Chapter 1

365 1 0
                                    

"Ayos," sa isip-isip ni Vid. May mabuti din naman palang naiisip ang mga gagong parents nya.

Ikinabit nya ang huling butones ng polo nya at humarap sa salamin dala-dala ang Americana niya.

Pinlano ng kanyang mga ama, oo, 'mga'. Dahil dalawa ang naging asawa ng ina niya, kaya noong namatay ito ay hindi na nalaman kung sino ang tunay nyang kadugo at napagpasyahan na silang dalawa na lang ang kumupkop kesa mag-agawan pa.

Ngayon ay kasal nila ni Vienna. Napangiti si Vid sa salamin habang isinusuot ang Americana. Kahit pinlano lang ito ng mga tatay niya ay hindi nya maiwasang maging masaya dahil magiging asawa na nya si Vienna. Masaya siya dahil napapayag nila ito.

"Ayos ka na?" Narinig nyang tanong sa likod nya. Hindi na sya nakatingin pa dahil bigla sya nitong nilagyan ng blindfold. Tuloy na tuloy na talaga ang kasal nila.

Inalalayan sya nito sa braso. Naramdaman nya na pumasok sila sa isang pinto at maraming tao doon. Walang duda na nasa simbahan sila. Naglakad sila ng matagal at maya-maya ay tumigil na din sila. Sa isip-isip ni Vid, nasa harap na sila ng altar.

Binitawan siya ng babae at tinapik sa balikat. Sabay ibinulong, "Good luck, best wishes." Napangiti sya sa sinabi nito.

Narinig nya ang tugtog ng wedding march. Gusto nyang alisin ang blindfold na tumatabing sa paningin nya pero walang nagbibigay ng pahintulot.

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Malamig ang kamay nito nang humawak ito sa kanya.

Tumakbo ang seremonya. Ramdam ni Vid na pareho silang lutang ni Vienna. Napansin din nyang nag-aalinlangan ito nang tanungin ni Father kung handa siyang maging asawa ko. Pero um-oo pa din siya. Marahil ay napilitan lang talaga itong pakasalan siya.

Habang nagsasabihan sila ng vows, napansin niya na nag-iba ang boses nito. Siguro ay sobrang saya nya kaya umiyak siya kagabi at sinipon. Sa isip-isip ni Vid.

"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari. Hindi ko makita kung nasaan siya. Ngayon lang ako nakakita ng kasal na naka-blindfold. Tangina, parusa 'to. Lintek.

Kinapa ni Vid kung nasaan ang mukha ni Vienna at nahawakan nito ang panga nito. Unti-unti siyang lumapit at lumapat ang labi niya sa pisngi nito, at naramdaman niya ang marahang pagkalas ng blindfold sa kanyang mata. Nang imulat nya ang mata at lumayo dito, laking gulat na lang nya dahil...hindi si Vienna ang bride.

"Pukingina? Hoy mga gago? Anong kalokohan 'to?" Sa sobrang inis ni Vid ay nakalimutan na niyag nasa simbahan pala siya. Kahit sino naman diba, magagalig kung ikinasal ka lang bigla, tapos mali pala ang napakasalan mo?

"Puta, tanggap ko ang hirap ng naka-blindfold, pero ito? Tangina lang! Ano ba kayo? Fuck!" Naglakad siyang palayo kahit maraming nakatingin sa kaniya.





"Ma, ano 'to?!" Namumuo na ang luha sa mata ni Syndria nang makita na hindi si Briel ang pinakasalan niya.


Magpapaliwanag pa sana ang nanay niya nang bigla syang tumakbo palabas ng simbahan.


Nakita nya ang sarili nya sa isang bar. Maraming nakatingin sa kanya dahil naka-wedding gown pa din sya pero hindi naman exaggerated ang design nito. Isa lang itong off-white na lace na gown na may see-through na sleeves na mahaba ang likod pero ang una ay above the knee.




The Buttered WifeWhere stories live. Discover now