The Start
"Sino dito may mga karelasyon?" tanong ni Ma'am Gagan saamin. May ilang nagtaas ng kamay at proud na sinabing 'Ako po maam' at mga nakangiting abot langit. Habang yung mga Hindi nakataas ng kamay o tawagin nating Single. ayun mga naka poker face. Parang hindi interesado sa tinatanong, Tsk Mga bitter.
"Eh sino naman dito Single?" This time, mas maraming naka taas ng kamay. At yung iba naman parang hirap na hirap itaas ang kamay nila, napaghahalataan e. Wala naman masama sa pagiging single ah? Maganda nga yun. Wala silang propoblemahin.
Napansin ko nalang na naka tingin saakin si Ma'am Gagan, habang naka taas ang isang kilay niya.
"Bakit po?"
"Ms Silva, bakit Hindi ka nagtataas ng kamay? Kung ayaw mo sa topic natin, maari ka ng lumabas" mahinahong tanong niya na bakas ang pagkakairita.
Ayaw agad? Hindi ba munang wala ako sa dalawang tanong niya? I mean, im not in a relationship, and im not single too.
"Ma'am hindi po sa ganun, hmm wala lang po talaga ako sa dalawa"
"What do you mean?"
"Wala akong karelasyon, Hindi rin ako single" tumigil ako, bigla ko siya naalala... "May hinihintay po kasi ako, nangako siya na, itutuloy namin yung naudlot naming pagmamahalan, pag ka balik niya."
"So you mean Ms. Silva, you are technically single and you're heart is in a relationship?"
"Yes ma'am"
Hindi na ulit nagtanong si ma'am, siguro na halata niya ang lungkot sa Boses ko...
Kelan ka kasi babalik? Miss na miss na kita... tatlong taon ang nakalipas simula ng umalis ka... Sana, natatandaan mo parin yung pangako mo.
Sana tuparin mo.....
"Oy amara, tulala ka na naman diyan" Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang kaibigan ko, Si Anya.
"Ah may iniisip lang"
"Siya na naman ba ang iniisip mo?" Kilala niya talaga ako, alam niya agad kung anong nasa isip ko. Sabagay 4 years na kami magkaibigan. Sa kanya ko lahat nasasabi ang nararamdaman ko.. mga sikreto ko.
"Oo, hindi ko maiwasan" Kahit ayaw ko man' isipin siya. Bigla nalang kasi sumusulpot. Kahit ang tagal na sumula nakasama at naka usap ko siya. parang kahapon lang nangyare. Malinaw parin saakin ang mga alaala namin, ano na kaya itsura niya ngayon? 16 years old na siya ngayon. Expect ko na mas gwumapo at nag matured na ang muka niya pati katawan.
"Hindi kaba napapagod?" Halata sa muka ni Anya, na naawa siya saakin. and I hate it. Ayaw ko ng kinaawaan ko. kaya ko naman e. Kakayanin..
"Hindi.. Alam ko namang babalik siya"
"Paano kapag hindi siya bumalik?"
Napa isip ako nun ah. Paano nga kung hindi siya bumalik? Kakayanin ko ba? Pero hindi, babalik siya.. Nararamdaman ko yun.
"Wag kang nega"
"Nag sasabi lang ako ng posibleng mangyare, dapat Handa ka amara. Maaring kang masaktan"
I know nagaalala lang siya saakin, pero handa naman ako sa lahat na pwedeng mangyare... Matagal ko na pinaghandaan.
----
After the epilogue, i will post the Prologue.
YOU ARE READING
I will wait for you
Random"I love him very much, but. I want to give up, I'm so damn tired of getting hurt. but my heart has a mind of its own, that will always be there waiting for him, as if He owns my heart, Even though He broke my heart into a million pieces, My heart...
