Chapter 2

181 2 0
                                    

"Ma. Ba't naman ganun? Kung magfi-fixed marriage din naman tayo, aba sana dun naman sa pabor ako. Jusko naman mama e. Kung buhay ngayon si papa, malamang inuna ka na no'n na mamatay."

"Anak naman. Mabait naman 'yung si Vid e. Saka napagkasunduan kasi namin iyon ni Tessa no'ng nabubuhay pa siya. At ang tanda mo na, 27 ka na. Pag nagthirty ka na baka maging maselan ang pagbubuntis mo! Kelangan mo na ng asawa at gusto ko din ng apo."

"Kung gusto nyo pala ng apo, eh 'di sana pinagahasa nyo na lang ako para tapos na! O kaya naman ay ikaw ang nagpakasal. Ma, ang dami kong nababasang ganito sa Wattpad at sa kung saan-saan na libro pero hindi ko alam na mangyayari 'to sakin. Ayoko sa kanya, Mama. Ayoko sa kanya."

"Wala ka na rin namang magagawa. Kaya sige na ha? Sumama ka na sa kanila. Magpalit ka ng panty at bra na maganda! Naghihintay sila kanina pa sa labas." Kinabahan na naman si Syndria na makita ang 'asawa' niya. Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ito matanggap. Paano kung bugbugin lang sya ni Vid? Magiging kabilang na din siya sa Battered wife Society? Paano kung katulad siya ni Christian Grey na malupit makipag-anuhan?

Kung ano-anong pumapasok sa isip niya at hindi nya na namalayan na nasa harap na sya ng kotse ng pamilya ni Vid. Nakikita nya rin ito sa loob pero natutulog ito.

"Tara na, hija?" Nagitla siya sa tatay ni Vid. Ha? Tatay? Sino dito ang tunay na tatay ni Vid?

Hindi na nya masyadong inisip at pumasok na lang sa kotse katabi ni Vid. Naramdaman niya ang mabagal na paghinga nito.

Nakarating sila sa bahay at dire-diretso si Vid sa kwarto. Nagpaalam na din sa kanya ang mga tatay ni Vid. Naikwento na kasi ng mga ito kanina sa byahe kung bakit dalawa silang tatay ni Vid.

Nagtaka lang si Syndria dahil walang tao sa bahay. So, ibig sabihin, amin ito? Grabe naman. Ang gastos nila!

Lutang ang isip ni Syn habang paakyat sa second floor. Naisip nya kasi ang mga nababasa niya.

"'Di ba, sa unang gabi ng nga newly weds—" Napailing si Syn sa sinasabi ng isip niya. Hindi pwede! Bawal! Kaya ba kami lang dito ay dahil magho-honeymoon kami? Kaya ba sinabi ni Mama na maganda ang isuot kong underwears?

Sinimulan niyang hanapin ang kwarto. Dalawa ang kwarto sa taas, at 'yong unang napasukan niya ay madumi. Sa pangalawa naman, nagulat siya dahil nandoon si Vid at wala itong damit!

"I believe in God, the Father Almighty; Creator of Heaven and Earth—" pikit-mata siyang nagdarasal na sana ay huwag nilang gawin ang bagay na iyon. Isang beses kasi na nakapanood siya ng ganoon sa tablet ni Kaiser, ang kapatid niya, ay sobra talagang bumaliktad ang sikmura niya.

"Oh, kanina ka pa dyan?"

"JUSMIYO SANTISIMA!" Sobra ang kabog ng dibdib nya sa gulat. Nakatapis lang si Vid ng tuwalya at napalunok sya sa mukhang hinulma na katawan nito.

"Ay jusko. Oo–ay hindi, kani-kanina lang ako."

"Magkatabi ba tayong matutulog?" Nanlaki ang mata niya sa tanong nito. Mga sampung segundo yata siyang nakikipagtitigan dito.

"Ah ewan ko, hindi ko alam, ikaw ang bahala–oo, ay ewan!" Nagpapanic siya ng sobra at halatang natutuwa si Vid sa nakikita niya.

Biglang lumapit si Vid sa kanya at napatingala na lang si Syn dahil mas matangkad ito sa kanya. Napapikit si Syndria nang hawakan sya nito sa bewang at hapitin palapit dito. Gah, this is sweet torture!

"Alam mo ba kung anong ginagawa ng mga bagong kasal sa unang gabi nilang magkasama sa iisang bubong?" Seryoso ang mukha nito pero nahahalata mo na nang-aasar at nang-aakit ito at the same time.

"Ano?" Pinilit ni Syn na gawing normal ang boses niya at hindi magpakita ng affection sa ginagawa nito sa kanya.

Inilapit ni Vid ang mukha niya kay Syn, at bumulong sa tenga nito, "Natutulog."

Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Kabang-kaba talaga siya at malakas ang kabog ng dibdib.

Inilayo nito ang mukha nito sa kanya at tumingin sa mata nito. Pigil ang hininga ni Syn dahil sa tingin nitong nakakatunaw. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya, napapikit si Syndria pero wala siyang naramdaman na labing dumampi sa uhaw na labi niya. Marahang kumalas si Vid at naglakad patungo sa kama.

"Matulog na tayo."  Nagbihis na si Vid at nakanganga lang si Syn.

Napabuntong-hininga si Syn at humiga sa tabi ni Vid. Pagod na pagod na siya buong araw.

Napapikit ng mariin si Vid. He really wanted to rip her clothes off, hear her scream his name and be on their way to ecstasy. He just washed the thoughts away.

The Buttered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon