Chapter 9 - He'll catch me and i'll wait <3

Start from the beginning
                                    

“Nahulog ka na kasi eh. Hintayin mo.. sasambutin kita”

He’ll catch me and i’ll wait. Napangiti ako sa sinabi niya. Nahuli niya ako. Bisto agad! :””>

“Tara” kinuha niya ung kamay ko at naglakad kami. Sabay nmn na tumigil na ang ulan. Masiyadong nakikisabay ang panahon.

Hayy.. ang saya ko. Sobra! PATRICK MAC. Sana ikaw na talaga. Sana ikaw na ang magbibigay kulay ng aking madilim na puso. Nakangiti na nmn ako.. hihi^^

“Kanina ka pa nakangiti diyan. *Halikan kita eh*”

“H-ha?”

Hindi ko narinig yung isa niya pang sinabi. Ano yun? Uulitin niya yun diba?

“Wala.. haha” tumawa lang siya. Ehh! Ano yun?

Aish. =__=

“Bakit tayo andito?” nasa tapat kami ng isang puno. Pero nasa loob pa rin kami ng subdivision. Absent na nmn kami. :”)

“Dito kasi tayo una nagkita. Anong araw nga ba ulit yun?”

Ah. Yung nalaman kong kasama ko pala sa isang subdivision. Ay hindi, sa national bookstore kami una nagkita! Matanda na talaga to. Ulyanin.

“Hindi nmn tayo dito una nagkita eh” sabi ko.

“Saan ba?” tanong niya.

“Sa national bookstore doon sa SM”

Tiningnan niya lang ako tapos hinila niya ako. Nakarating kami sa bahay nila. Pinasakay niya ako sa kotse niya. Mag-kokotse kami. Hahaha. Alangan nmn lakarin lang namin yun diba?

Mahal din nmn mag-commute. Matalinong bata!

****

Andito na kami sa SM. Walang traffic kaya mabilis ang byahe. Pero wala nmn usap sa kotse. Ewan ko. Sadyang bipolar talaga tong si Patrick. Yun! Patrick na lang itatawag ko sa kanya. >:D Haba kasi ng Patrick Mac. Siya rin eh, nagpapakahirap sa Krysta Febe. Di na lang Krystalin or Krysta itself.

Naglalakad kami sa loob ng mall. Talagang gusto niya puntahan yung unang lugar na pinagkitaan namin ha. Kung hindi talaga siya adik eh.

“Ayan! Diba dito?” sabi niya.

Napatingin nmn ako. Haha nasa national bookstore na nga kami. Hindi ko kasi napansin yung mga dinaanan namin eh.

“Hmm.. yup!^^” sabi ko na lang.

Naglakad ulit kami. Siguro dadalhin niya ako doon sa section ng mga notebooks. Yung pinagkitaan talaga namin. Aish. Baliw na siya! Hahaha.

“Hindi kasi naging maganda ang simula natin eh. Gusto ko kasi sana maging official na tayo. Yung parang liligawan pa kita pero diba dapat magkakilala tayo ng maayos?” sabi niya.

Siya ba talaga tong kasama ko? Napaka-seryoso. Pero tama rin nmn siya. Pero yung gusto niyang maging official? As in yung tunay? Tunay na magiging kami. Gusto niya yun?

Nginitian ko na lang siya tapos nagsalita na nmn siya.

“Hi. Ako nga pala si Patrick Mac. Ikaw?” nakastretch yung kamay niya sa akin para makipag-kamay.

“Ahm.. Krystalin Febe. ^___^” sabi ko na lang tapos nakipag-kamay na ako.

“Yan. Tapos na! Ngayon nmn. Ligawan part!” :O

Liligawan niya ako?! Sweet kaya siya? Haha malay!

“Ahm.. Patrick! Seryoso ka ba? Gagawin mong official na tayo?” tanong ko. Sobra na kasi tong si konsensya eh!

God Gave Me YouWhere stories live. Discover now