Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng to, sana may inaalagaan na akong buntis ngayon, may misis na sana ako, may lalambingin na sana ako araw araw, may susuyuin at lahat lahat ng ginagawa ng mag-asawa, pero lahat ng gusto ko mauuwi lang sa wala. Mauuwi nalang sa alaala at hindi na matutupad pa.

--

*Jhane's POV*

Months passed simula nung nangyari ang lahat, ilang months na pero hindi ko pa rin nalilimutan lahat ng nangyari. Nung nasa hospital ako, ilang araw akong naghihintay na dalawin ako ni Michael pero sabi nila Mom and Dad kahit silip man lang hindi talaga pumunta si Michael. For what pa, diba? Ni hindi niya nga ako mahal at katawan lang ang habol niya sakin diba? But still, I can feel na kahit katawan lang ang habol niya sakin alam kong mahal na rin ako ni Michael, katangahan? No its not, kung alam mo at ramdam mo yung pagmamahal niya hindi katangahan ang tawag diyan.

"Jhane, baby. Kakain na tayo." Sigaw ni Mom mula sa labas ng kwarto ko.

"Im not hungry Mom. Kakain nalang ako pag gutom na ako." Sabi ko sabay higa.

"But baby, you need to eat on time. Alam mo naman diba yun? C'mon, kahit konti lang Jhane."

"I said no! Just... just leave me alone Mom." sigaw ko. narinig ko nalang na bumuntong hininga si Mom at bumaba na. Alam kong I'm too old for the tantrums pero wala akong paki. Nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa nakatulog ako.

--

"Hey Jhane, wake up."

"Hmmm."

"Wake up sleepy head."

"Uhhh later na Michael, inaa—oh ikaw pala Jorge. I-im sorry." Shit! Akala ko kasi si Michael yun. Hindi pala, imahinasyon ko lang siguro yun. Ughh, I missed him. Sobra.

"Naa it's okay. Tara na? baba na tayo? Your Mom and Dad are waiting, may sasabihin daw sila sayo."

Si Jorge, andito palagi si Jorge. Hindi niya ko pinabayaan kahit na ilang beses ko na siyang tinataboy. Siya ang nag-alaga sakin simula nung nasa hospital ako at nung nakalabas na ko. Hindi niya ko iniwan kahit na anong mangyari, minsan nga dito na siya natutulog para lang bantayan ako. At first ayoko sa kanya but time goes by nasasanay na rin ako sa presinsya niya at naappreciate ko na rin yung mga efforts na ginagawa niya for me.

"Opss, dahan dahan." Sabi niya sabay hawak sa bewang at kamay ko.

"Yah I know." Sagot ko nalang sa kanya. Nung nasa sala na kami umupo na agad ako at kinuha yung mango float.

"Jhane baby pupunta tayong America." Sabi ni Mom. Hindi na ko nagulat sa sinabi niya dahil ako na mismo ang nagsabi na gusto ko ng mag move on at kalimutan na ang lahat lahat.

"Okay." Sagot ko sabay subo ng mango float.

"Bukas na tayo aalis." Sabi naman ni Dad, this time nagulat ako. Ganun ka dali? Bukas na agad kami aalis?

"What? Bat ang bilis? Hindi ba pwedeng next week na Dad? Gusto ko pang mag stay ng konti dito."

"Para ano? Para makita mo siya? para magkita kayo? Tapos ano Jhane? Babaliwalain mo lahat ng ginawa niya sayo? No! hindi ako papayag sa gusto mong mangyari."

"But Dad! Alam kong mahal ako ni Michael, alam kong babalikan niya ko and Dad he said magpapaliwanag siya diba? Hindi pa naman natin naririnig yung paliwanag niya eh."

"A no is a no Jhane. Kilala mo ko." yah, kilalang kilala. Pag sinabi niyang no, dapat mo yang sundin. Iba magalit si Dad. Dahil sa frustration, umakyat ako ulit sa kwarto at nagkulong ulit.

"Why are they so mean."

"They are not mean Jhane, iniisip lang nila ang kapakanan mo." Pag-aalo sakin ni Jorge.

"Kapakanan? O kagustohan nilang dalawa? Please Jorge, help me. Ayokong umalis hanggat hindi ko siya nakikita."

"Here, I have an idea. Try mong tawagan ang phone ni Michael, just a missed call at kapag nag ring text him na magkikita kayo somewhere. At kapag pumayag siya then I let you pero pag hindi, I'm sorry to say this but kailangan mong sundin ang parents mo. Is it okay?" Jorge really is a nice person, hindi niya ko iniiwan kahit na kelan at hes on my side kahit na sina Mom and Dad pa ang magiging kalaban niya.

"Baba muna ako saglit. Just checking your Mom and Dad."

I immediately grab my phone and dial his number, nabuhayan ako ng loob ng bigla itong nag ring. Pinatay ko kaagad yung tawag at nag type.

"Michael, it's me Jhane. Please Michael magkita tayo sa may lumang building malapit sa condo mo. Ayokong pumunta ng Amerika, I want to be with you. Please Michael. Maghihintay ako sa reply mo."

Sent...

Ilang oras akong naghintay ng reply niya pero wala pa rin. Naisipan kong umiglip muna saglit pero hindi na pala kailangan dahil biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko kagad yung phone. Isang malaking ngiti ang lumabas mula sa mga labi ko ng nag appear ang pangalan ni Michael sa phone ko.

"Just go. I don't need you at all. I don't love you and please tantanan muna ko."

Biglang nagsi-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi na ko nadala, ilang beses na nila akong pinagsabihan na hindi ako mahal ni Michael pero heto ako, naniniwala pa rin kaya eto yung napala ko. Itinapon ko yung cellphone ko at sapat na yun para umakyat sina Mom and Dad pati na rin si Jorge sa kwarto ko. Then it's settled.

"Payag na ko."

--

"Are you sure with this Jhane? Pwede ka pang mag back out if you want?" sabi sakin ni Jorge. Nasa airport na kami at naghihintay ng flight namin.

"For nth time Jorge. Tantanan mo na nga ako sa kakatanong mo. Okay na nga diba? Tsaka bakit ka andito? Don't tell me sasama ka samin?"

"Well, I think so? Haha." Sabi niya sabay tawa at sakto namang dumating sina Mom and Dad.

"Let's go? Bago pa kayo magsalpukang dalawa jan." sabi ni Dad, tumawa naman si Mom and Jorge habang ako inirapan lang siya. Kinuha ko na yung bag ko at naglakad ng biglang may narinig akong isang pamilyar na boses.

Alam kong kay Michael yun, yung boses na yun kay Michael yun. Napahinto ako at inikot yung paningin sa loob ng airport.

"Jhane?"

"Parang narinig ko yung boses ni Michael, Jorge. Baka andito siya." sabi ko.

"Then let's wait. Kung andito ba siya talaga magpapakita siya." sabi ni Jorge sakin. Naghintay kami ng ilang minutes pero walang Michael na nagpakita. Walang Michael na lumitaw.

"Jhane, its almost time. Tinatawa na nila tayo. Let's go?"

"Siguro nga imahinasyon ko lang yun."

Iiwan ko na ang Pilipinas, iiwan ko na lahat ng alaalang binuo ko ng ilang taon. Iiwan ko na lahat ng masasaya at mapapait na karanasan ko sa lugar na to. Sa paglipad ng eroplano, handa na kong mag move on at kalimutan nalang ang lahat ng nangyari.

Someday, time will come. Magkikita't magkikita din tayo soon Michael and I will make sure na pagsisisihan mong lahat ng ginawa mo sakin. Sa pag-iwan mo, sa pagloko mo, at sa paggamit ng katawan ko. I will make sure that your life will be miserable and as well as with you Kristene.

Aalis man ako ngayon, but someday babalik ako. Para singilin ang lahat lahat. Kung sa pag-alis ko mahal pa kita pwes asahan mo sa pagbabalik ko hindi na kita mahal.

Tandaan mo yan Michael.

--

(A/N: Epilogue will be next. Thanks for supporting this one. Happy reading .)

--Mj

st.c����9�M

I Want You (R-18)Where stories live. Discover now