“Mabuti naman po.  Medyo umaayos ang kanyang lagay taliwas sa inaakala ko noon.”

“Mabuti naman kung sa ganun.  Sinabi sa akin ni Fr. Carlos ang iyong pagtuturo sa simbahan.”

“Opo, nagbibigay po ang simabahan nila ng bible study lessons sa mga bata.  Nakaktuwa po ang mga bata, sila po ang nagpapasiya sa akin noong bakasyon ko.  Nagparticipate din po ako sa outreach program para sa mga inabandonang matatanda two weeks ago.”

“Mukhang naging makabuluhan naman pala ang iyong bakasyon.”

“Opo, ngayon po, mas naisip ko pong mas kailangan ako sa labas kaysa po dito sa loob.”  Napatango lang si Sister Anunciata sa kanya.  Alam na ng madre superyora ang magiging kasunod nun.

“Mula noong lumabas ako, doon ko po narealize na hindi na po ako nababagay dito.  Hindi ko po alam kung kailan yun nagsimula dahil kahit po noong bago pa ako magbakasyon, nakakaramdam na po ako ng pangungulila sa aking pamilya.  That is why I am here, mother, I am seeking a dispensation of my vows.”  Sabi ni Sister Frances.

“I have been expecting that.  Usually nangyayari yan kapag pinapayagan namin ang isang madreng lumabas ng kumbento.  Sa tingin napag-isipan mo na ito ng mabuti.  Have you prayed hard for this?”

“Opo. I have been feeling guilty because I have doubted my choice of vocation numerous times.”  Sabi ni Sister Frances.

“Sister Frances, hindi kasalan  ang pagdadoubt ng isang tao sa napili niyang bokasyon.”  Sabi ng kanyang madre superyora.

“Alam ko po Mother Anunciata.  Ito ang aking pangarap noong bata pa po ako.  Gusto kong gumaya sa aking lola Honorata na maging isang madre.  Sabi niya, ang pagmamadre ay isang ehemplo ng wagas na paglilingkod sa Diyos, pero noong nasa labas ako, ang pagtulong sa kapwa at sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal ay ang siyang tunay na kahulugan ng paglilingkod sa Diyos.  Hindi lang sa kumbento nahahanap ang tunay na presensya ng Diyos dahil nandito siya.”  Sinabi niya habang nilagay niya ang kanyang palad sa tapat ng kanyang puso.

“Wala na akong magagawa kung yan na ang napagdesisyunan mo.  Buhay mo yan at ikaw ang nakakaalam kung ano ang nararapat mong gawin.”

“Talaga po, mother?”

“Hindi lang ikaw ang nagkaroon ng agam-agam sa kanyang bokasyon.  May iba na piniling lisanin ang pagiging madre ang iba naman piniling ipagpatuloy ito.  Naging masaya naman sila, tulad ko.”  Nagulat si Sister Frances sa kanyang narinig.  Hindi niya akalain na naisip na din ng kanilang madre superyora na lisanin ang kumbento.

“Talaga po, mother?”

“Oo.  Guro ako dati sa ating paaralan.  Naging malapit ako sa isa sa mga guro doon na.  Siya ang aking dating nobyo at muli lang kami nagkita dito.  Aminado ako, nakipaghiwalay ako noon sa kanya dahil pinili kong maging madre.  Sinabi niya sa akin noon na hindi pa din nagbabago ang kanyang nararamdaman sa akin na mahal pa din niya ako noon nagkita kami dito, pero narinig ko ang boses ng Panginoon, hindi iyon ang kanyang gusto para sa akin.  Sinabi niya na kailangan niya ako dito sa kumbento.  Hindi iyon naging madali para sa akin, pero yun ang gusto ng Diyos para sa akin.”  Hindi masyado nagkukwento si Mother Anunuciata tungkol sa kanyang buhay pero naisip niyang nararapat ito sa ganitong sitwasyon.

“May naging tempetasyon ka ba sa labas, sister Frances?  May nakilala ka ba sa labas noong ikaw ay nagbakasyon?”  Nababasa ni Mother Anunciata ang nasa isip niya.

“Siguro po, pero hindi po ganun kalaki.  Siguro naging daan lang po ito para marealize ko ang talagang gusto ko para sa buhay ko.  Aminado ko po na marami akong pinalagpas noong nandito ako sa kumbento.  Hindi ko naranasanan kung papaano magkapamilya, papaano maging isang ina o maikasal.  Hindi rin ako malayang maipahayag ang aking nasasa loob noong nandito ako sa kumbento.”

“Sige po, mother.  Pero nakapagretreat na po ako last year, mga dalawang beses na po bago po ako nagbakasyon.”  Sabi niya sa madre superyora.

“Very well, papaano pala ang magiging buhay mo paglabas ng kumbento?  Ano ang magiging trabaho mo?”

“Hindi ko pa po alam, mother Anunciata.  Siguro po magtuturo na lang po ako.  Nagtapos naman po ako ng education.”

“That is good.  Ang sabi nga sa akin ni Fr.Carlos, masayang masaya daw ang mga studyante mo kapag nagkaklase kayo.”

“Opo nga po.”

“Sa tingin ko, hindi ko na mababago ang iyong desisyon.  Puntahan mo muna si Sister Bernadette, sa kanya mo sabihin ang iyong intention ng iyong dispensation.  Fill out a form at sila na ang magpapadala ng dokumento mo sa Rome.”

“Tapos maghihintay ako ng 6 months?”  Tanong niya.

“Oo, pansamantala, dito ka na lang muna hanggang sa matanggap no na ang dispensation papers mo.”  Malungkot na sabi ng madre superyora.

“Huwag po kayong malungkot para sa akin.”

“Sana lang talaga, tama ang iyong magiging desisyon.”

“Kaya nga po may anim na buwan pa po di ba, baka kasi magbago pa ang isip ng isang tao.”  Nakangiting sabi ni Sister Frances.

“Please kneel for my blessing, sister.  Our dearest Lord Jesus...”  Nag-alay ng panalangin ang madre superyora sa kanya na sana maging tama ang kanyang desisyon sa kanyang napipintong pag-alis ng kumbento.

Show your love! Please comment and vote


130723_v1

Sacred VowWhere stories live. Discover now