One

1K 11 0
                                    

Tiffany

"Tiff!!! open the door. malelate ka na sa school. si kiara nasa living room hinihintay ka na." Si mommy, Lagi siyang ganyan pag weekdays.

"I'm coming mom!" Sagot ko.

Nagbibihis nako papuntang school.
Friday ngayon kaya okay lang kahit mahuli ako. i mean kami pala ng bestfriend kong si kiara. lagi din siyang ganyan. Siya laging sumusundo sakin. ang sweet niya no?

Maya maya pa'y kumatok ulit si mommy.

"Sweetheart take faster mahuhuli na kayo sa school. mauuna na din ako sa inyo. may mga pasyente pa ako sa clinic okay?" Paalam nito.

Binuksan ko ang pinto para makapagpaalam.
"Bye mom. love you! muah!"

"Bye Sweetie. take care okay?"
Saka nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Pagtingin ko sa baba nakit ko si kiara. nakatingin din siya sakin.

"Good Morning kia!" Sabi ko saka siya ngumiti. Sabay "Good Morning".

Sinara ko ulitang pinto at itinuloy ang pagbibihis. pagkatapos ay nagmadaling bumaba.

Nakita ko si kia na nagsusulat.

"Oh ano yan?"

"Ahh yung assignment natin sa physics. diko kasi natapos kagabi. nag away na naman sina mom and dad" Sagot niya. saka inayos ang mga gamit.

"Huh? bakit na naman?" Curious na tanong ko

"Hmm ewan. kahit naman itanong ko. di din nila sasabihin. nagmumukha nga akong multo dun sa bahay. saka lang nila mararamdaman ang presence ko pag may gumalaw na mga bagay."

Tumawa ako.

"So may oras ka pa para tawanan ako no? gara mo"

"Natatawa lang naman ako sayo. kai dun sa bahay niyo, ghost ka. sa school dyosa ka. hahaha!"

"ah okay." Walang kagana ganang sagot niya.

"Are you okay kia? wala ka yata sa mood ngayon?" tanong ko.

"Y-yeaah. bat mo natanong?"

"Wala naman. feel ko lang di ka okay"

wow, connected kami.

tumingin siya sakin ng diretso.

"Feeling mo lang yun." tumayo siya. " teka nga, magseseven thirty na. kumain ka na nga. napakadaldal mo."

"Hindi na, gagawa nalang ako ng sandwich. sa school ko nalang kakainin. gusto mo igawa din kita?" tanong ko.

"No thanks tiff."

Tapos naalala ko. naiwan ko pala ID ko.

"Wait lang ah hahanapin ko lang yung ID ko."

Isang matalim na tingin ang isinalubong niya sakin

"Haist bilisan mo Del Rosario.kunin mo na. ako na gagawa ng pagkain mo. pagong ka talaga kahit kelan e no?"

"Oo na po!"

Patakbo kong inakyat ang hagdan.

Kukunin ko palang sa study table ko yung ID. hayun at sumisigaw na naman si malditang manok.

"Aba'y pakibilis bilisan naman o!"

"Pababa na po Legazpi!"

Bakit kaya ang sungit niya ngayon? minsan talaga parang ayaw ko na i gets tong trip ng babaeng to. napaka weird.

The Way You Look At Me (GirlXGirl)Where stories live. Discover now