Nagtaas naman ng kamay yung isa kong matalinong kaklase. "Can you explain why?"

Tanong niya, ito lang ang gusto ko sa pagpasok ko araw-araw dahil sa matandang dalaga kong teacher. She's always giving us positive words everyday at dahil dun na mo-motivate ako lalo na kaya kong mabuhay mag-isa. Nakakapag-aral ako with the help of scholarship. Pamula nung naglayas ako mismong sila pa ang nag-ayos ng fake family registration ko. Kung saan inabandona ako ng mga totoo kong magulang.

"Enjoy, bakit nga ba? In my own words, live with freedom. Just enjoy what you are and what you are doing. You must not care about the opinion of others as long as you enjoy. In order to love things, you must appreciate and enjoy it. As we all know, it is a positive word that for me is we live once so we must live to the fullest.." ngumiti siya bago ulit agsalita.

"Okay, class dismiss." napangiti na lang ako. Yan ang gusto ko sa teacher na yun, hindi niya intiindi yung sasabihin ng iba. Just like me, isa lang ako mere commoner sa school na 'to. Hindi bully at hindi target ng bullying.

Lumabas ako sa classroom habang bitbit ang aking school bag at ilang mga libro. Uuwi na muna ako ng maaga sa dorm ko para mag-aral sa darating na finals namin. I'm 19 years old, 4th year college.

"Dyaryo! Dyaryo! Bagong bagong balita at hindi pa bilasa." napatawa na naman ako kay Manong. Lumapit ako para bumili baka sakaling makakita ako ng sideline job.

"Manong isa nga po." binigyan ko naman siya ng bente pesos saka nagsimula ng basahin ang dyaryo.

Sakto naman biglang humangin kaya nilipad yung isang page. Dali dali ko itong hinabol at pinulot. Pagtingin ko sa dyaryo.

Wanted: Butler of Gio Dray Min. Contact this number 090512345678.

As in grabe ha, full page yun lang ang laman! Grabe naman 'to magpa advertise ng butler ng lalaking yun. T-teka Gio Dray Min?

Napanganga na lang ako at nabitawan yun natitirang bahagi ng dyaryo at tanging yung page na lang na yun ang natira sa kamay ko. Siya yung lalaki sa park kanina diba? Yung sinabi ni Lola?

Napangiti ako bigla abot hanggang tainga. It's my time to shine! Sinipat ko pa ang laman nito sa ibaba at nagulat na lang ako sa nakita ko.

"60,000? A MONTH?" AS IN! AMAZING! Automatic na nagkaroon ng calculator sa utak ko. For sure naman, libre bahay to at libre malalamon. So pag naka isang taon ako mayaman na ako? Nag twinkle ang mata ko bigla. Good opportunity! Nainlove na nga ako may kasama pang perang pampayaman! Kailangan ko na agad tawagan!

Naghanap kaagad ako ng payphone at tinawagan ang number. "Ahh. .  hello po? Nabasa ko kasi sa dyaryo yung ad niyo na Butler for Gio Dray Min, balak ko po sana mag apply."

[Sorry pero hindi kami tumatanggap ng babae---]

"Teka! Teka! Atat much? Minamaliit niyo po ba ako? Kaya ko pong patunayan. Black belter po ako sa karate saka po magaling ako maglinis ng bahay lahat kaya ko. Kahit linisin ko pa po uhog niya, I'll do it." 

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon