Chapter 2

3.7K 103 9
                                    




Ellie







Oo naman, syempre miss na miss na kita. Pero naiintindihan ko naman na sobrang busy mo sa trabaho,”


Sagot ko kay Jake habang kausap sya sa phone, sa tanong nya kung namimiss ko ba sya.




Natural lang naman na mamiss ko sya. Lalo na madalang lang kaming magkita. Tapos nasa ibang bansa pa sya ngayon.



“But, I promise you, babawi din ako,” malambing na sabi nya.



“Hmp, parang ilang beses ko na yatang narinig yan?” natatawang sagot ko sa kanya.




“Hahaha, okay, di na ako mag-promise. Basta babawi ako,”

“Okay, fine,” kunwaring tampong sagot ko.




“Wag na magtampo ang honey ko. Um, actually hon, I really need to end this call. Tinatawag na ko ng secretary ni Mr. Ching,”



“Oh, okay sure. Tawag ka na lang ulit pag free ka na. Goodnight, I lov—,”




Magpapaalam pa sana ako nang marinig ko ang beep ng phone na in-end nya na yung call.






Medyo sanay na din naman ako, actually.



Pero, di ko naman maiwasang malungkot sa ganitong sitwasyon namin.


Iniisip ko na lang okay lang naman kase para sa career nya yun, eh. Ayoko naman syang paghigpitan.


May kanya-kanya kaming career na kelangan naming i-pursue. At kung ako din yung nasa lugar nya, di ko rin naman gugustuhin na paghihigpitan nya ako.










Hm, pero sa totoo lang..








Malungkot talaga...










Inayos ko ang unan ko at humiga na sa kama. Maaga pa ang klase ko bukas.
















**





Naglalakad ako papunta sa building 2 ng school ng makita ko si Avanzado sa di kalayuan.




Nakasuot na sya ng uniform pero hindi nya suot ang blazer nito. Nakaupo sya sa damuhan habang hawak ang gitara nya.





Kundi ako nagkakamali, si Acosta ang kasama nya na naglalaro ng football malapit sa kinauupuan nya.



Napahinto ako sa paglalakad at napatitig lang kay Avanzado.



















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ba-Ba-Black sheep (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon