"Jov jovs." Tapos lumingon siya.

Paglingon niya, napahidan siya ng ketsup sa pisngi.

"Hahahahahahahahaha!" tawang tawa ako sa reaction niya. Nakabusangot kasi siya nga todo. Ang cuteeeee ^-^

Papahidan ko ulit sana siya pero hindi ko napansin na may sundae na din sa kamay niya. Ang bagsak, napuno ng sundae ung mukha ko -_- this time, siya naman yung tumatawa. Aba aba.. nakahawak pa sa tyan niya.

"Ay.... ganyanan pala ah.." sabi ko at akmang babawi nang....

"Ehem ehem... may kasalukuyang kumakain po sa harap niyo kaya kung gusto niyo pong magharutan, libre po ang mga kwarto sa taas." - Ara

"BITTER!" -sabay sabay naming sabi except kay Jov jovs tsaka Bang.

Pareho kaming nagpunta ng kusina para maghugas. Nagwiwisikan lang kami ng tubig sa mukha hanggang makabalik kami sa sala.

Napirmi namn kaming lahat dahil seryoso na silang kumakain. Yun namang katabi ko, yung pizza yung tinitira.

"Uyy Jovjovs, kala ko akin yan? Inubos mo na din eh?" sabi ko

"May isang box pa naman Chel. Tsaka wag masyadong madami ang kakainin. Baka sa susunod, di na tayo magkasya dito sa sofa." sabi niya with matching nang aasar na smile.

"Ate Jovy, bakit ang talkative mo ata ngayon?" tanong ni Bang.

Ngumiti lang si Jovs tapos nagkibit balikat.

"Good vibes lang kasi dapat, diba Aly?" tanong niya kay Aly na hanggang ngayon, nakaseryoso-look lang.

"Ewan, tanong mo kay Denden, baka sa susunod, tutuparin na yung sinabi niya at mag iingat na." -Aly

"Ehhh, Aly, sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya eh. Sorry na. Pleeeassee." Sabi ni Den

"Hmmp! Ewan ko sayo." at tumayo na si Aly, "Cge, Ate Jovy, sa swing lang ko. Thanks sa food."

Tumango lang si Jovjovs at sumeryoso na din. Nasense siguro niya na may mali na din.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Bang at lumipat ng upuan sa tabi ni Den.

Itinaas naman ni Den yung hintuturo niyang may gauze.

Lagot.

Alam kasi namin na seryoso na sa tampo niya si Baldo kapag nasusugatan si Den. Napupunta kasi sa super high yung pagka overprotective niya kay Den.
Dati sabi namin kay Den na ang babaw naman ni Aly para magtampo dahil sa sugat lang kasi syempre, di naman maiiwasan yun. Pero nung nalaman namin yung reason ni Aly, naintindihan din namin kung bakit.

"Cge ate, sundan ko lang si Aly." -Den na tumayo na at umalis.

Naiwan naman kami na tahimik lang.
Tumayo naman si Ara at tumabi ulit kay Bang.

"Hmmp!" Sabi ni Bang na nag walk out din.

"Cge Ate, sundan ko lang din si Bang." -Ara

Naiwan kaming apat sa sala.

"Parang tinakasan lang tayo sa pag aayos ng pinagkainan ah." -Jovjovs.

Mukhang naguat naman sina Mela na nagjoke si Jovjovs. Pero syempre, sanay na ako dun.

Tumawa lang kaming apat at nagligpit na ng pinagkainan.

After nun, nagmovie marathon nalang kaming apat at hindi na rin naman pinabalik sina Jovs sa training nila.

Magsstart na yung first movie nang bumaba sina Bang at Ara mula sa taas. Mukhang okay na sila kasi nakangiti na si Ara.

"Lakad lakad lang kami sa labas ah." -paalam ni Bang

"Okay! Ingat!" sagot naman ni Mela.

Wala pang 15 mins pumasok na din si Aly at Den. Mukhang okay na din ata sila kasi nakaback-hug tapos nakapatong yung baba ni Den sa balikat ni Aly eh.

Nakita ko naman si Jovs na sinundan lang ng tingin si Aly at Den habang dumadaan sa harapan namin.

Ngayon lang siguro niya nakikita yung mga 'abnormalities' ng mga kaibigan namin kasi sa aming lahat, siya na siguro ang pinaka aloof.
Pagkatapos ng training namin, uuwi ng reserved house para maligo, tapos papasok, tapos late na siya nakakauwi kasi laging kausap yung commander nila, dahil doon, madalas hindi siya nakakasabay ng dinner namin. After niya magdidinner, habang nanonood ang buong team sa sala, didiretso na siya sa kwarto para matulog.
Palaging ganun ung cycle niya. Nagkakausap lang kami kapag naglalakad papunta o pauwing gym. Tapos ako lang tsaka si Aly yung mga kinakausap niya ng matino at hindi puro kibit balikat ang sagot.

"Uy, TV ang pinapanood, hindi sina Aly." sabat ko sa kanya

"Ay.. sorry." -nahihiya niyang sagot.

"Wag kang mag-alala, kwento ko sayo later. Okay?"

Tumango nalang siya bilang sagot.

"Gawa ako popcorn?" -mela

"May fries pa oh." -Den

"Kina Ella na yan. Magtatampo na naman siya." -Mela

"Nag iwan naman ako ng chicken tsaka pizza for them. Okay na yun." -sabi ko naman.

"Okay." -mela

Nasa kalagitnaan na ng second movie nang dumating yung mga teammates namin kasama na nila si Ara and Bang.

"Oy guys, may dinner na sa mesa, treat ni Jovjovs!" -ako

"Uy! Yes! Thank you 'te Jovy! Youre the best! Tara ate Jheck! Ate Tina! Tyang! Jaja! Kain na tayo!" -sino pa nga ba, edi si Ella

"Ligo ka muna liit! Baka mawalan kami ng gana kapag naamoy ka amin. Hahahahaha" -pang aasar naman ni Jaja

"Oo! Alam ko, matangkad kang dambuhala ka! Pero tandaan mo! Walang dambuhalang nakapupuwing! Hahahahaha!" -Ella

"Teka teka! Height mo lang kaya maliit.. Ewan ko kung may nakapupuwing din na malapad. Hahahaha!." - Jaja

Pinagtulungan na si Ellang liit.

"Maligo na nga kayo nang mkakain na din tayo! Kayo talaga!" -Capt. (Salak)

"Yes, Capt!"

"Ay cap! Sa labas lang kami ni Jovjovs ah. Lakad lakad lang kami." Tumayo na ako.

"Cge! Pero before 9 ah dapat kompleto na tayo." -capt

"Yes capt!"

"Tara! Walk with me?" Sabay lahad ko ng kamay kay jovs.

Ngumiti naman siya at tinanggap yung kamay ko tapos tumayo.

"My pleasure, madame." -bulong ni Jovs sa akin

Hindi mo lam kung gaano mo ako pinakilig sa sinabi moooo.
Sabi ko sa kana sa utak ko.

-------------------------------------------------

A/N

Naayos b talaga yung chapter four???
Di ko kasi makita ah.

Anyway, this chapter is for Bless!
Ang bestfriend kong nagnanakaw ng picture ng Gonzaquis sa phone ko. Tapos sasabihin na mas madami na siyang picture nila! Daya mooo!  <3

MAYBE IT WILLजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें