AUTHOR'S POV
(present time)
"Hoy Bal! Wala ka bang manga man lang dito sa bahay ninyo?! Paano nakatiis si Shin dito na walang manga?!" angal ni Reena sa kambal niyang si Kira habang naghahalungkat sa ref nito.
Nagkatipon tipon kasi sila sa bahay nila Kira ngayon. Dahil gusto nilang i-celebrate ang nalalapit na panganganak ni Shin.
Yep! 3 years ago ng mawala sila Missa at Zevi ay nagkaroon din sila ng sari sariling buhay. After a year na kinasal sina Missa at Zevi ay kinasal naman sina Mikhail at Jane na ngayon ay may isa't kalahating taong gulang na anak. Sa taon din na iyon ikinasal ang pinsan nilang si Raijin sa isang anak ng kilalang mafia boss sa Japan.
Sa sumunod na taon sina Kira at Shin naman ang nagpakasal. At ngayon nga ay nalalapit na ang panganganak nito.
Sina Reena at Im-han naman ay sabay na nagpakasal at pareho na ring nasa ika limang weeks ng pagbubuntis.
Sina Aki at Shan naman ang nakatakdang ikasal ngayong taon.
Sina Lucien at Jace?
Si Lucien kakaalok niya lang ng kasal kay Trisha at ngayon ay busy na sila sa preparasyon. At si Jace...
"Cos if you like the way! You look that much! Oh, baby. You should go and love yourself! And if you think! that i'm! still holding on to something you should go and love yourself!"
"Woohh!! Buhay single nga naman!" sigaw ni Yvan kay Jace na todo kanta sa videoke na sinet nila kanina habang binabato ito ng popcorn.
"Dahil sayo Jace malapit na akong maniwala na may poreber!" si Brian
"Poreber single!" si Icen
Yep! Wala tayong magagawa. Hindi pa dumarating ang babaeng nakatakda para kay Jace eh.
*ding dong*
"May kulang pa ba sa atin?" tanong ni Im-han at nilibot ang tingin dahil may nag doorbell.
"Wala naman na kompleto na tayo." sabi ni Aki na nilibot din ang tingin.
"Kabit ni Kira!" sigaw ni Icen kaya agad na napatigil sa paginom ng gatas si Shin at agad na nagtubig ang mga mata habang nakatingin kay Kira.
Agad na nataranta si Kira dahil sa naging reaction ni Shin.
"Kabit agad?! Kapag may nag doorbell kabit agad?! Hindi ba pwedeng may mamamalimos lang? May mag so solicite ng donation? Bill ng koryente?! Ng tubig?! Ng cable?! O kaya bill ng internet! Kailangan kabit agad?! Hindi ba pwede ung kapitbahay muna dahil manghihingi siya ng asin?! O kaya toyo o kaya ng mantika! Bakit kabit agad?! Hindi ko nga alam ang spelling ng marshmallows tapos magkakabit pa ako?! Asan ang hustisya?!!!" mangiyak ngiyak na litanya ni Kira with matching hand gestures pa para lang depensahan ang kanyang sarili sa iniisip ng kanyang asawa.
"Oh. Sulat." sabi ni Mikhail at inabot kay Kira iyong itim na envelop.
Nawala ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ni Shin at nakahinga naman ng maluwag si Kira.
Napangisi na lang iyong iba at napailing dahil hanggang ngayon hindi na yata magbabago ang takbo ng utak ni Kira. Goodluck na lang sa magiging anak nila.
"Oh. Buksan mo na Bal! Kanino ba galing yan?" tanong ni Reena.
Tinignan muna ng masama ni Kira iyong sobreng itim na hawak niya bago niya ito binuksan.
Pinakatitigan iyon ni Kira habang tinititigan naman siya ng lahat.
Ilang segundo ang lumipas at nanginig ang mga kamay ni Kira na may hawak sa sulat. Kumibot kibot ang kanyang mga labi at nanubig ang mga mata.
