"Uhmm.. Sige, pupunta din naman ako sa stage niyo, dito na ako liliko." Sabay turo ko sa daanan papuntang fashion show.

Pagliko ko, nabigla ako nang lumiko din siya.

Tumaas ang kilay ko at tinignan ko siya.

"Bakit?" Tumaas din ang kilay niya at ngumiti din sakin.

"Sasama ka?" Tanong ko.

"Di naman. Talagang dito lang ako dadaan."

Tumango ako at tumigil sa tapat ng stage ng fashion show.

May mga modelong nagpapractice sa stage. Nakapaskil naman ang mga designs sa baba. Naagaw pa ang atensyon ng mga modelo nang dumating kaming dalawa ni Wade. Well, hindi naman talaga ako yung nakaagaw ng atensyon, si Wade. Bahagyang tumigil ang pag eensayo nila at silang lahat ay napatingin samin. Uminit ang pisngi ko at nagtago sa mga designs.

Kumunot ang noo niya at tinignan ako, "Bakit ka nagtatago?"

Umiling ako at ngumisi.

Nakakunot ang noo niya at patuloy na tinignan ang mga nakanganga-ngising modelo. May isa pang kumindat sa kanya. Sumulyap siya sakin bago kumindat sa babae.

"Playboy..." Bulong ko sa sarili ko.

Naalala ko tuloy yung 'sex-life' question na tinanong niya sa nurse. Naisip ko tuloy kung ilang babae na kaya ang nging girlfriend niya? At naisip ko rin kung bakit siya nagti-tiyaga sa Zoey na yun.

Napalingon siya agad sakin at nalaglag ang panga. Nabigla ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Para bang may natamaan ako sa sistema niya.

"Bakit?" Ngumisi ako.

Hindi siya sumagot.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagtitingin sa mga designs.

"I'm used to playboys, Wade. Si Rozen at kuya Dashiel ay parehong playboy. Nakita ko kung paano sila magpalit ng babae. Isang babae, sa isang buwan." Umiling ulit ako. "It's disgusting but they're my siblings."

Napalunok siya sa sinabi ko. Hindi ko naman mapagtanto kung bakit sobrang kinakabahan siya sa sinabi ko. Kinunot ko na lang ang noo ko.

"That's why I like you, Wade... Kasi loyal ka. Pag may gusto ka... siya lang talaga. Kaya mong magparaya para kay Zoey." Tinamaan ako ng hiya dahil sa sobrang pagtitig at pagkakalaglag ng panga niya kaya naglakad ako palayo sa kanya. "Lika na nga!" Sabi ko.

Kahit di pa ako natatapos sa pagtitingin ng designs ay niyaya ko na siyang umalis. Bumabaha na kasi ng laway sa paligid. Kitang-kita ko na yung mga babaeng parang langgam kung lumapit sa kanya. Yung tipong sa oras na aalis ako sa tabi niya ay lalantakan siya agad ng mga iyon. Tsk! The cons of being Wade Rivas... Or maybe, the cons of being with Wade Rivas.

Tahimik siya hanggang sa makarating kami sa stage nila. Nandoon na sina Noah, Warren at Joey sa taas. Nag si-set up na ng stage at chinicheck ang mga instruments. Mas lalong bumagal ang paglalakad ni Wade. Nilingon ko siya at nakita kong half-open parin ang bibig niya. Anong problema ng isang ito?

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now