YFTK - 1

3.2K 56 8
                                    

Enrollment...

Enrollment na naman. Mag fo-fourth year high school na ako pero bat' ganon? Hindi man lang ako nae-excite. Siguro dahil pare-parehong mukha na naman ang makikita ko. Hmm. Simula 1st year to 4th year same faces parin. Di naman sa hindi ako natutuwa sa mga classmates ko pero parang wala nang bago. Sabihin na nating sawa ako sa mga mukha nila.

Maaga akong ginising ng yaya ko. Kelangan kong magpaenroll ngayon. Kumpleto ko na yung mga requirments ko ang kulang nalang ay i-pass ko ang mga ito at mag-fill-up ng mga form. Kelangan ko ring mag pledge in front of our school's councilor.

Sa public school ako nag-aaral. Mas prefer ko kasi doon kesa naman sa private schools na puno ng mga bruha at mayayabang. No offense sa mga taga private school pero ayaw ko talaga mag-aral doon. Ang tataas ng mga pride ng mga tao dun.

Kahit sa public school ako nag-aaral, nakukuha ko naman ang best education dahil sa curriculum na pisukan ko. Ang Special Program in the Arts o mas kilala bilang S.P.A.

Sa boung region, iisa lang ang paaralan na may ganitong curriculum. Hinuhubog dito ang mga estudyanteng matatalino at talented, isa ako dun.

Gaya ng ibang curriculum, nag-aaral din kami ng secondary education subjects katulad sa ibang normal na public school ang kinaibahan lang, dapat di bumaba sa 85 ung average namin sa bawat subject dahil kung hindi, mae-eleminate kami. May dagdag din kaming subject at yun ay ang practicum, Ito ang pinakaimportanteng subject na dapat naming mapasa kasi dito pumapasok ung Art related activities . Bawat isa sa amin ay may pipiliing specialization at ung napili ko ay instuments. Tinuturuan kami tumogtog ng mga instruments kagaya ng Guitar, Piano, Banduria, Laud, Octabina at iba pang mga instumento. Guitar ang specialty ko.

Simula nung bata pa ako, gitara na talaga ang pinaka best friend ko. Palagi akong nagprapraktis ng kung anu-anong kanta at mga techniques kaya naman ngayon, isa ako sa mga magagaling sa klase namin.

Pababa na ako ng hagdan nung marinig ko ung boses ng nakababatang kapatid ko, si Wyeth. 14 na sya at mag gr-grade 8 ngayong pasukan.  Magpapaenroll din siya kasama ko.

"kuya, kuya, how many hair do you have?" tanong naman ni Kyra, ung bunso namin.

" I don't know Kyra. Please finish your cereal before it gets cold" sagot naman ni Wyeth sa kanya.

" Good morning baby Kyra!" bati ko sa kanya sabay halik sa magkabilang pisngi niya.

"Good morning Ate Ira" kiniss niya rin ako sa magkabilang pisngi at nagsmile ng napakacute.

"Where is mom, baby?" tanong ko sa kanya nung mapansin kong wala si mom dito sa kusina.

"she's in the super market buying some grocery." sagot niya habang nakangiti parin.

"okay, finish your food already before it gets cold."

Marahil nagtataka kayo kung bakit english kami kung magsalita. Hindi kasi kami pure Filipino. Ang mom ko kasi filipino-american habang ung dad ko naman ay british-american. Nasanay kasi kami na English ang gamit naming language kapag nandito sa bahay kaya todo kung maka-english tong little sister ko. Mukha rin naman siyang kano. Siya lang kasi yung nakakuha ng blonde na buhok ni dad habang kami naman ni wyeth ay dark brown na kung minsan ay para nang black tignan.

"Ate, can I go with you to your school?" inosenteng tanong nito.

"I'm sorry baby but you can't, there will be a lot of people there."

"but I want to stay with you."

"how about this, I'll finish all the things I need to do at school then I'll come home as soon as I can?"

Yours For The Keeping (LGBTQ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon