2. One stormy night

6 0 0
                                    


Luan

I woke up and felt a severe pain in my head. I couldn't see a thing because I am blindfolded, but I can definitely feel that I am side someone's car and I can also hear voices.

''Itigil mo nalang dito. Dito nalang natin iligpit ang isang 'to.''

Sinubukan kong ikilos ang mga kamax ko pero bigo parin ako dahil naka tali ang mga iyon kaya nagpatuloy nalang ako sa pag papanggap na wala parin akong malay.

''Sigurado ka ba? Baka may makakita dyan.'' Alanganing tanong nung isa.

Just exactly where I am at sino ang mga 'to?

''Wala 'yan! Madalang lang ang mga tao na dumadaan dito.''

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, then the next thing I knew was someone stab a knife on the left side of my stomach and pushed me off the car till I landed on the cold solid ground.

I wanted to groan in pain but I choose not to. Baka kasi pag gumawa ako ng ingay ay lalo lang nila akong tuluyan. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pag harurot ng sasakyan nila.

I wanted to stand. Pero parang nanghihina ako. Until I heard a woman's voice.

''H-help..''

Jewel

Ilang beses akong kumurap habang nakatayo sa harap ng lalakeng itinapon ng van kanina. He is in bloody suit. May dugo din ang ulo nya at kaliwang bahagi ng tyan.

''H-hala! Mister.... buhay ka pa ba?'' Parang sasabog ang dibdib ko habang tinitignan sya.

.''H-help..''

Napaatras at napatili ako dahil nang magsalita yung lalake ay kasabay ang malakas na kulog sumunod ang pagpatak ng ulan.

''H-help...'' he groan.

''A-ay oo... s-sandali.'' Lumapit ako sa kanya at tinulungan sya. Litong-lito ako... hindi ko alam ang gagawin ko. ''D-dadalhin kita sa hospital.''

He groan again. ''N-no.''

''H-ha?! Eh sa pulis-''

''Don't-argh!'' Muntikan na kaming bumagsak dahil hindi ko sya kaya. Ang bigat nya kaya!

''E-eh san kita-mister?! Gising!!! Gising!!!''

Dahil hopeless case na 'to, wala kasing mga tao na dumadaan, wala ding mga sasakyan... with all my might, dinala ko sya sa clinic dahil ilang hakbang nalang clinic ko na, doon nalang ako tatawag upang humingi ng tulong.

***
Jewel

After several minutes, nakarating din kami sa clinic. Basang basa kaming dalawa nang makarating doon. Inihiga ko sya sa sofa at dumaretso sa desk kung saan nakalagay ang telepono.

"Bakit walang dial tone?!" Lumapit ako sa switch ng ilaw ngunit hindi rin sumindi iyon. "Bakit naman ngayon pa nag brownout?!"

I heard the man groan again. He must have been in severe pain. Kinuha ko yung mga gamit ko na pang opera at lumapit sa kanya.

"Pano ba 'to?" Sinampal ko sya ng malakasa upang kahit papano ay magkamalay sya. "Look, hindi ako doctor ng tao pero sa tingin ko kailangan ko nang tahiin yang sugat mo... kakayanin mo ba?"

Hindi sya sumagot sa halip, umungol lang sya.

Sinampal ko ulit sya. "Mister!!! H'wag kang mamamatay!" Sinampal ko ulit sya. Sasampalin ko ulit sana sya nang hawakan nya ang kamay ko.

"That hurts!" Mahina ngunit mariin nyang reklamo.

"S-sorry!" Sinubukan kong alisin yung butones ng polo nya pero dahil sa nanginginig ako, hindi ko iyon magawa ng tama. Kaya ipinasya ko na hatakin nalang para mabilis and oh lala... tumambad sa akin yung abs nya... perfect! Unti-unting bumaba yung paningin ko hanggang makita ko yung sugat nya. Naalis bigla yung malisya ko. Mukhang sinaksak sya pero mabuti at hindi iyon ganun kalalim.

Sino naman kaya ang gagawa nito sa kanya? May kasalanan ba sya? Pero... napatingin ako sa mukha nya. Ngayon ko lang napansin, napaka gwapo pala nya! And mukhang hindi naman sya gagawa ng masama. Mukha nga syang mayaman eh.

Then... I began the operation.

****

Luan

I woke up with the sun light touches my face. I was about to reach for my phone on my bedside table when I noticed that I am not in my own room.

Napabalikwas ako ng bangon at huli na ang lahat dahil naramdaman ko ang sakit ng ulo at tagiliran ko.

Awtomatikong napahawak ako sa ulo ko... may benda na iyon. Doon ko lang din napansin ang babae na naka upo sa tabi ng couch kung saan ako nakahiga kanina, and she's sleeping.

Na alala ko na ang mga nangyari kagabi. Mula sa paglabas ko ng opisina hanggang sa pagtulong sa akin ng babaeng ito.

I stood up and walk towards the phone. Agad kong tinawagan ang secretary ko upang ipaalam kung nasaan ako. Sa oras na makauwi ako at makapag...

Tinitigan ko yung t-shirt na suot ko. Kulay pink iyon at may print na aso sa gitna. Napangiwi ako bigla.

Basta... sa oras na makauwi ako, ipapahanap ko sa private investigators ang mga may kagagawan nito.

Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa pero wala na iyon doon. Kinuha ko na lang yung ball pen at kapirasong papel upang isulat yung contact number ko. Sinulyapan ko ulit yung babaeng himbing na himbing sa pagtulog.
Too bad I can't carry her to the couch because of my condition and too bad I need to go without saying thank you pero umaasa naman ako na tatawag sya sa number na iiwan ko.

Muli ko syang sinulyapan bago tuluyang lumabas doon.

****

Literal na nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa couch. Kinapa kapa ko iyon na para bang nakakita ako ng totoong magic. Pero pakiramdam ko talaga, totoong may magic. Paano ba naman, nawawala yung lalake na kagabi lang ay nakahiga sa tabi ko.

''Hindi kaya nakita sya nung mga nagtapon sa kanya at.... oh no!!!'' Napatayo ako ng wala sa oras. Pero pwede din naman na umalis na sya. "Ng walang paalam?!" Napasimangot ako. Marahil nga ganun ang ginawa nya. "Tsk.." makaligo na nga lang at kailangan ko nang mag trabaho. Kumilos na ako at nagligpit ng mga kalat.

Natigilan ako nang may makita akong papel sa ibabaw ng desk ko pero hindi ko na mabasa ang nakasulat doon dahil natapunan iyon ng tubig. "Bakit may ganito dito?" Napapalatak ako. "Ano ba 'yan... ang kalat!"

Naalala ko ulit yung lalake kagabi. "Nasaan na kaya sya?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The CEO's Vet.Where stories live. Discover now