♡ Chapter 21 ♡

79 8 0
                                    

{ Princess Janessa }


Napadilat ako. Naramdaman kong kumirot ang beywang ko. Alam kong nasa mundong ibabaw na ulit ako, dahil hinulog ako ni Cassandra. Napabalikwas ako ng bangon. Hinanap ko kaagad si ate kathleen sa loob ng bahay.


"Ate? Ate? ATE NASAN KA?" sobrang gulo ng bahay at di ko alam kung nasan ito? Teka? Magulo ang buong bahay? Kaya siguradong kinuha na sya ni Cassandra.


Hindi pwede toh. Pano kung sya naman ang pahirapan? Hay, naalala ko bigla si Jaycee.


Nasan na sya? Agad akong napatakbo papunta sa kwarto ni jaycee.


Pagbukas ko, nakita ko sya don sa kama na nakahiga. Napahinga ako ng sobrang lalim. Mabuti naman at ayos sya. Sobrang gulo pa nga ng loob ng kwarto nya. Siguro ay kailangan kong mag ayos.


Pero kailangan kong mag ingat dahil hanggang ngayon ang sakit padin ng beywang ko. Kumikirot kirot padin ito. Inayos ko lahat ng gamit sa bahay pati ang kwarto ni jaycee.


Pagkatapos ay may nakita akong pagkain sa ref. Kaya inayos ko ito sa lamesa. Kaming dalawa lang ang tao sa bahay siguro ay pagkatapos ng gulo ay umuwi na sila greeney at dom.



Hindi padin mawala sa isip ko si ate at si ama. Sana ay ok sila don pero di ako mapakali dahil si cassandra ang may hawak sakanila. Siguradong papahirapan niya ito.


Nasa sofa lang ako naka upo. Nag iisip. Di ako mapakali. Maya maya ... may narinig akong bumaba. Napalingon agad ako dito.



At nakita ko kaagad si jaycee. Tumayo agad ako at niyakap ito.


"Jaycee! Mabuti nman at ayos ka lang. Ok ka lang? Anong masakit sayo?" Sunod sunod na Tanong ko dito pero di sya nagsasalita.


"Jaycee? Magsalita ka. Sabihin mo saken kung ano?" Sabi ko sakanya pero di ko inaasahan ang isasagot nya saken.


Ang sagot nya saken na dapat pala di ko na sya pinagsalita.


"Sino ka?" Para akong nabasag at nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nyang yon sa akin. Pagkatapos ay nilagpasan nya lang ako at dumeretsyo sya sa Kusina.


"J-jaycee? Hindi mo ko maalala?" Tanong ko sakanya nang maupo sya sa isang silya sa kusina at nagsimulang kumain. Tumabi ako dito at kumain nadin ako.


"Jaycee? T-tinatanong kita. Hindi mo ba ko maalala?" Ewan ko bat ko tinanong yun sakanya pero alam kong masasaktan ako sa isasagot nya saken.

"Hindi nga kita kilala. Sino kaba?!" Sinungitan nya ko. Baket di nya ko kilala?


Baket di nya ko maalala?

Tumayo sya at lumabas ng kusina. Hinabol ko naman sya at hinablot yung braso nya para humarap sya saken.

"Jaycee! Sinong naalala mo? Kahit sa ba wala kang naaalala?" Tanong ko sakanya. Ilang minutong hindi nagsasalita pagkatapos ng ilang minuto nagsalita sya ..


"Wala. Wala kong maalala at hindi kita kilala. Kaya pls? Leave me alone!" Pagkatapos ay marahas nyang kinuha yung braso nya at umakyat sya ng kwarto nya. Ako naman ay natulala nalang bigla.


Hanggang sa hindi ko na namalayang naiyak nako. Tumulo na ang luha ko.


Fast forward ...


Sa kakaiyak ko, di ko namalayang nakatulog na ko sa sofa. At nagising nalang ako nang bigla akong makaramdam na may umupo sa tabi ko, sa sofa. At nakita ko si jaycee na umupo. Kinuha ang remote control at binuksan yung Tv.


Napabangon ako .. "jaycee. Nandyan ka pala." Sabi ko dito. At umupo nalang ako sa sofa. Inayos ko ang sarili ko, nang makita kong may sugat sa leegan si Jaycee. Siguro yun yung nakuha nyang sugat nang sakalin sya ni cassandra.

"J-jaycee! May sugat ka sa leeg! Teka lang, jan ka lang, kukuha muna ako ng first aid kit." Dali dali kong kinuha yung first aid kit
Pagkatapos pagbalik ko sa sofa nakita ko si jaycee na paalis na at aakyat na naman sa kwarto nya.

"Jaycee!" Tawag ko sakanya. Pero parang walang naririnig. Kaya nman nilapitan ko sya.


"Jaycee naman!" Sabi ko sakanya at hinawakan sya sa braso bigla syang humarap sakin ng naaasar.


"Baket na naman ba?!" Sigaw nito sken pero kalamado yung mukha nya.

"Diba sabi ko gagamutin ko yang sugat mo sa leeg?!" Sigaw ko nadin saknya.

"No need." Sabi nya at tumalikod ulit kaya naman hinatak ko na sya agad agad.


"Ang tigas ng ulo mo! Sabing gagamutin ko na nga e!" Tapos pinaupo ko sya sa sofa at umupo ako sa tabi nya at binuksan yung first aid kit. Tatayo pa sana sya pero inunahan ko sya at nagsalita ako.


"Makikipagtigasan ka pa ba hah?! Gagamutin ko yan o hahayaan mo yang sugat mo?!" Pagkasabi ko non. Napatahimik sya at di na sya kumibo pa.


Sinimulan ko ng gamutin ang sugat nya.

Pagkatapos na pagkatapos ko yun gamutin, tumayo na si jaycee para lumayas na naman. Hay, di nya ba talaga ako maaalala na?

Naiiyak na naman tuloy ako.


Napatingin ako sa orasan. Oras na pala para mag ayos ng makakain. Wala na nga palang pagkain sa ref. Wala ng natirang pagkain. Hindi ko alam kung pano magluto?


Eh yung Corned beef kaya? May dalawang lata ng corned beef pang natitira kaya naman kinuha ko yun at binuksan yung isa. Kasya naman samin yung isang corned beef eh.


Kumuha ako kalan at nilagyan ng mantika yung parang ginagawa ni ate bago magsimulang magluto. At kailangan daw may sibuyas at bawang kaya naman kinuha ko yun at nilagay sa kalan na may mantika.


Paglagay ko ng dalawang yun hinalo ko kaagad yung corned beef. Pagktapos, nilagay ko yung isang itlog.


Kinuha ko yung malaking kutsara at hinalo halo ko yun.


"WATDAFUCK IS THAT?!" nagulat ako nang sumigaw sa likod ko si jaycee at nakaturo sa ulam na niluluto ko.


"Corned beef? Di mo pa ba natitikman to jaycee?" Tanong ko saknya.


"UGH! SHIT! SA TINGIN MO BA MAGKAKALASA YANG CORNED BEEF MO? BAKIT BUONG BAWANG AT SIBUYAS ANG NILAGAY MO?! HINDI MO PA BINALATAN! TAPOS YANG ITLOG? KELAN PA YAN NILUTO NG BUO?! TSK!" agad nyang kinuha yung hawak kong panghalo at pinatay nya yung kalan at pinaghiwalay hiwalay nya yung mga nilagay ko kanina.


"Ah.. s-sorry. Akala ko. K-kasi eh." Sabi ko nalang sakanya.

"TSK! SABIHIN MO KUNG DI KA MARUNONG MAGLUTO!" Sigaw nya habang busy padin sya dun sa pagbabalat ng sibuyas at bawang.

"M-marunong ka jaycee? Pero diba may amnesia ka?" Sabi ko sknya.

"Meron nga. Pero hindi lahat nakakalimutan ko. Sadyang ikaw lang ang hindi ko maalala."

Aww.

Ang saket naman non.

Para bang narinig kong nag crack yung puso ko dahil don sa sinabi nya? Ang sakeeet. Sobra.

Itutuloy . . .

The World of her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon