Si Vernon lang ba costumer ? May pakindat-kindat pa sya ha.

Napatingin sakin yung waitress tapos tinaasan nya ako ng kilay.

Sapakin ko kaya sya ?

' Uy anong order mo ? '- tanong sakin ni Vernon.

' Strawberry parfait '- walang ganang sagot ko.

Sinabi ni Vernon yung order naming dalawa. Ngumiti yung waitress at sinabing ihahanda na nila agad yung order namin tapos umalis na sya.

Na-badtrip ako bigla dun sa waitress. Bat ko pa kasi dinala dito tong tinapay na to.

Pagkabalik nung waitress, nagulat ako kasi wala na yung suot nyang parang vest kaya naka-tube top nalang sya.

Tapos pinapakita pa nya talaga yung cleavage nya habang nilalapag yung order namin !

Juice ko. Pinagpipilitan yung boobs eh flat naman !

Inirapan ko sya bago sya umalis. Ang harot nya.

' Ayos ka lang Noona ? '- tanong ni Vernon.

Tumango nalang ako at nagsimulang kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng paglamon dun sa ice cream nang may bigla syang itanong.

' Noona, kunwari may nag-confess sayo na gusto ka nya kaso may boyfriend ka na, anong gagawin mo ? '- tanong nya.

Saan nya nahugot yung tanong na yun ? Ang random nya.

' Uh .. siguro sasabihin ko sa kanyang mag-move on na sakin kasi .. masasaktan lang din naman sya ? '- unsure na sagot ko.

Napayuko sya at parang napaisip.

Tumingala ulit sya at tumingin ng deretso sa mata ko.

' Gaano mo kamahal si hyung ? '

Nagulat ako sa tanong nya. Di ko inexpect na tatanungin nya ko ng ganun.

' Bakit mo naman biglang naitanong yan ? '- tanong ko.

Ang awkward ng atmosphere seryoso.

' Curious lang ako Noona '- sabi nya tapos ngumiti sya kaya medyo nabawasan yung pagka-awkward ko.

Napaisip ako ng isasagot sa tanong nya.

' Sobra .. '

Natahimik kami parehas pero agad din akong nagsalita.

' .. kasi palagi syang nandyan sa tabi ko. Noong mga panahong sobrang hina ko, pinaramdam nya saking hindi ako nag-iisa at nandyan lang sya palagi '

He let out a faint smile.

Natapos na din kami tapos lumabas na kami dun sa ice cream parlor.

Feeling ko sobrang tagal namin dun.

Ngayon lang ako na-awkward ng ganun kay Vernon.

' Noona, pwede bang wag muna tayo umuwi ? Gusto pa kitang makasama ng tayo lang eh '- sabi nya.

Pumayag ako since ayokong tanggihan sya. Mukha kasi syang malungkot.

Habang naglalakad kami, naramdaman kong dumaplis yung kamay nya sa kamay ko kaya napatingin ako dun.

Nakita kong hahawakan nya sana yung kamay ko kaso parang nagdalawang isip sya.

Napangisi ako tapos kinuha ko yung kamay nya at hinawakan yun.

Napatingin sya sakin tapos napangiti sya.

' Ayan, nakangiti ka na. Ayos ka lang ba ? Parang ang lungkot mo kasi '- sabi ko sa kanya.

MILK / seventeenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora