Chapter 2.1-Continuation

2.6K 91 15
                                    

Jared's P.O.V

"Pare kami na ni Marie,kami na ni Marie."Habang nagsusuklay ay pinapraktis ko ang mga linyang sasabihin ko sa bestfriend ko na si Jun.Alam ko matutuwa 'yon kapag nalaman niyang kami na,for sure.

Gusto ko sana s'yang i-text kaso parang may problema ata ang pare ko,pansin ko kasi kagabi palang nung nasa kwarto palang s'ya bago ako umalis.Ano kayang problema ng bestfriend ko?

Nang makarating ako sa Resort ay agad akong nagpalit ng puting damit na may tatak na pangalan ng resort.Hinanap agad ng  mata ko si Jun kasi excited na akong sabihin sa kanya lahat,kasi aminado ako kagabi nagsinungaling ako sa bestfriend ko,kasi kailangan e.Gusto kasing i-surprise s'ya.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Jun na papunta sa direksiyon ng C.R kaya  naman nagpasya nalang akong ituloy ang pagpupunas ko ng mga tables,at tutal din naman wala pang torista na kumakain,kasi mag-aalas diyes palang kaya naman nasa may swimming pool ngayon maraming tao o, di kaya naman ay sa dalampasigan dahil hindi naman kainitan ang araw,kumbaga tama lang ang init ng araw.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makita ko 'yung hilaw na Koreano na malagkit ang tingin sa Pare ko.Pakshit s'ya!,tantanan n'ya pare ko,kundi malilintikan s'ya dahil straight ang pare ko at 'di n'ya dapat ina-aksaya ang panahon n'ya sa lalaking 'yun.Maya-maya pa ay sinalubong s'ya ni Jun na parang hindi man lang napansin ang presens'ya ko doon.Nag-iinit talaga ang ulo ko dahil sa gagong 'yun.Susulutin pa ata ang bestfriend ko.

Pumasok na lang ako sa loob pero ng lingunin ko ang kinatatayuan nila ay wala na sila doon.Saan naman kaya pupunta ang mga 'yun?

Sa bagal ng oras naiinip ako dahil wala ang pare ko,wala akong makaka-asaran at makaka-kulitan.I-tetext ko na nga lang.

To:Pareng Jun

-Pareng Jun,nasan ka ngayon?Kasama mo ba'yong Koreanong hilaw kahapon? Nang mag-send na ay inantay ko ang reply n'ya ,pero walang ni isang reply akong natanggap kaya ta-tawagan ko nalang.Agad kong i-denial ang numero ni Jun.Nagri-ring ito pero walang sumasagot.Nasan kaya ang mokong na'yun?Tsk,..hindi n'ya sinasagot ang mga tawag ko..Nag-riring nga wala namang sumasagot..Grabe nasan ba kasi ang bestfriend ko? Nab--beast mode ako dahil sa Koreanong hilaw na'yan.

Sumapit ang tanghali pero wala pa'din si Pareng Jun.Dumami na nga at halos mapuno na ang restaurant ay hindi parin talaga dumarating ang bestfriend ko.Wala nanaman tuloy akong kasabay kumain.Tsk..

Bandang alas tres na ng hapon at kakaunti na lamang ang tao sa restaurant kaya naman naisipan kong lumabas muna para magpahangin sa spot namin ni Pareng Jun.Maya-maya pa ay nakarinig ako ng nagtatawanan.. Nandito lang pala ang pare ko kaya tumabi ako sa kanya kaya naman nagulat silang dalwa nung Koreanong hilaw na'yon.

"Pare nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap kasama mo lang pala 'tong kumag na'to," Ang sabi ko sabay turo sa koreanong 'yon.Alam napakabastos ng turing ko sa koreanong 'to pero hindi n'yo mai-aalis sa'kin ang nag-uumapaw na inis.Dahil ba sa inaagaw na niya ang bestfriend ko pati na'rin oras inaagaw n'ya na ng buong-buo .Leste!

----------------------------------

JUN'S P.O.V

"So,I supposed to  leave the two of you now since we're done here Jun,right? Tanong ni Jin Yu na alam kong gusto n'yang kaibiganin si Jared pero si Jared at n agtataboy sa kanya palayo.

"Sige wala ng balikan ha."Napakasarkastiko ng pagkakasabi ni Jared na hindi ko nagustuhan kahit pa hindi iyon naiintindihan ni Jin.
"Pare ba't mo naman binastos 'yung tao? Kasi naman wala s'yang karapatang magalit kay Jin Yu gayong wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

"E,kasi pare mainit ang dugo ko dun sa koreanong hilaw na'yon kasi nawawalan na tayo ng bonding mag-buddy."Ang arte naman nitong mokong na'to.Gumuhit naman bigla ang ngiti sa labi ko na bigla na lamang napalitan ng pekeng ngiti ng makita kong paparating si Marie.

Napakalawak ng ngiti ni Marie ng mga sandaling iyon habang papalapit samin habang si Jared naman ay nakangiting tagumpay..

"Hello Jun!" Ang bati ni Marie ng makalapit sa amin.
"Hi Marie." Ayun ang naisagot ko sa kanya at lumapit na s'ya sa boyfriend n'ya.

"Mahal dinaanan kita dito kasi mis na agad kita."
Hindi ko alam kung anong dapat na reaksiyon ko pero pinili ko nalang ngumiti para sa kanilang dalawa.

"Ah,pare kami na ni Marie ." Aniya.
"Talaga?,Kailan pa? Siniglahan ko ang boses ko para naman maramdaman n'yang proud ako sa kanilang dalawa.
Maganda si Marie,matangkad,matangos ang ilong at maayos manamit.Mapagkakamalan mo sigurong modelo kapag di mo kilala.

"Nung isang araw lang pare."Napangiti nalang ako kahit sa loob ko'y sasabog na sa sakit.
Eto na'yung kinakatakutan ko noon nangyayari na.

"Buti naman pare,masaya ako para sa inyo." Ti-nap ko siya sa balikat at nagpaalam na para bigyan silang dalawa ng oras sa isa't-isa.Ayokong maka-istorbo sa kanilang dalawa dahil gusto kong maging masaya si Jared,silang dalawa.

Habang nasa kotse ako ay naisipan kong i-text si Jin para samahan ako sa Lucban para sumimba at magroad trip nadin..

Kotse ko ang ginamit namin at siya na ang pinagmaneho ko dahil baka ma-aksidente kami dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Maya-maya pa ay nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.

[Itutuloy]
Pabitin muna po :)
Salamat sa pagbabasa guys :)
Matatagalan ang next update..Salamat !

For All My Wrong Reasons(BXB 2016)Where stories live. Discover now