Chapter 4

13.4K 298 5
                                    

*******
*****
****
***
**
*

Liana

Cori
Calling......

"Hey?!"agad ko namang sagot sa tawag niya..

"Hi babe... Oh ano? Napagalitan kaba?!"

"Tinanong mo pa?! Yes napagalitan ako... May warning na..." sagot ko kay Cori.

"Pano yan?!"

"Paanong ano?!" tanong ko sa kanya habang naglalakad ako palabas ng balcony baka marinig pa ako ni Daddy....

"Wala ng doo ?!"

"Babe ? of course meron pero hindi sa araw ng pasokan maybe weekends nalang..."

At nang mapako ko ang tingin ko sa kapitbahay namin.... Si Marga... ang bestfriend ni Leona... nakatingin siya sa akin ... nakatayo siya sa may window niya... Hayst! Ang ganda talaga niya ... Pero ayaw kung mahalata na humahanga ako sa ganda niya at may pagnanasa baka mabuko pa ako at matsugi ako ni Leona.. .. Walang alam ang family ko na bisexual
ako... Mas napagkakamalan pa si Leona kaysa sa akin dahil siya ang boyish .. Ako ang pa girly... Nakatingin lang siya sa akin.... Di ko kaya ang tingin niya kaya tumalikod nalang ako at bumalik na sa loob ng room ko...

Napapansin ko lang sa kanya na sa tuwing makikita niya ako tinitigan niya ako.. .. oh napapangitan siya sa akin? oh baka naman may dumi ang mukha ko pag makikita niya ako.... lols! Hang ganda lang niya talaga... nakakatulo ng laway...

"Heloo? Babe? still there??" napukaw ako sa sigaw na Cori sa kabilang line...

"Aray!! ang sakit sa tenga.. Ano bha... of course im still here oh! Sige na matulog na ako... see you tom..."

"Okay! busy ka ata dyan eh.. sige na Goodnight."

At binaba na ni Cori ang phone .... Napatingin ako sa room ni Marga pero sarado na ito...

Humiga na ako sa kama ... Naalala ko si textmate... Hindi pa ako inaantok kaya kukulitin ko muna siya ....

Agad ko siyang tenext ....

"Are you from Korea?" -sent

"Of course not! Hindi ba halata sa number ko na nasa pinas ako... hellooo???! at buhay kapa pala kala ko nagbigti kana?!" agad nyang reply... sungit na naman... rami pang sinasabi ...

Agad namn akong nagreply....

"Blah!blah!blah! Again....Are you from Korea?

"Paulit ulit ka ang kulit mo!! Bakit bha?!" agad naman niyang reply...

"Because you could be my Seoul mate!" -sent

"Luh!Luh!Luh! Itulog mo na yan! Inaantok ka lang!" - reply niya agad... Natawa ako sa kasungitan niya.. sungiitttt...

"I can't sleep."sent

At hindi na siya nagreply... Tinulugan na ba niya ako... E text ko ulit siya....

"Ang daya .. tinulugan mo na ako?! huhuhu!" -sent

"Patulog pa lang! Tulog na ako ah ! May pasok pa bukas... Wag ka munang mangungulit ngayon..Goodnight!" napangiti naman agad ako sa reply niya.. Hindi pa pala tulog...

"But i can't sleep!" - sent


"You can't sleep? abah! abah! pati ba naman yan poproblemahin ko pa?!! db binigyan kita ng tali? bigti na lang oi!! ! Goodnight!"

Napahalakhak ako ng malakas sa reply niya... Sige na nga di na ako magrereply... Papatulugin ko na muna siya.. Bukas ulit....

Nilagay ko na ang phone ko sa ilalim ng unan... Pinikit ko na ang mga mata ko... pero grrrr!! hindi ko makuhang antukin... eh paano ako aantukin kung may laman ang isipan ko... Si Marga ang mga titig niya ay naku ginayuma ba ako ng babaeng ito...

Napangiti nalang ako habang iniisip ang maganda niyang mukha .. Yung mga mata niya .. Yung tawa niya pag nagtatawanan sila ni Leona... Ang saya siguro nyang kasama.... Hanggang sa pumikit na ang mga mata ko....kakaisip kay Marga ... See you in Dreamland my futurr girlfriend ...

"Want To Want Me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon