♡ Chapter 9 ♡

103 8 1
                                    

{ Princess Janessa }






Habang kumakain kami ng Cake, apat nalang kami dito sa kusina. Si dom, jaycee, warren at ako. katabi ko itong si dominik. Nagulat ako nang makita kong may cake sa ilong si dominik.





"HAHA! May Cake ka sa ilong!" Sabi ko kay dominik agad naman siyang napahawak sa ilong nya at napunasan nya agad iyon. Maya maya sya naman ang tumawa.





"HAHAHAHA! Ikaw meron kapa sa labi!" Sabi nya naman saakin at agad niyang pinunasan yung labi ko.





"TSK!" Natigilan kmi sa pagtawa ni Dom nung biglang nag walk out si Jaycee at umalis.





"AYAN! Patay kayo. Ang ingay nyo kasi." Sabi nman samin ni Warren na parang bata na nagsusumbong.





Natawa nalang ulit kami pagkatapos ay tinapos na namin yung pagkain nmin ng cake.






Pagkatapos nun . . . Nanood kaming lahat. Hanggang sa sumapit ng gabi at umuwi nadin ang mga kaibigan ni jaycee na kaibigan nadin namin ni ate.






Pagkatapos ay umakyat na kami sa silid namin ni ate. Magkatabi kaming matutulog.






"A-ate!" Tawag ko kay ate kathleen. Lumingon nman sya.






"Oh ? Bakit Janessa?"






"Kamusta na kaya si ama at ang ating mahal na ina? Nag-aalala nako sakanila eh." Sabi ko kay ate







"Hmmm. Nag-aalala nadin siguro sia para satin. Lalo na si ama. Kasi hindi nya alam na ako din ay susunod sayo. Naging biglaan kasi ang pangyayari eh. Kaya agad akong napasunod sayo. Pero alam mo sana. Sana makahanap tayo ng daan pabalik sa mundo natin." Sabi saakin ni ate at humiga na sya sa tabi ko.





"Alam ko, gagawa ng paraan ang ama natin para makita nya tayo. Kaya wag ka ng mag-alala. " sabi ulit ni ate saakin at niyakap nya nako.





Napabuntong hininga ako ng malalim at napaisip. Sana nga, Sana nga.






Pumikit nadin ako at natulog kaming magkayakap ni ate.





Paggising ko. Kumapa kapa ako sa tabi ko. Wala na pala si ate sa tabi ko kaya bumangon na ko para mag-ayos at maligo.




Pagkatapos bumaba nako. At nakita ko sila don nag-aalmusal na. Katulong ni lola Kriselda si ate na mag-ayos ng pagkain.






Nung mkita nila ako agad binati agad nila ako.






"Oh? Good Morning!" Nagulat ako kay ate maski sya natututo na ng ibang lengguahe. Haha.







"Kumain kana. Tapos sabay kayong aalis ni jaycee." Sabi ni lola kriselda kay umupo nako sa isang upuan at kumain na ng almusal.







Pagkatapos ay sabay kaming natapos at sabay kaming nagpaalam sakanila ate at lola kriselda at nauna syang lumabas na para bang wala syang kasabay? Kaya lumabas nadin ako at sumunod na ako sknya. Habang naglalakad nasa likod nya lang ako.






Maya maya nagulat ako nung tumigil sya.







"Bat kaba laging sumasama sakin?" Tanong nya sakin





"Ahh? Ehh. Kasi sabi ni lola kriselda sabay daw tayo." Sabi ko dito. Eto na naman sya. Nagsusungit sakin. Hindi ko na nga sya masyadong kinukulit eh.






The World of her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon