Sumunod na nakalista doon ay pag-ibig.


Pag-ibig? Ironic. Hindi iyon bagay na basta lang makikita sa kung saan. Kahit ako ay hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko pa iyon nararamdaman.


Napayuko ako sa sumunod na nakalista: pamilya.


Pero ano ito? Bakit may marka ang salitang ito? Ibig sabihin ba nito ay natagpuan na nya ang kanyang pamilya?


Pagkuwan ay namilog ang aking mga mata. Sa gilid kasi ng salitang ito ay may naka-indicate: Just Lander at lola Peach.


Totoo ba ito? Pamilya na ang turing nya sa akin?

I wanted laugh, hard. Bakit niya ako ituturing na pamilya? Kung malalaman niya lang ang totoo. I was the monster who stole her from her family.

Ako ang dahilan kaya naging mangmang siya sa mundong ito. Ipinakulong ko siya noong bata siya sa isang saradong silid sa loob ng maraming taon.


Ako ang dahilan kaya narito siya sa poder ko, miserable at pag-aari ko.


Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. Isang bagay na bago sa akin, ilang beses na ba akong napangiti ng babaeng ito? Pero ito nga at nakapagtatakang kusa at natural na gumalaw ang aking mga labi.


May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa dibdib ko. Ito ang unang beses na may tumuring sa aking isang pamilya.


Maraming Montenegro sa mundo pero wala akong kinalaman sa kanila, ganon din sila sa akin. Bukod kami sa kanilang lahat. At kinatatakutan ng ibang Montenegro ang emperyong itinatag ng ama ko na isang drug lord. Isang ama na hindi naman naging ama sa amin. At mas tumayo pa nga akong ama sa kanya kaysa siya sa akin. Ilang beses ko na kasing napaikot ang matandang iyon.


At ang nakatatanda kong kapatid na si Kyo Montenegro ay galit sa akin. Siya ang tangi kong kapatid sa mundo pero hindi kami kailanman naging malapit. Lumaki ako na hindi siya gaanong nakakasama. Palipat-lipat siya rito at sa ibang bansa ng pag-aaral. Katulad ko ay may sarili siyang mundo pero wala siyang hilig sa negosyo ng mga Montenegro. Siya pala ang unang nakulong sa kuwartong pinagkulungan ko kay Aviona. Doon siya kinulong ni Dad noon dahil sa matigas ang ulo niya.


Naging libangan ko rin ang buhay ni Kyo noon dahil bored ako. Namulat kasi ako na mas magandang paglaruan ang buhay ng mga tao kaysa mga laruan na kayang bilhin ng pera. Na sa tumagal ay ini-apply ko na rin sa mga tao, sinimulan ko na ring tapatan ng salapi ang bawat buhay na makursunadahan ko. Natuon pa ang utak ko negosyo at itinuring akong lucky charm ni Don Ybarra Montenegro, our dad, at huli na para malaman niyang pinapaikot ko lang rin siya. Silang lahat na parang mga laruan ko.


Napailing ako. Well, sawa na ako ngayon sa mga buhay nila. 


At si Aviona Camille Montemayor. Sa akin siya. Siya ngayon ang pinakamagandang laruan na meron ako. Sa akin ang inosenteng kagandahang iyon, pag-aari ko siya. At hindi siya puwedeng hiramin ng kahit sino.


Sa akin lang dapat iikot ang mundo niya. At ako lang ang susundin at paniniwalaan niya.


His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now