May bumunggong isang batalyong babae sakin sabay sigaw ng pangalang, "Wade Rivas!"

WTF? Really? Thanks, ah?

Kumunot ang noo ko at sinaksak ang mga babaeng yun sa tingin.

"Kita mo na? Buong school ang pupunta sa stage nila. Magpapahuli ka pa ba?"

"O sige na nga..." Marahan kong sinabi.

Agad niya akong hinigit papuntang stage ng banda nina Noah. Tama si Coreen, puno nga ng tao dito. Parang langgam ang liit ng mga mukha nina Noah, Warren, Joey at... at... Wade sa sobrang layo namin.

"Tabi nga!" Marahas na sigaw ni Coreen sa mga taong nag-aalburuto sa pagiging epal niya sa panonood.

"Sorry." Ako yung nag so-sorry sa bawat taong naiinis kay Coreen.

Wala naman kasi itong pakealam kung sinong masagasaan niya. Mabilis kaming napunta sa gitna ng mga tao. Mainit at maingay. Patalon-talon ang mga tao habang kinakanta ni Wade ang isa sa pinaka maingay na kanta nina Noah.

At in fairness, mas magaling siyang kumanta nito kesa sa dati nilang vocalist na si Stan. Nagigitara si Wade habang nakikisabay sa tono ng kanta. Nginingitian niya ang mga taong nandoon. Para bang pag tinitignan niya ang mga tao ay nang-aakit siya.

Bakit hindi ko iyon napansin? Bakit hindi ko iyon nakita? Bakit hindi ko napansin yung pagiging natural niyang mang-akit? Masyado ba akong nahumaling sa ideyang good boy siya?

"That doesn't mean he's bad, Reina." Sabay hingal ni Coreen nang nakarating na kami sa tapat ng stage.

Nabigla ako sa eksaktong sinabi ni Coreen. Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko? Nakatingin lang siya ng diretso sa stage kaya napatingin na rin ako.

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong masyado na kaming malapit kina Wade. May hinatak siyang apat na babaeng game na game at tumatalon-talon pa sa kanta nila. Nanggigigil at tumitili na ang mga babae sa tabi ko dahil sa ginawa ni Wade.

"Sana pakasalan ako ni Wade... AARGHHH!" Napalingon ako sa babaeng hindi ko makita.

Seryoso? May mga ganoong linya? At may mga ganoong sigaw?

"WADEEEE! OMY GEEE HE'S MY NEW FAVORITE! ARGGGGHHH!"

Nilagay ko ang dalawang index finger ko sa magkabilang tainga ko. Ang ingay! Hindi ko na marinig si Wade!

Punong-puno siya ng pawis. Bakat na ang katawan niya sa ilalim ng t-shirt dahil sa pagpapawis.

"OMY GOD! WADE, STRIP, BABY!" May manyak na babaeng sumigaw nito somewhere.

Kakatapos lang ng kanta niya kaya dinig na dinig ito ng mga tao.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon