Agad na binalot ng kaba ang lahat dahil sa naging reaksyon na iyon ni Kira. Maaaring masamang balita ang laman niyon.
"Ano na Bal?! Basahin mo na yan! Wag ka munang umiyak jan!" naiiritang sigaw ni Reena kay Kira dahil kahit siya ay kinakabahan sa nakikitang reaksyon ng kambal.
Ilang segundo pang tinitigan ni Kira ang sulat at saka siya pumalahaw ng iyak. Lahat ay kinabahan at nagtaka sa inakto niyang iyon.
"Uuwwaaahhh!! Honey pie, sweety pie the apple of my eyes!! Hindi na ako marunong magbasa! Akala ko ba K12 lang ang binago sa school?! Hindi naman nila sinabi na pati pala alphabets! Ano ng ituturo ko sa anak natin? Ano ng maipagmamalaki ko sa kanya?! Pati ba ung numbers iniba na rin? Ung months at ung days?! Pag malaki na siya ikakahiya niya ako kasi magiging mag kaklase pa kami! Uwaahhh!! I-enrol mo muna ako! Wag ka munang manganak pls!"
"Hail, takpan mo ng maigi ang tenga ni Emjay! Ilayo mo siya ka Kira. Hindi niya dapat marinig ang mga ito!" utos ni Jane kay Mikhail na agad namang sinunod ng asawa.
"Hay... Kawasamg bata. Hindi pa siya lumalabas pero naaawa na ako sa kanya." napapailing na sabi ni Trisha habang malungkot na nakatingin sa malaking tiyan ni Shin.
"Shin, hindi pa huli ang lahat. Pls lang. Kung ayaw mong hiwalayan si Kira pwede naman natin siyang ipagamot! Hahanapin natin ang pinakamagaling na neurologist sa buong mundo. Pls lang pumayag ka na!" puno ng pag aaalalang sabi ni Shan kay Shin.
"Hindi baliw ang honey pie sweety pie the apple of my eyes ko!! Hahanapin ko! Nanjan lang un! Alam ko nasa tabi tabi lang ung utak niya! Pls wag nating siyang sukuan!"
"Akin na nga yan." agaw ni Lucien sa sulat na hawak ni Kira at tinignan iyon.
"VT'KT EGDOFU IGDT."
Ito ang nakalagay sa sulat kaya hindi mabasa ni Kira.
"It's a Cipher." sabi ni Lucien sa lahat na ang tinutukoy ay ang nakalagay sa sulat.
"Anong sabi?" tanong ni Tristan.
May hint na silang lahat (maliban kay Kira) kung sino ang nagpadala ng sulat na iyon. At lahat sila (maliban ulit kay Kira) ay hindi makapaghintay sa isasagot ni Lucien.
Isang beses na tinignan ulit ni Lucien ang sulat na hawak bago muling tinignan ang mga kaibigan.
"We're coming home."
Iyon ang translation ng sulat.
Ngumisi si Lucien at alam na ng lahat na good news iyon.
"They're coming back."
Lahat sila ay napasigaw sa tuwa at excitement dahil sa wakas babalik na sila. Sila. Sina Missa at Zevi kasama ang anak nilang si Zero.
"Aahhhh!!! Kira!!" malakas na sigaw ni Shin kaya napatigil ang lahat.
"Bakit honey pie sweety pie the apple of my eyes? Wala akong kasalanang ginawa bakit first name ko ang tawag mo sa akin?" naguguluhan na tanong ni Kira kay Shin kahit hindi niya maintindihan kung bakit mukhang hirap na hirap ang kanyang asawa habang hawak ang malaking tyan nito.
"Ano ba naman yan honey pie sweety pie the apple of my eyes! Hindi pa lumalabas ung baby natin inunahan mo na siyang mag wiwi!"
"Ung- Ung! Panubigan ko pumutok na! Manganganak na ako! Lalabas na siya!" hirap na sigaw ni Shin.
Naging alerto ang lahat at lumapit kay Shin para tulungan ito samantalang nanatiling nakatayo lang si Kira at hindi man lang kumukurap.
"Jace ung kotse!" sigaw ni Shan habang tinutulungan ang kanyang kapatid.
"Bakit ako?!" angal ni Jace dahil kinakabahan na rin siya.
"Dahil baka doon mo makita ang babaeng para sayo!" pang aasar ni Aki at pinatulan naman ni Jace kaya mabilis niyang tinakbo ang kotse niya.
JACE'S POV
Aish! Babaeng para sa akin?! Wala naman eh! Halos mabangga na ako kanina dahil sa taranta kay Shin at sa ingay ng sigaw niya pero ngayong nakalabas na ung baby nila wala pa rin naman ung babaeng para sa akin eh!
Oo na! Oo na! Ayoko ng maging single! Naiinggit ako sa kanila! Matanda na rin ako at gusto kong may makakasama na ako sa buhay.
Iyong tulad nila na may mag aalaga sayo kapag may sakit ka. Hindi iyong magaalaga sayo dahil kailangan ka niyang pagsilbihan kundi dahil importante ka sa kanya.
Iyong may maghihintay sa pag uwi mo. Hindi dahil sinabihan mo siya kundi dahil siya. Iyong tao mismong naghihintay sayo ang HOME mo.
Iyong may nagmamahal sayo. Iyong masasaktan kapag nawala ka na lang bigla. Iyong magpapasaya sayo ng higit. Mananakit sayo ng higit. Pero kahit kailan hindi mo magagawang iwan dahil mawaaalan ng kwenta ang buhay mo kapag wala siya.
I can see how happy my friends are right now. Kahit puro angal sila minsan dahil sa paglilihi ng mga asawa nila nakikita kong gustong gusto pa rin nila ang pagsunod sa mga iyon.
Hindi ko naisip na darating kami sa ganito noon. At hindi ko lubos maisip na mapagiiwanan ako!! Hay!
*boogsh!*
Anak ng! Sobra ba ang pag eemote ko?!
"S-Sorry po, sir! Nagmamadali po kasi ako!"
Napatingin ako sa babaeng nurse na nagpupulot ng ilang gamit pang hospital na nabitawan niya nung bumangga siya sa akin.
Hindi ako makapagsalita dahil ayaw gumalaw ng mga bibig ko at wala ni isang salita ang nasa utak ko.
Pinanood ko lang siya hanggang sa mapulot niya lahat ng nabitawan niya at makatayo siya ng maayos sa harapan ko.
Dang! Ni hindi ko man lang siya natulungan?!
Pinakatitigan niya ako at napatitig din ako sa mga mata niya.
Parang hinihigop niya ang kaluluwa ko at wala akong magawa.
"Ang gwapo ninyo naman po, Sir! Kapag po ba tatanungin ko kayo ng will you marry me anong isasagot ninyo?"
Base sa pagkakangiti niya alam kong binibiro niya lang ako. Pero hindi ko alam kung bakit sineryoso iyon ng buong pagkatao ko.
"I do."
Pareho pa kaming nagulat sa sinabi kong iyon dahil hindi ko iyon binalak. Kusa iyong lumabas sa bibig ko.
Napahagikgik iyong babae at masasabi kong iyon na ang pinakamagandang tawa na narinig ko.
Lumagpas na siya sa akin at sobrang nakakalungkot.
Deym! They're right! I'm easy.
Pero hindi matatapos dito ang lahat sa pagitan naming dalawa. Bago pa siya makalayo ay pumihit ako patalikod at tinawag ang atensyon niya.
"Paano kita pakakasalan kung hindi ko man lang alam ang pangalan mo?"
Napahinto siya at tumingin sa akin.
Again. Natulala na naman ako.
"Elena. Elena Montero." iyon lamang ang sagot niya sa akin at nagpatuloy sa pag alis.
Elena Montero. Perfect. Because i am your Zorro.
chap 56- note
Start from the beginning
