Chapter 9 - He'll catch me and i'll wait <3

Start from the beginning
                                    

“Wag ka nga diyan sa harap ko!” taboy niya sa akin. Hindi siya marunong maging sweet? Naturingan pa na boyfriend ko siya.

I just glared at him.

“Dito ka sa tabi ko” sabi niya. SABI NIYA? SINABI NIYA?! OO TAMA KA! SINABI NGA NIYA. XD

Tiningnan ko ulit siya. Nakangiti na nmn siya. Ano beh?! Siya na nga kasi may killer smile. Mamatay pa ako eh. >///<

Sinunod ko nmn siya. Naupo ako sa tabi niya. Ang lamig eh. Alangan nmn tumayo lang ako hanggang mamaya. Muka akong bangag nun. Ang lamig na nga tapos.. aish! HAHAH.

“Lagi na lang ako umaabsent pag kasama kita” sabi niya.

“Kasalanan ko, ganun?” sabi ko.

“Hindi. Masiyado kang guilty! Hahaha” sabi niya lang tapos tumahimik na ulit.

****

Uwaaaa. Isang oras na kami nandito. Stranded! Ang lamig lamig pa. Buti na lang may puso tong si Patrick Mac. Binigay niya sa akin yung coat niya. :””)

Infairness, ang bango ng coat niya. Amoy lalaki talaga.

“Taposin na kaya natin ang pagpapanggap?” :O

“Ano sa tingin mo? Wala nmn kasi atang hahantungan ito eh.” sabi niya ulit.

NO! T___T

Parang ang bilis. Ayaw ko pa. Kahit 1 year lang. Okay lang nmn sa akin eh. Kasi.. sa isang taon na yun at least makakaramdam ako ng may kasama ako sa buhay. Feeling ko kasi nag-iisa lang ako palagi eh.

Tumulo yung luha ko. Ewan ko ba bigla siyang tumulo eh. Pasaway.

“Magpapakasal na lang ako kay Yvonne” sabi pa niya ulit.

Tumalikod ako sa kanya. Para hindi niya mahalata yung mga luha ko na tuloy tuloy sa pag-agos kasabay ng ulan.

“Pinangako ko kasi sa sarili ko na hindi na ako mananakit ng kahit sinong babae pa ulit.”

Ulit? Anong ulit? Ibig ba niyang sabihin. Lagi niya tong ginagawa? Nagpapanggap? Para hindi siya ipakasal.

Akala ko ba ayaw niya ikasal sa taong hindi niya kilala? T__T

Tapos pagdating sa akin. Susuko siya. Ganun ba siya ka-cold hearted sa akin?

Tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko at inalis ang coat niya sa katawan ko. Naglakad ako palabas ng kubo. Di na baleng mabasa ako ng ulan. Mabuti na yun.. masasabayan niya ang luha ko.

“HOY! KRYSTA FEBE!” tawag niya.

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Nakakainis. Kung kailan nmn na nahulog ako saka nmn.. hindi niya ako nasalo.

Patuloy ako sa paglalakad. Ewan ko kung saang lupalop ako dadalhin ng aking mga paa. Lumingon ako saglit.

Tumulo na nmn ang mga luha ko. Hindi man lang niya ako sinundan. How cruel of him?! Nakakaasar siya. Pangalawang araw pa lang namin eh. May nagawa ba akong masama sa kanya para taposin na to agad agad? Wala nmn diba? WALA.

O_____________O :O

“Joke lang”

Nilingon ko siya. Nakayakap siya sa akin eh. Si Patrick Mac. Tama ang basa niyo. Siya nga. N-niyakap niya ako. Yakap niya ako. Nakayakap siya sa akin. As in yakap. I felt warm. Really warm. I felt like i’m safe. :)

“Stay. Please?” s-sabi niya..

Nakatingin lang ako ng daretso sa maganda niyang mata. Tapos tumango ako nang nakangiti.

God Gave Me YouWhere stories live. Discover now