chapter four (ice cream)

1.4K 27 0
                                    

HANS POV

“honey, nice to meet you” ngiting nakakaloko ako sa isip ko, ang pula pula niya kasi, e totoo namang honey ang pangalan ko diba? Let us see

“ang kapal ng mukha mo! Nakakainis” pffft haha! Gusto ko matawa pero pinipigilan ko lang sheet ang epic niya talaga promise, thankful nga ako kila mama e kung bakit honey pinangalan sakin, ang dami kong napagtritripan , haayy, grabe ang cute niya , parang batang tinatakpan yung mukha

“honey, seryoso”

“wag mo kong pagtripan ” saka niya tinanggal yung pagkakatakip ng kamay niya sa mukha niya. Lol sige na nga

“HONEY HANS is my name ” tinignan ko reaction niya, sheet natatawa siya. Fvck! Nakakahiya. Ako na ata ang namumula ngayon,.

“ang cuuute! Haha! Parang pambabae naman ata yun? Ha? Anoo daw? Paki ulit? Cuuute? Sheet, kinikilig ako wag kayo

“e babae naman ako e, gwapo ko no?” sa totoo lang kinakabahan ako baka ireject niya ako e. pero di talaga ako susuko dahil sa wakas natagpuan ko na ang babaeng seseryosohin ko.

  FAYE’S POV

      Ha? Babae? Siya? Kaya pala mejo ganun yung boses, hehe basta . hindi naman sa ayaw ko sa mga tulad niya, uncomfortable lang kasi para sakin, pero ang gwapo niya talaga

“ikaw babae?”

“oo”

“okay lang di naman ako galit sa mga tulad niyo e” nagsmile nalang ako

“ thank you” ang kinagulat ko, yinakap niya ako. Ano ba naman to padalos dalos nakakagulat halos lahat ng galaw niya “bitaw” pagkasabi ko nun binitawan niya na ako then came this awkward moment , ang tahimik, tumingala nalang ako sa langit , ang ganda napakalinaw clear na clear  hindi nakaksawa , don’t get me wrong nature lover kasi ako e. basta malinis maganda ng view para sakin hehe. Nag isip isip muna ako ng pwedeng itopic, nakakabingi na kasi yung awkwardness . magsasalita nanaman sana ako nang magsalita nanaman siya, ano ba?! Palagi nalang ako nauunahan ng honey na to. Shheeet kinikilig ako. Honey?  “babae siya” panira talaga yung utak ko , pero tama nga naman kasi siya

“tayo” linahad niya ang kamay niya para makatayo ako, kinuha ko na choosy paba ako? Di na oy!

“san tayo pupunta?”

“basta sunod ka lang sakin”

sumunod nalang ako palagi naman e. 

Sa hallway..

Habang naglalakad kami may nakasalubong kami at kinausap si hans

“pre gf mo?” hanoo daw? Gf? Parang dumalow lahat ng dugo ko papuntang mikha ko, shet baka ang pula pula ko na, nakakahiya

“hindi pre, pero soon to be my girlfriend” ang kapal  niya ha, napakasure niya loko talaga, parang baliw

“aa faye, si Jeremy nga pala meet my buddy” gwapo din naman siya, matangkad, okay yung katawan , ma appeal, basta ang gwapo

“hi faye , im jeremy” “hi im faye nice to meet you” kinuha ko na ang kamay niya at nakipag shakehand na ako , nakakailang lang titig na titig saakin e.  napansin siguro ni hans yun kaya nagsalita na siya

“pare excuse, pero mauuna na kami ha? May pupuntahan pa kami sige bye! ” hinila na naman niya ako at deretso kami sa parking lot.

“secret ko na kung saan tayo pupunta , alam ko namang magtatanong kananaman e” loko talaga namumula nanaman ata ako sa kahihiyan grabe pang ilan na ba akong nagblush? Grabe lang ha

“sakay” aba at nang uutos pa, pinagbuksan nanaman pala niya ako ng pinto, ang sweet, kahit rude may pagka sweet naman pala siya, sumakay na ako at sumakay na din siya , nagdrive na siya papunta sa kung saan niya gusto, napakatahimik nanaman ng biyahe, nakakabanas. Bigla nalang huminto yung kotse at nagsalita siya

“we’re here” bumaba na siya at pinagbuksan  niya ako ng pinto

“thank you”

“your welcome , your highness ”  aba ang baliw niya talaga,

Pumasok na kami sa loob ngayon ko lang napansin parlor ice cream pala pinuntahan naming. Yaayy, ice cream my favourite (sabay ning ning ng aking mata  :D)

“waaah! Thank you, matagal na akong hindi pumupunta sa mga ganito, thank you, thank you, thank you talaga (sabay hampas ko sa braso niya) ” nakakagigil siya haha

“tama na masakit na e, tara order na tayo” hinawakan niya ang kamay ko at nagpunta kami sa counter, hindi na ako pumalag dahil nasasanay naman  na akong hahawak nalang siya bigla sa kamay ko

“ano flavour sayo? ”

“strawberry.” Saad ko ng nagniningning ang aking mata, sabik na sabik na talaga ako

“kuya large size po na cone ha? Strawberry at cookies and cream sakin thank you po”

Nakuha nanamin ang aming  mga ice cream at umupo na at aming lalantakan lol habang kumakain ako nakatitig lang siya, naiilang ako

“may dumi ka sa mukha” dumi? Kaya pala

“saan?”

“ditto o” sabay pinunasan niya ang gilid ng aking labi gamit ang kanyang thumb, ano ba?! Bat ba ganyan siya nakakainis, dumaloy na naman ang aking mga dugo sa mukha ko, ayan nanaman yung kuryenteng nararamdaman ko, hindi na to tama


AN: JEREMY ON THE SIDE , wag po kayong mabibigla kung nadedicate nalang kayo, wala po kasing akong maisip , pero sa mga idol ko po ito dinededicate thanks

you are the one(completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن