Finding twenty four

Start from the beginning
                                        


Nagtype naman ako. Nagpasalamat ako sa muffins na napakasarap. Ilang saglit lang ay nagreply naman ito.


Sira ulong Clark.

No problem Dory =) Okay na sa akin isang kiss ;) O kaya isang date din =D


Mahina naman akong napatawa.


"Oh bakit Dory? Anong sabi ni Clark?" 


"Joker pala talaga si Clark noh? Kahit mukha siyang seryoso palagi."


"Talaga? Paano mo nasabi?"


"Ito oh." At pinakita ko ang reply ni Clark. Nanlaki ang mga mata nito at agad na kinuha sa akin ang cellphone. Mabilis na nagtype ito. Nakita ko naman na umilaw at nagreply ito.


"Ano daw sabi? Saka anong sinabi mo?"


"Wala." sabi nito pagkabasa sa reply. Humarap ito sa akin.


"Dory."


"Ano?"


"Walang date date ha! Lalo na kiss! Huwag ka na din makikipag-usap sa gagong yun!" naiiritang sabi nito at napanguso pa ito. Ang cute ng pisngi nito kaya hindi ko napigilan na kurutin ang pisngi nito.


"Hmmm! Ang cute mo!" nanggigigil kong sabi dito. Tumingin naman ito sa akin.


"Mashakit." sabi lang nito. Ngumiti naman ako dito at pinanggigilan ko pa din ang pisngi. Binitawan ko na din ang pisngi nito at hinilig ko ang ulo ko sa balikat nito.


Hindi ko din alam sa sarili ko. Ilag ako sa lalaki eh. Ayaw kong makipag-interact sa kanila. Pero pag si Nemo na... natatagpuan ko na lang ang sarili ko na masaya pagkasama ko ito.


------

---° Neo's POV


Sira-ulong Clark.

Kung umaamin ka na kasi... Eh di sana may karapatan ka ng bakuran yan =))) >=D


Nababadtrip pa din ako. Aba't gagong yun. Sinabi ko na tantanan si Dory. Aayain pa ng date si Dory. Humingi pa ng kiss! Kung katabi ko lang talaga yung si Clark malamang swelas ng sapatos ko hinalikan nun at may date sa emergency room yun.


Pero may punto ito eh. Anong karapatan ko na pigilan ito? Wala. Simpleng kaibigan lang niya ako  at ninong lang ako ng magiging anak nito.


Antayin mo lang gago ka! Magkakaroon din ako ng karapatan! 


Naramdaman ko naman na humilig lang sa balikat ko si Dory matapos panggigilan ang pisngi ko. Aaminin ko masakit... pero hinayaan ko na. Aba simpleng touch din yun.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Where stories live. Discover now