Lumumanay naman ang mata ni sophia.
" Wag mo na lang siyang pansinin . you should be proud Na hindi ka nagiging plastick para may maipakita kang maganda at maimpress ang ibang tao . " sabi ko sakanya
Agad naman na may nakakalokong ngiti ang isinagot niya sa akin .
" Hindi ka nga ba talaga nag papansin kay kouren ? " Pang aasar niya Irap lang ang isinagot ko sakanya .
" Hahahaha ! Guilty " pang aasar pa din niya . alam kong iniiba niya lang ang usapan at ako naman ang naiinis na sakanya ngayon .
" Manahimik ka sophia . Hindi ko gawain yon" sabi ko
Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi ko ng may sinagot na naman siya.
" Talaga lang ? Eh bakit titig na titig ka sakanya sa stage kanina ? " balik asar na naman siya . may nasabi na ba ako about sa sarili ko ?
At iyon ay ang madali akong mapikon pag na nagi guilty ako ? At bakit bako nag karoon ng sobrang mapang asar na kaibigan ?
" Aalis na ako may pupuntahan kami ngayon " sabi ko . Ngumiti lang siya na parang nang aasar pa din talaga .
" Bye ingat " sabi niya tumango na lang ako at lumabas na .
Maraming estudyante pa ang nakasalubong ko at halos sila ay naka tingin sakin .
Ang bilis talaga kumalat ng mga walang kakwenta kwentang pangyayari sa school na to .
Sumakay na ako sa elevator at sa maniwala kayo o sa maniniwala kayo walang sumakay ng ako na ang sumakay . pag sara ng elevator napa buntong hininga na lang ako
ang mga tao nga naman ay likas ng mapanghusga .
Pagka dating ko sa Basement ay agad kong pinuntahan ang sasakyan na binili ni tito nuong isang araw pa para sa akin . Ngunit pag ka dating ko duon ay puro pintura na ng iba ibang kulay , Flat Yung gulong at may nakasulat pang isang salita sa salamin na kulay pulang pintura .
' Slut!!!!!! '
Bumuntong hininga na lang ako , pinikit ang mga mata ko at napasandal sa isang kotse na katabi ng kotse ko .
Gaano ba ako kamalas simula ng isilang ako ng mga magulang ko? May purpose ba talaga ang pagkabuhay ko sa mundo ?
Ngunit agad na napadilat ang mata ko ng may narinig akong isang Boses.
" You know my car is too exclusive para sandalan mo " seryosong Sabi niya . pinakatitigan ko siya ng mabuti at kung hindi ako nag kakamali isa siya sa mga koreanong kasama ni kouren .
Umalis ako sa pagkakasandal.
" Sorry " sabi ko at talagang yumuko pa ako .
Ngumiti naman siya .
" Binibiro lang kita. Ikaw yung nakabangga sa aming maknae kanina diba ?" Sabi niya . naguguluhan naman akong napatingin sakanya . Okay sabihen nating may dugong koreano ako pero wala pang twenty na words ang alam ko . at alam ko naman na tinutukoy niyang nabangga ko kanina ay si kouren . Tumango ako .
" Ah.. " sabi niya at napatingin siya sa sasakyan ko sa likod ko at napailing iling .
" Gusto mo ihatid kita hanggang sakayan ? Malayo layo ang lalakarin mo palabas " pag aalok niya sa akin.
" Salamat . pero ayoko ng masangkot pa sa kung anong gulo nakita mo naman na ang nangyari sa sasakyan ko diba ? At baka sa susunod ay ang bahay na namin ang Gawan nila ng ganyan . sasabay na lang ako sa kaibigan ko " sabi ko .
Tumango tango naman siya na parang naiintindihan niya ako.
" pero hindi mo ba alam na ang pakikipag usap mo sa akin ngayon ay isa na namang gulo?" Sabi niya . napalingon naman ako sa paligid at may apat na babae na halos mamula na sa galit agad na ibinaling ko sakanya ang paningin ko
" ikaw ang unang nakipag usap sa akin . " sabi ko nagkibit balikat na lang siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya
" Ayaw mo talagang sumabay ? " ulit niya . umiling ulit ako ngumiti na lang siya at pina andar ang sasakyan niya .
Habang nakatingin ako sa papalayong sasakyan napabuntong hininga ako at sinimulan ng maglakad . Ayoko namang sumabay kay sophia dahil Panigurado dadaan pa kami ng mall niyan at mamimili
Sinimulan ko ng maglakad tinignan ko ang langit . siguro mga lsang oras pa naman bago mag dilim kaya pwede pa akong maglakad
************
BINABASA MO ANG
A Nerd Confession
Teen FictionI'm a nerd. But hindi katulad ng ibang nerd hindi ako matalino, sa itsura ko lang Aakalain mo na matalino ako, nag aral nako ng mabuti pero wala pa din. Naniniwala ako na kapag matalino ka matalino ka. Hindi dahil nerd ang pagpapakilala ko ay mad...
Chapter 6 ( The Class A )
Magsimula sa umpisa
