PROLOGUE

23 1 0
                                    

This Story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, photocopying, recording or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.

Any characters,places,and things in this story are purely fiction and have no relation whatsoever outside the story.

Copyright 2016 @ by Winter_Sparkles

All rights reserved 2016

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Kanina pa hinahanap ni Val si Howard. Bibigyan niya sana si Howard nang pasalubong galing sa Auntie niyang umuwi galing states. Siguradong magugustuhan niya yon.

Hmmm... nasaan na kaya siya?

Nandito na siya sa garden nang school, itong parte nang school nalang ang hindi niya nahahanap.

Ayun! Nandoon si Howard kasama ang mga kaibigan niya!

Mukhang nag-uusap sila ah? Mukhang seryoso.

Alam ni Val na masamang makinig sa usapan nila kaya lang hindi niya mapigilan. Malay mo siya yung pinag uusapan di ba? Kinilig si Val sa naisip.

"Pre seryoso ka ba diyan?" Tanong ni Rylie kay Howard.

Si Rylie A.K.A Rylie Alcantara. Ang joker nang grupo nila. Palagi siyang nakangiti kaya nakakapagtaka dahil seryoso siya ngayon.

"Oo nga pre, pag nalaman ni Val yan. Nako ka sige." Naiiling na sabi ni Drake.

Huh? Paaano ako nasali diyan?

"Tsk. Oo nga Ward. Alam mo naman ang babaeng yun." Cool na sabat ni Jeff.

Jeff A.K.A Jeffrey Justine Jackson. The cool guy. Ang palaging kalmado sakanila. Ang tawag sa kanya JJJ.

"I don't care about that stupid girl." Poker face na sagot naman ni Howard.

And the love of my Life, Howard A.K.A Howard Ezekiel Zander Arnel Harvey.

"So seryoso ka talagang Girlfriend mo na si Mica?" Seryosong tanong ni Neil.

Who the heck is Mica?! Tapos liligawan ni Howard?!

Naging malambot ang ekspresyon ni Howard pagkabanggit kay Mica.

"Of course. I like her." Sagot ni Howard KO. Oo, akin lang si Howard.

WHAT THE HELL!!! Kailan pa nagkagusto si Howard sa isang babae?!

"Eh paano si Val? Di ba may gusto yun sayo? Pag nalaman ni Val na girlfriend mo si Mica, eh siguradong sasaktan noon si Mica." Sabi ni Rylie.

Malamang, dapat alam na nila yun. Lahat kasi nang mga babaeng may gusto kay Howard KO, sinasaktan ko.

Mula sa malambot na ekspresyon, naging matigas ang ekspresyon ni Howard pagkabanggit nang pangalan ko.

Medyo nasaktan ako doon ah. Gaano ba kagusto ni Howard KO Ang Micang yan?! Buwisit.

"No, no one can hurt Mica, not even that bitch Valentine. Mica is precious, remember that." Yun lang ang sabi ni Howard KO at umalis na.

Natahimik silang lahat.

Si Rylie ang unang nagsalita.

"Natamaan na talaga si Howard doon kay Mica." Sabi ni Rylie.

"Oo nga, imagine pumunta pa talaga si Howard doon sa bahay niya para manligaw." Naiiling na sabi ni Drake na akala mo hindi pa rin makapaniwala na ginawa ni Howard yun.

What???!!! Matatanggap ko pa na may girlfriend si Howard kasi palagi naman siyang meron, kaya lang ang Pumunta sa bahay nang Mica na yan?! Hindi to pwede!!!

"Ginawa talaga ni Howard yon?!" Manghang sabi ni Jeff.

"Oo pre, pati ako hindi pa rin makapaniwala eh." Sagot naman ni Drake.

"Nako, goodluck na lang kay Val." Sabi ni Neil.

Fuck them.

♡☆♡☆♡☆

Nung sumunod na araw maaga akong umalis nang bahay kasi alam ko namang sermon lang naman ang aabutin ko kay daddy niyan eh.

Nung pumasok akong school, nagtaka ako kung bakit ang daming tao sa hallway. Usually kasi, walang ganitong kadaming tao sa umaga.

Hindi ko nalang yun pinansin at pumuntang classroom.

Nung pumasok ako sa room, nakita ko agad ang mga bestfriends ko, Sina Abby and Jane.

"Val, halika dito dali! May chicka kami ngayon sayo!" Sabi agad ni Abby nang nakita niya ako.

Meet Abigail Christine Velasquez. Half Filipino and Half Spanish. Mestiza at maganda. Maraming lalaking naghahabol diyan. Kaya lang amazona yan.

"Ano ba yang mga chicka niyong yan ha?" Sabi ko at umupo sa upuan niya.

"Hindi to basta-basta chicka lang, tungkol ito kay Howard!" Sigaw bigla ni Jane.

Maria Jane Andres. Pure filipino. Morena at medyo conservative. Mahiyain din yan sa ibang tao, pero kapag sa amin, maingay yan.

"Kay Howard? Anong tungkol sa kanya?" Tanong ko

"May girlfriend na siya!" Sabay na sigaw nina Jane at Abby.

"Oh? Palagi naman siyang may girlfriend ah." Balewala kong sabi.

"No, hindi. Ibang girlfriend ito. Pinakilala na yun ni Howard sa magulang niya at mamaya iaanounce sa buong school yun." Biglang sabi ni Abby.

Muntik na akong mahulog sa upuan ko nang marinig ko yon.

"Weh? Baka isa lang yan sa mga paraan niyo para itigil ko yung paghabol kay Howard." Sabi ko bigla. Napakaimposible kasi Eh.

"Just wait and see." Sabi bigla ni Jane.

*STUDENTS, GO TO THE AUDITORIUM NOW!!!" Sabi nang speaker.

Tumayo kami at pumuntang auditorium.

Nagulat ako nang nakita ko sa stage si Howard at isang babaeng puno nang makeup sa mukha.

Ano toh?

Still puzzled, umupo kami sa upuan.

"Hello students, sorry dahil agad ko kayong pinapunta dito, may iaanounce lang si Howard."

Kinuha ni Howard ang mic sa nagsalita.

"Okay, first of all I know that you all know me. I just want to announce to all of you the love of my Life, Micaella Joyce Jimenez." Biglang ngumiti si Howard sa Micaella na yun.

Nagulat ang lahat nang ngumiti si Howard. Ngayon lang kasi nila nakitang ngumiti si Howard.

"And I just want to say, to don' t hurt her. Anyone who hurts her, will pay to me." Sabi ni Howard at tumingin sa direksiyon ko.

Ako?! Ako pa talaga huh?! Gaano ba kaimportante sa kanya ang Micaellang yan, at parang pinoprotektahan niya pa?!

"That's all thanks." Sabi ni Howard at hinawakan sa kamay si Mica bitch at umalis nang auditorium.

Speechless ako pagkatapos noon.

EnchantedWhere stories live. Discover now