8

283 7 0
                                    

From: Chris <3

Don't forget. Practice later. See you! :D

Napabuntong hininga na lang ako sa text niya.

Pano ako makakamove on nito kung may patext text pa siyang nalalaman sakin?

Haiz. Plano ko pa naman sanang di pumasok at iexcuse na nakalimutan ko.

Bahala na nga.

Muli kung itinago yung phone ko pagkarating ng teacher.

Last subject na'to at dismissal na pagkatapos.

"Class dismiss" sabi ng teacher namin.

Bakit ang bilis ng oras? Parang ka papasok niya lang ah?

Tss. Kung kailan ko pa gustong magtagal yung klase dun pa natapos agad. Ang galing lang.

agad na nagsilabasan yung mga kaklase ko habang tamad naman akong nag aayos ng mga gamit.

Ayoko talaga. Ayokong magpractice. Gusto ko nang umuwi.

"Van!"

Dahil sa gulat ay agad akong tumingin sa tumawag sa akin.

Laking pasasalamat ko at si Ken yung dumating.

Binilisan ko naman na yung pag aayos at isinukbit na sa balikat yung bag ko.

"Ang bagal mo atang kumilos ngayon? Anong nangyari?" salubong na tanong niya sakin.

"Ayoko kasing magpractice. Binagalan ko baka kasi huminto yung oras" sabi ko.

binatukan niya naman ako dahil dun.

Sakit makabatok neto. pag ako nakatiyempo mas masakit pa bibigay ko dito. Pasalamat siya mataas siya at di ko siya maabot.

"Loko to. Di ka hihintayin ng oras. Pwede ka na mang magskip kung ayaw mo talaga. Mag excuse ka na lang" sabi niya sakin.

"Ano naman ieexcuse ko? Eh tinext nga niya ako para iremind sakin yung practice"

"Basta magexcuse ka. Bonding tayo, libre kita ng pagkain" sabi niya.

Himala. Manglilibre siya.

"Weh? Di nga manlilibre ka? Baka jinojoketime mo lang ako? Pipiktusan talaga kita pagnagkataon" sabi ko sa kanya.

Mahilig pa naman itong isang to mangjoketime.

"Oo nga. Kaya bilis magexcuse ka na para makakain na tayo. Ginugutom na ako" sabi pa niya.

*_* di nga siya nagjojoketime. Manlilibre siya!

"Oo na. teka titext ko na lang" sabi ko at kinuha yung phone sa loob ng bag ko.

From: Chris <3

Di ka pwedeng magskip. By partner pala yung hinandang sayaw at partner tayo. Wag mo kung iiwan sa ere kaya please wag kang magskip. See you :D

"Ugh! Kainis naman oh!" nasabi ko na lang pagkatapos kong basahin yung text.

"Oh bakit? Anong meron?" tanong niya.

Binigay ko naman sa kanya yung phone ko at pinabasa sa kanya yung text ni Chris.

"so hindi ka sasama sakin" sabi niya.

Tiningnan ko siya at malungkot lang siyang tumingin sa akin.

"Okay lang. Siguro next time na lang. O kung mayroon pang next time para sayo. Baka di ko na rin maisipan manlibre. Once in a blue moon pa man din ako manlibre. Pero okay lang pumunta ka na sa kanya" sabi niya at ngumiti. Pero hilaw naman yung ngiti niya. Halatang pilit.

I Love Him But He's Not MineWhere stories live. Discover now