palakad-lakad. Binuksan ko na yung pintuan at pagkaapak ko sa floor ng room ay biglang humina yung ingay nila. At sakin sila nakatingin. Dahil siguro nakakita sila ng 'new person'.

Ngumiti nalang ako kaya ngumiti nalang din sila saka nila pinagpatuloy yung naudlot nilang kwentuhan. Hay....Kinabahan ako doon ah, kala ko na kung ano yun. Biglang bumukas ang pintuan pero dali-dali ko lang hinanap yung upuan ko, nakapaskil kasi doon sa mga upuan yung pangalan at kung saan nakapaskil pangalan mo, dun ka uupo.. Pero first day of school lang daw ito kasi bukas, magiging NPA na raw kami as in 'No Permanent Address'. Bakit ko alam ang mga to? Sinabi sakin nung gurong nakausap ko bago ako pumunta rito.

Nahanap ko rin naman agad yung upuan ko, agad kong tinanggal yung papel na nakapaskil doon at umupo na ako kasabay ng pagsalita ng isang maligayang boses.

"Yow, kumusta kayo? Sana nag-enjoy kayo this summer kasi ako hindi." saka ito tumawa, bahagya ko namang ginalaw yung ulo ko pakaliwa kasi di ko makita kung sino yung nagsalita, nakaupo siya sa mesa ng teacher, baka siya yung guro namin. Nang makita ko siya bahagya akong nagulat. Teka, siya yung.....What?! Ibig sabihin guro siya? Pero naka school uniform naman siya yung pang student.

"Hay nako Kean, sa pagkakatanda ko ganyan din sinabi mo last June." bahagya akong napalingon sa taong nagsalita. Pero nakatingin lang siya sa taong nasa harap na nakaupo sa mesa ng guro. Ay! Kala ko ako yung tinawag niya, nagulat nga ako kanina eh.

"Bakit Kean? Ano bang ginawa mo this summer?" tanong ng isa pang lalake sakanya habang inaayos yung polo niya.

"Wala, yun nga ang nakakalungkot eh, wala akong ginawa." tumawa naman yung iba, ewan kung may nakakatawa ba doon.

"Ok guys, kwentuhan niyo naman ako, anong ginawa niyo noong April 31?" loko ba siya? Sino namang ewan ang makakaalala pa kung ano ang ginawa nila noon. Noong Friday nga di ko na maalala eh.

Nakita ko na nag-iisip naman yung iba kung ano nga ba ang ginawa nila..Eh ako? Ano bang ginawa ko noon? Kahit ilang memory plus silver ang inumin ko baka di ko talaga maalala.

"Mas mahirap naman yang tanong mo kaysa sa Algebra Kean, sino naman ang makakaalala hah? Ayus-ayusin mo nga tanong mo bro." wika ng isang lalake, yung lalakeng tinanong yung Kean kung ano ang ginawa niya this Summer.

Wait. I realize something.

Medyo natawa pa ako..

"Walang April 31." sagot ko, hindi naman ganun kalakas yung pagkakasabi ko pero loud enough para marinig nila kasi nagkataon na tahimik kasi sila.

Napatingin naman sila sakin at nag-isip.

"Oo nga noh! Hanggang 30 lang pala ang April, loko ka Kean." sabi nung lalakeng unang nagsalita kanina kay Kean.

"Buti naman at wala akong ginawa noong April 31 hahaha." Ika naman nung isang lalake. Dahil doon, nagsimula na naman ang ingay.

Napatingin ako sa Kean at nakita ko na nakakunot siya, na badtrip siguro dahil nabistado ko yung sinabi niya. Sorry naman, medyo magaling kasi ako sa mga ganun. Marunong rin ako sa mga mystery games or logic games.

Binaling ko nalang yung tingin ko sa katabi kong upuan dito sa left side kasi sa right side ko ay wall na.. Napatingin ako doon sa pangalan na nakapaskil..

His Name Is KeanWhere stories live. Discover now