"STRIP, WADE SEXY RIVAS! STRIP WADE SEXY RIVAS!"

WHAT?

Nakita kong lumitaw ng ngisi sa mukha niya habang yumuyuko at kinukuha ang isang bote ng mineral water sa gilid.

"STRIP WADE SEXY RIVAS. STRIP WADE SEXY RIVAS."

"You know what, Reina? Someday, they're gonna be big. And I don't like it." Umiling si Coreen habang tinititigan ang kapatid kong tahimik na inaayos ang gitara niya.

"STRIP WADE SEXY RIVAS!"

Wade SEXY Rivas? Saan galing yung sexy? I know he's sexy... pero... damn!

Humalakhak siya at tinuro ang mga tao.

"Strip ba ka niyo?" Humagalpak siya sa tawa at unti-unting itinaas ang t-shirt niya.

Kitang kita yung pawis na pawis niyang abs.

"ARGGHHHHHHHHHHH!"

I swear that was the most excruciating shout I've ever heard from the audience.

Napapikit ako sa sobrang sakit ng eardrums ko. Halos mahimatay ako sa ingay. May mga tumulak pa sakin at parang sabik na lantakan yung mainit na abs ni Wade.

Dahil sa mga sabik na audience ay tuluyan na akong naitulak at rumagasa sa barricade. PUNYEMAS! SANTISIMA! Ang sakit sakit ng kamay kong naging tigasalo ng buong katawan ko!

"Owww!" I snarled.

Marahas kong tinitigan ang mga taong wala sa sariling tumulak sakin. Ni hindi nila pinansin ang mararahas kong tingin. May bading pang pasigaw-sigaw at nag sh-showering violation na! Kailangan ko ata ng payong dahil nalalawayan na ako dito!

"Reina!"

KAYA NAMAN PALA! Kaya naman pala nagiging warshock itong mga kasama ko dito ay dahil nandito si Wade sa harapan kong naglalahad ng kamay.

Tumingala ako sa kanya. Agad uminit ang pisngi ko.

"AHHHH! WADE SEXY RIVAS!" Kinalmot, hinatak at ginahasa si Wade ng mga taong nasa likuran ko.

Mabuti na lang at lumapit yung mga organizers at guards kaya napigilan ang naghuhuramentadong madla.

"Okay ka lang ba-"

Unti-unti akong pinatayo ni Wade.

"Kaya ko naman." Sabi ko pero hindi niya binitiwan ang kamay ko.

Agad ako dinalaw ng kaba. Yung kabang kahit maingay ay dinig na dinig ko. Parang buong sistema ko yung sumisigaw sa kabang iyon. Nang nakatayo na ako at nakatayo na rin ang hanggang baywang na barricade ay agad kong binawi ang kamay ko kay Wade.

Naramdaman ko agad yung hapdi sa tuhod at kamay ko. Mukhang nasugatan yata ako. Shemay! Pero hindi ko yun sasabihin sa kanya.

"Okay lang." Hindi ako makatingin.

Tinalikuran niya rin naman ako nang tinawag na siya ni Noah.

"The last song for today, ladies and gentleman." Sabi ni Warren sa likod ng drums.

Umiling si Wade at naglakad papuntang stage.

"STRIP WADE SEXY RIVAS!" Nagpatuloy na parang mantra ang mga tao.

"Sorry but I need to behave, baby."

Hinarap niya ang mga tao ng mas seryoso ang mukha. Tinignan niya rin ang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. At anong ibig sabihin niya sa 'behave'?

"AHHHH!" Nagpatuloy ang sigawan ng mga tao.

"AYAW NAMIN NG BEHAVE, WADE!!! RIVAS!!! SEXY!!!"

Kelan lang ba naging kasama yung SEXY sa pangalan niya?

Nilagay niya ang microphone sa kaliwang kamay niya at nagsimulang kumanta.

"Come a little closer flicker in flight

 We'll have about an inch space but I'm here

 I can breathe in what you breathe out

Let me know if I'm doing this right

Let me know if my grips too tight

Let me know if I can stay all of my life

Let me know if dreams can come true

Let me know if this one's yours too

Coz I feel it..."

Tumindig ang balahibo ko. Natahimik din ang mga tao. Kumpara kasi sa huling kanta nila, mas mahinahon ito. At isa pa, nakapikit si Wade nang kinanta ito.

"And I feel it right here..." Itinuro ni Wade ang puso niya. "And I feel you right here..." 

Nang dinilat niya ang mga mata niya ay una niya akong tinignan. Kumunot ang noo ko sa mga actions niya. Hindi ko siya maintindihan... Ang hirap-hirap niyang ispellingin. Ayoko ng humusga sa kanya kasi lagi akong nagkakamali. At ayoko ng magkamali pa. Tumalikod ako at hinanap si Coreen na kanina pa yata wala.

I need to go, too.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now