For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 1

21.1K 270 11

*******
****
**
**
*


Marga


Unknown #
1newmessage

"You are the sun in my day, the wind in my sky, the waves in my ocean and the beat in my heart...Goodmorning ;)"

Ito yung nabasa ko sa phone ko pag kagising ko ... Sino ba ito... Ang aga aga mang trip ng unggoy na ito... ang korny naman ...

"Who are you?" - sent

"Who are you too?"
agad nyang reply! Nang aasar ba siya ...

"What? Ikaw ang unang nag text kaya."
-sent

"Bakit hindi ba ako pwedeng mag Who are you kahit ako ang unang nag text ;)?"

"Ewan ko sayo. Malelate na ako. Dont disturb me again.. Wala akong time sa trip mo."
- sent

"Walang kang time? Ako meron ;)"
reply niya agad...

Uuggghh!!

Hindi ko na siya nereplayan ... Agad na akong pumasok sa showerroom ... Early ang class ko today kaya dapat maaga ako...

Tok!Tok!Tok!

"Marga wake up na ... "
si mommy ...

"Yes mom... ito mag sho-shower na."

"Good."

Tinakbo ko na agad ang shower ... Nang matapos na agad akong nag ayos ng mga gamit ko .. nagbihis at bumaba na para makapag breakfast...

"Goodmorning mom."

"Hi baby.... breakfast na... ."

Agad naman akong kumain... may 30mins pa ako... Hindi naman kalayuan ang skul ko kaya keri lang..

Nagpaalam agad ako kay mommy at umalis na papuntang school...

Nang nagvibrate ang phone ko while im driving...

unknown#
1newmessage

"Is your name Ismail?" ito na naman siya at ismail pa talaga huh sa lahat ba naman ng name.. ginawa pa akong lalaki ...?

"No. Why?" - sent

"Cause Ismail when i see you.. lols"

Napalakas ang tawa ko sa loob ng sasakyan ... Grrr!!... Sino ba ito ... Nang iinis ba siya... Pinagtitripan talaga ako ng unggoy na to.. Kala mo sasakyan ko ang trip mo.. Busy ako kaya magtiis ka...

"Napatawa ba kita?" text niya

"Hindi! bleh."- sent

"Ang cute mo."'-reply niya

"Ewan ko sayo. Wag mo akong pagtripan bahala ka dyan."

Hind na siya nagreply pa... Ang kulit .. Pero infer napatawa nya ako dun.

Dumating na ako sa school.. Agad kung tinakbo ang unang klase ko.. Ayuko na kasing ma late .. sobrang terror kasi ng prof namin sa Human Anatomy... Nakaka stress.

Nakita ko agad ang bff ko na si Leona nasa loob na siya ng classroom...

"Hi besh goodmorning... " bati agad ni Leona sa akin ...

"Hi my labs ...goodmorning."

"Aba! parang ang saya natin today ah! Why?" nagtataka namang tanong sa akin ni Leona.. Palagi lang kasi akong nakasimangot pag ganito kaaga ang klase.

"Why? Hindi ba ako pwedeng maging masaya kahit minsan ?" sabay kindat ko sa kanya ..

"Sus may pakindat pa... naninibago lang."

"Labs.. masanay ka na."

"Okay Fine sabi mo eh." napailing nalang si Leona habang nakasandal sa upoan niya ... Ang cute lang talaga nitong boyish na bestfriend ko... Pero straight naman siya ...ganito lang siya manamit ...

Magbff kami since nung lumipat sila sa subdivision na tinitirhan namin.. Magkatapat lang ang bahay namin... May kakambal siya na si Liana... Hindi kami close .. suplada .. pero ang ganda niya .. sexy... sobrang girly .. maarti nga lang ... girlcrush ko siya at alam ni Leona yun.

(Anyways , magpakilala muna ako sa inyu ... I am Margareth "Marga" Lopez .. 19 years old .. 1st year college .. nag aaral sa pagiging Doctor .. Nag iisang anak .. Nasa ibang bansa ang Daddy ko at isa siyang Doctor duon sa Canada... Ahm ..sabi ng mga friends ko maganda daw ako.. mataas .. maputi .. redlips kahit walang lipstick.. wala akong masyadong arti sa katawan..simple lang... Moody nga lang minsan! lols! )

Lunchtime ....

Unknown#
1newmessage

"Psst lunch na."

Aba aba qoutang qouta na tong unggoy na to sa pagiging makulit....

"Psst too... Where did you get my number? May nagbigay ba sayo huh?"

"Wala . Nasalubong ko lang tong number mo sa daan !Hinayaan mo lang kasi gumala?!" reply niya...

"Alam mo kung nang aasar ka lang please stop. Wala akong time sa ganyan.. Busy akong tao.. wag mong dagdagan pa ang stress ko sa katawan."

Agad naman siyang nag reply ....

"U want massage? Magaling ako mag masahe ;) lols."

Uuggghhh !! mweset !!

"Besh ano nangyari sayo?" si Leona .. habang dala dala nya ang foods namin..

"Wala! May nang iinis lang."

"Sino?"

"Ay ewan. Hindi ko siya kilala ... kumain na nga lang tayo."

"Mabuti pa nga."

Kumain na kami ni Leona... Hindi ko pa rin maiwasan isipin itong unggoy na makulit na to... Ako pa talaga ang pinagtripan niya ... Humanda ka sa akin.. Pag ako mapupuno na sayo... Hahanapin kita unggoy ka..

"Want To Want Me"Basahin ang storyang ito ng LIBRE!