chap 23- hello hello

2K 69 4
                                        

MISSA'S POV

Wooooohhh!!! Sa wakas! Nakita ko rin ang hinahanap ko! Bwahahaha

Ang mahiwagang study room!

Ang kaso nagbalik na rin ang liwanag sa buong mansyon kaya heto huli ako nitong apat na nakabantay.

"sino ka?!" tanong ni bantay 1 at sabay sabay pa silang nagsikasahan ng mga baril.

Hay.. Bakit ba laging iyan ang tinatanong sa akin? 'Di ba puwedeng "kumain ka na ba?" o kaya "saan ka galing?".

Hay! ang dami daming katanungan sa mundo!! Bakit iyan ang paulit ulit nilang tinatanong sa akin?! Nakakainis na sila ha!

Inungusan ko nga sila at saka sinigawan ng naiinis.

"secret! Hmp!"

"pfft!"

~_~ sinong nagpigil ng tawa sa mga ito?? Humanda sa akin iyon.

"sino un?"

Tinignan ko sila ng masama pero kumunot noo lang naman sila sa akin.

Aba!! At deny deny pa ang peg nila ha!! Wag nilang sabihin na mas magaling pa sila sa akin sa akting akting!

"anong sino un?" bantay 2

"sino ung nag pigil ng tawa?"

Nagtinginan sila at saka umiling sa isa't isa.

Aba! Anong ibig sabihin nila? Am a la yer?! Am a la yer?!

Nabasa din niyo un diba? Sabi, "pfft!"

"aish! Hulihin ninyo na yan. Kailangan nating malaman kung sinong nagpadala sa kanya dito." bantay 3

Sus! Para namang malalaman ninyo. Ako nga di ko alam kung sino siya eh..kayo pa kaya?! Gara ninyo ha!

Aba't talagang huhulihin nila ako!

Ayaw ko nga!

Kaya bago pa ako mahawakan ni Bantay 4 at bantay 1 eh pinatumba ko na silang dalawa gamit ang Ninjato ko.

Hehe. Ngayon alam ko na kung bakit favorite to ni Mommy. Ang talim kasi masyado eh..madaling gamitin. Hindi nauubusan ng bala tulad ng baril at walang ingay kapag ginamit. Hehe

*whistle*

Eh? Ano un?

"hoy! Anong tinatayo pa ninyong dalawa jan? Bakit huminto pa kayo sa paghuli sa kanya?"

Tinulak ni kuyang bantay 3 si kuyang bantay 4 at babam!

Aaw. Ung mukha niya winelcome ng sahig. Kung buhay pa siguro itong si kuya eh nasapok niya tong si kuyang bantay 3 sa pagtutulak sa kanya. Dapat pasalamatan pa ako nitong si kuyang bantay 3 kasi pinatay ko na si kuyang bantay 4! Hihihi

Ung dugo ni kuyang bantay 4 kumalat na sa sahig kaya ako naman ay tuwang tuwa. hihihi

Biglang bumagsak din ang katawan ni kuyang bantay 1 at tulad ni kuyang bantay 4 ay kumalat na rin ang dugo niya.

Actually kumalat na nga rin sa paanan ko kaya itong sneakers na suot ko ay nalagyan ng dugo nila. Paharap kasi sa akin ang pagbagsak nila. Buti na lang sa magkabilang gilid ko. Kundi nasipa ko pa sila. hihi

Well. Ayos lang kahit natalsikan ako ng mga dugo nila. Cute naman nung kulay ng dugo eh. Hihi

Blood here. Blood there. Blood everywhere!! Eeiiiiii!!!!

"a-anong ginawa mo sa kanila?!"

-_- ilang beses ko bang sasabihin na ang obvious kapag tinanong o sinabi mo pa nakakatanga na?

THE END OF THE GAMEWhere stories live. Discover now