Ang chapel na ipinatayo daw ng lolo ni Ravin para sa lola nito ang tanging lugar na maaring pagpakasalan ng mga Aseron ayon sa tradisyon ng pamilya ng mga ito. Apparently, lahat daw ng Aseron na doon nagpakasal ay naging maligaya ang married life at hindi naghiwalay. Ngunit iyong mga iilang Aseron daw na hindi sumunod sa tradisyon ay hindi naging ganoon ka-smooth sailing ang mga relasyon sa kanya-kanyang napangasawa.

And the fact na pumayag ang reyna ng kaartehan niyang kaibigan na sa naturang chapel magpakasal ay nagpapatunay lang na mahal na mahal talaga nito ang nobyo nito. Noong mga dalagita pa kasi sila nito at ni Ceza, napag-usapan na nila noon kung saan nila gustong magpakasal.

Siya ang gusto niya ay garden wedding. Si Ceza naman ang gusto ay beach wedding. At si Shebbah, well, simple lang naman ang trip ng sosyal niyang kaibigan. Gusto nito sa Rome ito

magpakasal! At hindi lang iyon, gusto pa nito ang Pope mismo

ang mag-officiate sa kasal nito!

"...but my love is all I have to give, without you I don't think I can live. I wish I could give the world to you, but love is all I have to give..."

'She has an excellent sense of direction.' Iyon ang madalas ay pa-sarkastikong paglalarawan nina Ceza at Shebbah sa kanya. Iyon kasi ang eksaktong kabaligtaran ng mga salitang maaring ipanglarawan sa kanya.

At sa pagkakarinig niya sa panghuling kanta ng Backstreet Boys na naka-record sa CD na pinakikinggan niya sa car stereo niya, malakas ang kutob niyang muli ay pinatotohanan na naman niya ang bansag na iyon sa kanya.

At nakumpirma niya iyon nang makita niyang muli sa ikalimang pagkakataon na ang parehong sign board na nagsasabing: THREE KILOMETERS TO ASERON FARMS. Walang duda, nawawala na naman siya. Ayon sa wristwatch niya, mahigit isang oras na siyang nagpapaikut-ikot sa paliku-likong kalsadang iyon.

Ngunit hindi pa rin niya natatanaw ang arkong nagwi-welcome sa kanya sa Aseron Farms. Gayong ayon kay Shebbah,

ten minutes na lang dapat ang itinakbo ng oras para marating

niya ang arkong palatandaan na narating na niya ang Aseron

Farms.

Natutuliro nang pinatay niya ang car stereo. Kailangan na niyang mag-call a friend! Habang nakahawak ang isang kamay sa manibela ay binuksan niya ang tote bag niyang nakapatong sa

passenger's seat ng sinasakyan niyang Volks. Pero ida-dial

pa lang niya ang speed dial sa cellphone niya na nakalaan kay Shebbah ay tumunog na iyon.

At nang sulyapan niya ang screen, pangalan ni Shebbah ang naka-rehistro doon. Isinuksok niya sa tainga ang earphones. Naliligaw na nga siya sa masukal na kalsadang ito, wala siyang balak palalain pa ang sitwasyon sa pagkakaroon ng aksidente dahil sa pakikipag-usap niya sa phone niya.

Bumunot muna siya ng malalim na paghinga bago sinagot iyon. Pakiramdam kasi niya naninikip sa kaba ang lalamunan niya.

"Hi, future Mrs. Ravin Aseron-Navarre! You're right! Ang ganda-ganda nga talaga dito sa Isla Fuego! Sariwa ang hangin, asul na asul ang dagat at---naliligaw ako, Shebbah! Tingin ko namaligno ako! Help me! Ayokong sumama sa mundo ng mga engkanto!" pa-atungal na pagtatapos niya ng sa simula ay masigla pang pagbati dito.

Sa totoo lang kanina pa niya gustong baligtarin ang suot niya sa pag-asang makokontra niyon ang sa hula niya ang pang-i-engkanto sa kanya ng mga naninirahang nilalang sa mayayabong na halamanan at nagtataasang puno sa magkabilang bahagi ng malawak na kalsadang tinatahak niya. Ang takot lang niya na baka kapag huminto siya ay bigla na lang may lumabas na kung ano mula sa magkabilang gilid ng daan ang pumipigil sa kanya.

ASERON LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon