Chapter 30 - School Festival Day 2

Start from the beginning
                                    

"Hala ako din pala! Kanina ko pa gusto bumili nun." parang kuminang ang mga mata nya nang sabihin nya yun. "Bibili muna ako, ah?"

Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko nang ngumiti sya sakin. Umalis na sya at napatulala nalang ako.

I have a HUGE crush on Iann ever since I transferred here. Pero syempre, I'm just a nerd na laging binubully. Hindi nga nila ako kilala dati eh. Okay lang sakin kung hindi nya ako magustuhan. Masaya na akong kaibigan ko sya.

"Uy, Alex."

Napalingon ako sa likod ko. "Oh, hi Shin." nginitian ko sya. Umupo sya sa harapan kong upuan. Nakain pa sya ng chocolates.

"Nachicha mho bha shi Hime?" sabi nya. (Nakita mo ba si Hime?)

"Hindi eh, bakit?"

"Chumakas acha sha eh. Dapat kashama ko sya sha duty eh." sabi nya. (Tumakas ata sya eh. Dapat kasama ko sya sa duty eh.)

Kumuha ako ng piraso ng chocolate sa hawak nya. Ansarap talagaaaaa *0*

"Ako nalang sasama sayo sa duty mo." nginitian ko sya.

Lumiwanag naman ang mukha nya, "Talaga?" masayang sabi nya. Napailing nalang sya bigla at tumikhim. "I mean, talaga?" sabi nya na para bang wala syang interest.

Natawa naman ako ng konti, "Oo naman! Kapatid ka kaya ni bestfriend. Ano bang duty mo? Ayoko lang magduty as guard ah. Kakaloka!"

"Marriage booth."

"Sige. Intayin ko lang si Iann kasi nabili sya ng pagkain namin, eh."

Di ko alam kung ako lang ba or parang nag iba ang expression ni Shin. Sakto namang dumating si Iann dala yung cake ko. Umupo sya sa tabi ni Shin at binigay sakin yung cake.

"Oh, Shin. Bakit ka pala andito? Gusto mo ba ng cake? Hindi ako namimigay." he pouted.

"I already ate. Sobrang bloated ko na, huhu." sabi ni Shin. "I was looking for Hime then I found Alex na nakatulala. Papasukan na nga ata ng langaw yung bibig eh. HAHAHAHAHHAHAHA!" tumawa pa sya ng malakas kaya nabatukan ko sya. Nagtawanan pa sila ng malakas ni Iann.

"Heh! Manahimik ka nga dyan! Hmp." I said as I took a bite from my cake. Hmmm, ang sarap talagaaaa *0*

"Sakura? I saw her kanina na lumabas kasama si Red. Lumabas ata sila ng school."

Muntikan na maibuga ni Shin yung tubig na iniinom nya. Nilunok nya ata bigla kaya napa-ubo sya ng malakas. "Kadiri naman to. Tumalsik pa ata sakin konti." sabi ko.

Patuloy syang umubo. "Ano? Kanina pa ako naghihintay sa marriage booth at kanina pa ako nag-iikot sa buong school nya tapos lumayas na pala sya." inis nyang sabi. "Humanda sya sakin mamaya."

"Talaga ba? Kasama ni Sakura si Jarred? Bakit kaya? Eh diba hate nya si Red?" tanong ko.

Iann shrugged, "Malay ko."

"Tapos ka na ba, Alex?" tanong ni Shin. Tumango ako sa kanya. Tumayo sya at tumingin kay Iann, "Hiramin ko muna si Alex, ah." sabi nya at hinila ako palayo. "Tss, hindi ko na ibabalik si Alex sayo."

Rinig kong may binulong sya pero hindi ko na narinig. Nakarating agad kami sa marriage booth kasi malapit lang sa cafeteria.

"Ang dami namang tao dito."

Sobrang daming tao sa marriage booth. Parang may artistang nasa marriage booth sa sobrang dami ng tao.

"Of course, andito ako eh." ngumiti pa sya ng nakakaloko.

The Nerd Is The Legendary Gangster Queen (UNDER EDITING) Where stories live. Discover now