Chapter 1 (Revised)

5.9K 114 11
                                    


Ellie








First day of class ngayong araw.







Marami ulit akong makikilalang mga bagong estudyante. At nasisiguro kong hindi mawawala ang mga batang mahilig magpasaway.





Sa isang private school ako nagtuturo. Kaya mas hindi maiiwasan ang mga batang spoiled sa mga parents nila.




Sa secondary ako nagtuturo bilang isang MAPEH teacher.



Excited na akong makita ang mga bagong  kabataan na mababahagian ko ng mga nalalaman ko tungkol sa sakop ng subject na ito.









"Goodmorning, Ms. Rivera." bati ng security guard sakin pagpasok ko sa school. At sinuklian ko naman sya ng matamis na ngiti.


Pumunta ako sa faculty room at nilagay don ang mga gamit ko, saka ako pumunta sa school cafeteria dahil may 20 minutes pa naman ako para mag-coffee.

Naghahanap ako ng uupuan habang bitbit ang cup of coffee ng marinig ko ang beep ng phone ko.



Napa-smile agad ako ng mabasa ko kung sino ang nag-message sakin.




Syempre para sa kanya lang naman ako kinikilig.








Sa boyfriend kong si Jake.







Kinakamusta nya ako dahil masyado kase syang busy sa trabaho nya, kaya minsan lang kami makapag-usap at magkita these past few weeks.






I continued to walk habang nagta-type ng message to reply ng may mabangga ako.







“S-sorry. I’m really sorry,” hingi ko ng pasensya sa nagawa ko.






Ano bang nasa isip ko at naging careless ako. Using my phone habang naglalakad. Tss.







Mainit pa naman yung coffee, sana di sya nasaktan.








“It’s okay, I’m fine. Medyo mainit lang,” nakangiti at mahinahong sagot ng taong aksidente kong nabangga.

Nakakahiya ang ginawa ko.






Saka ko lang napansin ang itsura nang taong nakabangga ko. I felt something familiar with her.







Parang may kamukha sya.






Pero di ko masyado ma-recognize dahil sa suot nyang eyeglasses na may black frame.





At nagtaka din ako nang makita ang suot nyang black anime shirt, ripped jeans, at guitar na nakasabit sa balikat nya.





May event ba today na di ko alam?





“Sorry din po, di din po kase kita napansin kase nagmamadali po ako. Sorry din po sa coffee na natapon, do you want me to get you another one po?” magalang na tanong nito sakin at paghingi din ng sorry.






“Um, hindi na, it was fine. Kasalanan ko din naman, eh,” sagot ko dito.





Binalik ko sa bulsa ko ang phone ko at kinuha ang panyo sa kabilang bulsa para ialok sa kanya. Basa kase ang  damit nya ng kape.





“Ito o, gamitin mo pagpunas ng coffee sayo,” alok ko.





“Sure, thanks,” saka nya kinuha ang panyo sa kamay ko ng nakangiti at umalis na din agad.




Ba-Ba-Black sheep (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon