Chapter 1.1-Continuation

3.9K 115 6
                                    

JUN [At multimedia]

Malawak ang ngiti ng Koreanong iyon nang makarating ako sa kanyang table.

"Sir, your order: chicken fillet with two cups of rice, Nido soup, our special halo-halo and your drinks, sir, Iced tea. Did I get your order right, Sir?" Sabi ko.

Ngumiti siya at bakit na naman kaya? Napangiti na 'rin tuloy ako kahit naiinis ako kay Jared.

Nagtataka lang ako kasi mag-isa lang naman siya pero pina-doble n'ya lahat ng binili n'ya. Is he dating someone? I don't know.

Teka bakit naman ako naging interesado sa kanya?

"Yes, you got my order right and I hope you don't mind joining me here.." aniya na nagbigay sa'kin ng dahilan para mapangiti.

"Ah, sure." Sagot ko sa kanya sabay upo sa katapat niya.

Sa 'di kalayuan nakita kong nakamasid sa'min si Jared pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang nagpatay malisya at pinagpatuloy ang pagtatrabaho at ako naman nagtataka pa rin.

"I'm Jin Yu." Panimula niya sabay ang pag-abot ng kanyang kamay sa akin. Mala rosas ang kamay niya nang pagmasdan ko ito bago ko kinuha at kinamayan.

"I'm Jun." Nakangiti ako at ganoon din naman siya. Fixed nga ata iyon, e.

"Can you be my friend? Tanong n'ya sa'kin. "Sure ! Malakas ang pagkakasagot ko sa kanya noon kaya napatingin ang ibang crew samin. Maging si Jared ay nakuha ko 'din ang atensiyon. Nakisimangot pa siya noong sulyapan ko siya.

Bakit na naman kaya?

"Pareng Jun, out na'ko. Sasabay ka na ba?" Tanong niya.

"Ingat pare, mamaya pa'ko. Sige."

Hindi na s'ya nagsalita at tuluyan na ngang umalis. Nagtaka naman ako dahil 6:00 palang naman, kasi usually eight kami umaalis pero ngayon nauna na siya.

First time n'yang umuna sa'ming umuwi.
Siguro manliligaw na s'ya kay Marie? O baka naman sila ng dalawa. Masaya ako para sa kanya kung ganoon.

"Hmm your food here tastes good." Banat ni Jin Yu na ikinatuwa ko.

"Thank you for the compliment! May I ask you about personal matters?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, you can. What are friends are for, right?" Natawa ako sa tono niya ng pananalita. Cute.

"Why are you laughing?" Kunot noong tanong n'ya sa'kin.

"Kasi I find you nice." Ayon na lamang naisagot ko sa kanya .

"How old are you now, by the way?" Tanong ko sa kanya.

"I'm already twenty two and next week will be my birthday so, I am inviting you to come over with me to celebrate my birthday since we're friends now, right?" As an answer sa alok niya ay nag-nod nalang ako bilang pagsang-ayon.

Marami kaming napagkwentuhang dalwa tungkol sa buhay niya. Isa 'rin pala siyang teacher, kaya pala ang husay n'ya ding mag-ingles. Gusto niya rin na i-text ko siya kapag kailangan ko s'ya o kaya naman kapag may problema ako.

Magsisinungaling ako kung sasabahin kong hindi ako attracted kay Jin Yu. Sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa ganitong klaseng nialalang namay napakagandang features?

Tulad nga ng sinabi ko, nais n'ya talagang matutong magtagalog kaya i-ha-hire n'ya 'raw ako bilang private tutor n'ya na 3 times a week lang naman ang hiniling n'yang panahon.
Alam niyo ba kung magkanong sahod? Sampong libo kada month. O e, 'di para na rin akong nagturo sa isang private school..

For All My Wrong Reasons(BXB 2016)Where stories live. Discover now