Funeral (part 2)

527 21 3
                                    

"Kallum!" sigaw ko habang lumapit sa kanya. 

tinignan lang ako ng mga tao. Yung iba ay naasar pa sa akin. Di ko lang muna sila pinansin.

"Bakit Jake?" sabi sakin ni Kallum. Iniintay din nung iba ang sagot habang nakatitig lahat sakin.

tumingin ako kung saan huli kong nakita ang naka-itim na babae...wala? Pero....

"Ah...eh...wala...excuse me nga..." sinabi ko habang naglakad palayo sa mga tao. Naghanap ako ng isang tahimik na lugar at naupo.  Doon muna ako nag-isip ng mabuti.

Bakit ba 'to nangyayari sakin? Ano ba ibig-sabihin nito?

Ano pa ba pwede kong gawin para maitigil 'to.......

....pwede pa ba itong mapigilan..?

naputol ang pag-iisip ko nung nakita kong naglalakad palapit sakin si Tricia.

umupo siya sa tabi ko.

"Okay ka lang?....Ano nangyari sa'yo kanina?" tanong niya sakin.

".....Kasi...may nakita akong babae...." sabi ko. Hindi ko pa kasi masabi ng maayos.

"Babae..? Tapos..?" sabi niya.

"K-kamukha niya si Karen...at puno siya ng dugo...." sabi ko ng mahina.

nakita kong lumaki ang mga mata ni Tricia. At nag-isip muna siya ng sandali bago nagsalita ulit..

"P-Paano?" sabi niya.

"Hindi ko a-" sagot ko pero..

"Jake, nakita niyo ba si Kallum?" tanong sakin ni Jason, ang kapatid ni Kallum.

"Hah? Hindi....diba andun lang siya kasama niyo?" tanong ko habang biglang tumayo.

"Nawala na lang siya bigla eh...sabi ni Sharlene kanina pa daw siya hindi mapakali...." sabi niya habang tumitingin kung saan saan. 

*ring* *ring*

may narinig akong tumunog. At kinuha ni Jason mula sa bulsa niya ang kanyang cellphone.

"Hello?.......Hah? Saan?........OO, sige sige. Papunta na kami diyan...." sabi ni Jason bago ibinalik sa bulsa niya ang cellphone.

"Sino yon?" tanong ni Tricia

"Si Sharlene.....nagtext daw sa kanya si Kallum......pumunta daw tayo sa dulo ng sementeryo....dun daw tayo magkita.." sabi ni Jason ng seryoso.

Tumingin kami sa isa't-isa bago nagmadali papunta doon.......

Makalipas ng sandali nakita na namin si Sharlene at si Benedict...pero hindi namin makita si Kallum.

tumingin tingin kami sa mga puno. Ang dami dami ng puno sa paligid namin ngayon....at onti onti nang dumidilim ang paligid dahil nga parating na ang gabi.

"Ayon siya oh!" sabi ni Benedict habang nakaturo sa mga dikit-dikit na puno sa gilid. Pumunta kami doon at nakita nga namin si Kallum...napansin namin na may hawak siya sa kamay niya.

Hawak niya yung libro.

Nakatingin lang siya sa baba at hindi naimik.

"Kallum..?" sabi ni Sharlene habang hinawakan ang balikat ni Kallum.

walang kibo. Tahimik lang muna kami habang nag-iisip ng sasabihin.

"Patay na ba si Robbi?" sinabi bigla ni Kallum, hindi parin tumitingin sa amin. Tinignan ako ni Benedict...

"Oo..." sabi ko. Naramdaman ko ang paglaki ng mata nila Tricia, Jason at ni Sharlene.

"At.......diba sinasabi dito na......tayo na ang susunod? Na iisa-isahin niya tayo hanggat patay na tayong lahat?" sabi ni Kallum. 

"Kallum..alam na natin yon...kaya nga ginagawan natin ng paraan para mapigilan ito..." sabi ni Jason habang palapit sa kanya.

Medyo napatawa si Kallum.

"Sa tingin mo talaga...mabubuhay pa tayo pagkatapos nito? Eh kita mo ngang ilang beses na nating tangkang PIGILAN siya....wala..eh....suko na lang tayo......" sabi niya.

"Kallum, wag kang magsalita ng ganyan...." sabi ni Tricia.

"Oh, ano gusto mong gawin ko?! Umasa na lang na mabubuhay pa tayo dito?!" tumawa ulit siya ng konti.

Tinignan niya na kaming lahat. Napansin ko bigla yung mga mata niya....puro itim...

napansin ko na gulat din yung iba sa nakita nila.....

"Wala na tayong magagawa! Sumuko na lang kasi tayo para hindi na tayo mahirapan!" sigaw niya sa amin. Tinititigan niya kaming mabuti gamit ang kanyang mga itim na mata.

"Kallum..........?" sabi ni Sharlene habang niyakap niya bigla si Kallum.

Pero itinulak niya lang ito sa malayo. Napahampas sa isang puno si Sharlene, at nagsimulang magdugo ang ulo.

Nilapitan siya agad ni Tricia, buti ay hindi nawalan ng malay si Sharlene. Tinignan namin lahat si Kallum.

Bigla na lang nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Hindi na siya puro itim....kundi.... katulad na ulit siya ng dati. At kita namin na may pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin siya kay Sharlene.

"Sharlene..." sinabi niya ng mahina.

Tinignan namin siya ng mabuuti habang iniintay kung anuman ang susunod nyang gagawin...

Bigla nalang siyang....hinimatay...nawalan ng malay at napahiga sa damo.

____________________________________________________

Sorry kung medyo short  'to :P

you'll find out why in the next chapter  ;D

sorry din po na di na gaano nakakaUD. Eto na po yung bawi ko. XD pinagsasamantala weekend.

hehe enjoy <3

Book of RevengeWhere stories live. Discover now