Special Chapter

1.8K 43 0
                                    


Someone's P.O.V

" Hoy!  Loser akina 'yang notebook mo at pacopya!! " sigaw ng isang babaing punong-puno ng make-up na nag-ngangalang Bea  sa isang babaing nag-ngangalang Sarah.

Walang ano ano ay agad naman niyang kinuha ang isang notebook na mula sa kanyang bag at ibinigay sa tanong nakapamewang sa harap niya. Agad naman itong kinuha ni Bea at ngumise sa dalawa niyang kasama.

" Good Dog hahahaha!! " tawa nito habang tinap pa ang ulo ni Sarah na parang aso na kanyang alaga, dahil dito tumawa naman ang ibang nakakita nito.

Habang si Sarah naman ay napatungo nalang, kahit hiyang-hiya na sa mga nangyayari sa kanya. Umalis na ang tatlo at upo na sila sa kanila mga upuan upang kopiyahin ang sagot sa assignment nila sa terror nilang teacher.Walang nagtatangkang tulongan si Sofia o lumapit dito,  dahil na rin sa ang grupo nila Bea ay isang kilalang bully at kilala rin sila bilang gangsters ngunit kakasimula palang naman nila dahil dalawang taon palang naman sila sa mundo ng gangster, ngunit kahit ganun marami na ang natatakot sa kanila dahil sa pagiging bully ng grupo.

Sa buong school ay si Sarah ngayon ang bunibully ng grupo ni Bea dahil sa dahilan rin na sinusunod ni Sarah lahat ng pinapagawa nila, at nakakatulong pa ito upang pumasa sila sa kanilang pag-aaral.

Makalipas ng ilang oras ay dumating na ang kanilang guro kung kayat pasimpleng iniabot ni Bea ang notebook ni Sarah, ngunit kahit ganun alam ng lahat ng teacher ang mga pangyayari kung kaya't hindi parin nakakatakas sa sermon ang grupo nila Bea.

" Bea and company, can you please write the answer of you're assignment here in the front!! " saad ng kanilang guro gamit ang malamig nitong tinig at mga naka-kunot nitong noo.

Tumayo ang grupo nila Bea at nagsulat naman sa unahan ng kani-kanilang sagot, matapos nito ay babalik na sana sila sa kani-kanilang upuan ng mag-salita ulit ang kanilang guro.

" Ipaliwanag niyo kung bakit yan ang mga sagot niyo!!" Saad ng Guro nila habang nakakunot parin ang noo nito.

" But sir!!" Reklamo ni Bea

" No buts Bea! " saad ng kanilang guro

" Ahg. Die now sir!! "Inis na saad ni Bea at nag wawala bago nilisan ang kanilang silid-aralan kasama ang kanyang dalawang alipores.

" Okey class open you're book in page 346 read that story and answer the following question in one whole sheet of paper!! " saad ng kanilang guro at agad naman itong sinunod ng mga studyante , agad nilang nilabas ang kani-kanilang mga libro at papel at ballpen.

" Sarah can i take to you privately!! " saad ng kanilang guro na ikinatigil naman ng mga studyante at ikinagulat ni Sofia.

"A-ah.. E-eh.. okey po S-sir!! " nauutal na saad ni Sofia at dahan dahang tumayo at nagtungo sa labas ng room kung saan nauna na kanina ang kanyang guro.

Nagtungo sila sa pinaka dulo ng corridor kung saan hindi na sila maririnig ng iba pang studyante, nakatungo lang habang nakaharap si Sarah  sa kanyang guro.

" A-ano po-pong pag-uusapan na-natin??" Nakatungo at nanginginig na saad ni Sarah

Napangise nalang ang kanyang guro at tumingin sa kawalan.

" Bakit mo sila hinahayaang ganyanin ka? " tanong nito na nagpagulo sa utak ni Sarah

" A-ano pong si-sinasabi ni-niyo?? " tanong nito habang pinagmamasdan ang kanyang guro na nakatingin lang sa malayo.

" Bakit mo hinahayaan si Bea  na ibully kalang,  sa tutuosin kaya mo silang labanan.!! " saad ng guro niya at tumingin sa kanya gamit ang nakakatakot na ngite at mga matang nakakatakot.

My Dark Secret[MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon