Chapter 14

2K 43 1
                                    

Kinausap niya ang kanyang ina tungkol sa kanyang desisyon na hindi ituloy pa ang kanyang pagmamadre.

“Bakit?  Bakit parang biglaan ata iyan?  Di ba noong isang araw nagsabi ka na babalik ka na doon matapos ang 2 buwan?  Dahil ba yan sa amin ng iyong ama?”  Tanong ng kanyan ina.

“Hindi po, nay.  Matagal ko na po ito pinag-iisipan kahit po noong nasa kumbento pa lang po ako.  Ngayong lumabas ako at nagbakasyon, napag-isip isip kong mas kailangan ako dito sa labas at ang totoo po, mas masaya po akong nasa labas ako nay.”

“Nakakasigurado ka ba, anak?  Hindi ba biglaan ang iyong desisyon?”

“Hindi po inay.  Matagal ko na pong pinag-iisipan yan.  Kaya nga po, pupunta ako sa kumbento, sa Tagaytay bukas, nais ko pong magpaalam kay Madre superyora.”  Sabi ni Elaine sa kanyang ina.

“May kinalaman ba dyan si Samuel?”  Tanong ng kanyang ina.  Napayuko siya sa tanong ng kanyang ina.  Hindi niya alam ang kanyang isasagot.

“Tama ba ako?”  Tanong ng ina.

“Isa po siya sa mga dahilan, nay.  Nararamdaman ko po kasing mas marami akong magagawa kapag nandito na po ako sa labas kaysa po nasa kumbento ako, inay.  Pero ang alam ko po ay mahaba ang prosesong iyon.  Aalamin ko pa po ang mga detalye mula kay Madre superyora.

“Mukhang buo na ang iyong desisyon, anak.  Andito lang kami ng iyong ama pagbalik mo.  Sana sigurado ka sa iyong gagawin.”  Sabi ng kanyang ina.

***

Pagdating ng linggo ng umaga, nagpaalam siya sa kanyang ama.  Hinalikan niya ito sa noo at sinabi na babalik siya muli.

“Anak, alam mo kung saan ka sasaya.”  Sabi ng kanyang ama.

“Opo, tay.”  Sagot niya, paglabas niya ng kwarto ng ama, nakita niya ang kanyang ina na nagtutupi ng mga damit.

“Nay.”

“Ihahatid kita sa may sakayan, sandali.”

“Nay, huwag na.  Dito ka na lang.  Babalik ako ulit.  Oras na payagan ako, babalik ako.”

Mga ilang linggo yun?”

“Hindi pa ako sigurado, nay.”  Sabi niya.

“Magpapaalam ka ba kina Sam?  Papaano ang ang pagtuturo mo sa mga bata sa simbahan?”

“Nagpaalam na ako kay Fr. Carlos.  May iba na atang magtuturo sa kanila.  Aalis na po ako, baka maiwan ako ng bus.  Sige po inay.”  Nagmano niya sa ina at humingi ng basbas.

“Kaawaan ka ng panginoon.”

***

Pagsakay niya ng bus, inilabas niya ang kanyang rosaryo, nagsimula siya magdasal.  Tinatry niyang magconcentrate sa pagdarasal pero pumapasok pa din sa isip niya si Sam at Zeno.  Biglang pumasok sa isip niya ang panaginip niya noon tungkol sa sinabi ni Diana sa kanya.  Ipinapaubaya niya ang kanyang mag-ama sa kanya.

***

Pagdating sa loob ng kumbento, nakita niya muli ang kanyang mga kasamang madre, kinamusta siya ng mga ito pati na ang kanyang ama.

“Okay naman ang tatay.  Magana na naman siyang kumain noong nasa bahay ako.”

Pumunta na siya sa opisina ng kanyang madre superyora upang kausapin ito.  Pagpasok niya, nakaupo ito sa mesa niya at nagbabasa ng mga dokumento na nasa ibabaw nito.

“Good morning, Sister Anunciata.”

“Good morning, Sister Frances.  Maupo ka.  Kumusta ang iyong ama?”

Sacred VowWhere stories live. Discover now